Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-22 2009

(GMT+08:00) 2009-09-21 14:37:26       CRI
Kumusta na Sunday fans?

Habang pinakikinggan ninyo ang mga kantang pini-play ni Ate Sissi, ano ang ginagawa ninyo? Ano ang naaalala ninyo? At sino ang naaalala ninyo? Welcome kayong ibahagi ang inyong love and passion for music kay Ate Sissi…

Limang kantang ini-recommend ni Sissi noong isang linggo. Sana hindi pa ninyo nakakalimutan. "Party Time" ni Coco Lee; "Wonderful World" ni Dee Hsu o little S; "Empty city" ni Yang Kun; "Give you," na kinanta at kinatha ng big idol ni Sissi- Eason Chan at "Parang pangitain," na tambalang tinig nina Jacky Chan at Sandy Lam. Tuwang tuwa ako na makita kung paano dini-define ng music fans ang kanilang feeling for music sa iba't ibang paraan. Halimbawa, sabi ni Araon Tiu….naku…ang ganitong knowledgeable music fans, ipinagmamalaki ni Sissi.

Ok, iri-reveal ko muna ang tatlong pinakapopular na kantang pinili mismo ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagboto sa aming message board o sa pamamagitan ng textmessages.

Ika-3, "Parang pangitain" inihatid nina Jacky Chan at Sandy Lam. Bagama't hindi nakakuha ng medalya, tulad din naman ng mga mamamayan ng ibang bansa, may bahagi rin ang mga mamamayang Pilipino sa excitement and love na hatid ng Olympic Games. Para naman sa mga mamamayang Tsino, parang pangitain ang Olympic Games, Exciting at unforgettable.

Ika-2, "Wonderful World." Mula sa typical mother na si Dee Hsu at kanyang elder daughter na si Elly. May simpleng rhythm at simpleng background music. ang pinakamalaking shining point sa kantang ito ay iyong diyalogo sa pagitan ng nanay at anak. Bago natagpuan ni Little S ang kanyang asawa, maraming beses siyang umiyak sa talk show na siya mismo ang host dahil iniwanan siya ng kanyang boyfriend. Pero nanatili siyang matatag, optimistiko at independent. Pagkaraan, pinagkalooban din siya ni Lord ng isang maipagmamalaking pamilya.

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.

Ang winner is…walang iba kundi ang kantang "Give You", unang obra ni Eason Chan at strong recommended ni Sissi. Sabi nga ng mesahe mula kay [092092449XX hindi pa rin nalalaos si jacky chan...i like his charm...malakas pa rin dating sa akin. gusto ko iyong song niya na parang pangitain na parang totoong-totoo.] katkat: matagal ko nang sinusundan ang singing career ni eason. he is one of my charms.

Ang sarap magmahal, ano? Kahit minsan nasasaktan ka, okay lang. Kahit minsan binabalewala ka, di bale na lang. Kahit minsan nagiging tanga ka, ayos lang. Di mo naman kasalanan iyon, di ba? KASI NAGMAHAL KA LANG! Ang narinig ninyo ay mensahe mula sa 091740212XX, ang aming masuwerteng tagapakinig para sa nagdaang linggo. Maganda, di ba? Maraming salamat sa iyong laging pagkatig sa programang Pop China at kay Sissi. Tatanggapin mo ang DVD ni Angela Zhang bilang gatimpala sa iyong beautiful words. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.

Nitong ilang araw na nakalipas, ang pinakamalaking balita sa sirkulong musikal ng HongKong ay may kinalaman kay Andy Liu. Pagkaraang ilihim nang mahigit 20 taon, inihayag na ni Andy ang kanilang relasyon ni Carol, isang babaeng Malaysian. Hand in hand, lumabas ng International Airport ng HongKong noong Double Seventh's Day o Chinese Valentine's Day. Abala-abala ngayon si Andy sa pagharap sa mga mass media, pero, bilang isang music fans, iginagalang ko ang kalayaan ng pamumuhay ng mga singer. Kahit mga star, mayroon din naman silang private life. Sa kantang "nanay" ni Andy Liu, nagwi-wish ang aming dean of pop ng health and happiness.

Ang kantang "Nanay" ay isang awit na kinatha para sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, inang bayan na tinutukoy sa title ng kanta.

Sa nakaraang episode ng Pop China, ini-recommend ko ang kanta ni Angela Zhang, pero hindi pumasok sa Music Chart ang kanyang kanta. Alam kong marami sa mga fans ni Angela ang nasa tabi ng radyo at this time. Muling iniri-recommend ko ang isang kanta ni Angela. Grasp the chance at ipakita ang inyong appreciation kay Angela, Ok?

"Ang Kinabukasang Nakikinikinita Ko"…Ikaw lamang ang nilalang na siyang tanging nakakaalam na sa katotohonan ay hindi ako masaya. Ikaw lamang ang siyang tanging nakakaalam kung ano talaga ang hanap ko. Ikaw lamang ang siyang tanging nakakaalam na kailangan akong yakapin kung naghahanap ako ng init.

Para sa iyo, sino ang "ikaw" na tinutukoy ng awit?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>