Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-23 2009

(GMT+08:00) 2009-09-27 19:53:03       CRI

Magandang magandang gabi po, mga kaibigang Pilipino. Sasalubunngin namin ang ika-60 na anibersaryo ng pagkakatatag ng aming bayan. Tuwang tuwa ako dahil mahaba ang bakasyon. Walong araw. Gusto ko tuloy magpunta sa Sichuan, lupang-tinubuan ng Giant Panda at masasarap na pagkain. Pero, huwag mag-alala, patuloy ang ating excitement sa pop music ng Tsina at ihahatid sa inyo ni Sissi ang interesting na karanasan sa Sichuan.

Limang kantang ini-recommend ni Sissi noong isang linggo. Sana hindi pa ninyo nakakalimutan. "Give you," na kinanta at kinatha ng big idol ni Sissi- Eason Chan, "Wonderful World" ni Dee Hsu o little S; "Parang pangitain" ng tambalang tinig nina Jacky Chan at Sandy Lam, "Nanay" kinanta ni Andy Liu bilang pagdiriwang sa kaarawan ng inang bayan niya at "Ang Kinabukasang Nakikinikinita Ko" na inawit ni Angela Zhang. Pagkaraang bilangin ang mga pagboto para sa noong nakaraang linggo, gusto kong pasalamatan ang mga tagapakinig na nagbibigay ng kanilang matapat na pagbati sa serbisyong Filipino para sa pambansang araw. Katulad ng sabi ng mensaheng galing sa 00197163468XX: hindi makukumpleto ang araw namin hangga't hindi namin napaparating sa inyo ang aming "Maligayang Pambansang Araw". More power and mabuhay sa China at CRI! Siyembre. Ang aming kaligayahan ay hindi malulubos kung wala ang inyong mga mensaheng pambati. Maraming maraming salamat po, mabuhay sa lahat ng kaibigang Pilipino.

Ok, iri-reveal ko muna ang tatlong pinakapopular na kantang pinili mismo ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagboto sa aming message board o sa pamamagitan ng textmessages.

Ika-3. "Ang Kinabukasang Nakikinikinita Ko" inihahatid ni Angela Zhang, love song ito o gustong kong sabihin ito ang isang kantang naglalarawan ng pagmamahalan sa pagitan ng anak at magulang. Alam nilang sa katotohonan ay hindi ako masaya. Alam nila kung ano talaga ang hanap ko. Alam nilang kailangan ako yakapin kung naghahanap ako ng init.

Ika-2 "Parang pangitain" inihatid nina Jacky Chan at Sandy Lam. Sa kantang ito, mapupuna mong nabago na ang paraan ng pag-awit ni Jacky. Hindi katulad ng ipinakikita niya sa mga pelikula, encouraging at manly, tender at gentle ang boses niya sa kantang ito. Kaya nasabi rin niyang I am full of memories and love sa Beijing Olympic Games.

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.

Kung sino ang winner, sa tingin ko e alam na ng marami sa inyo dahil halos lahat ng boto ay para kay Eason Chan at sa kanta niyang "Give You." Nagtatanong sa akin ang mobile phone user 0086135202347XX: bakit naging big idol mo si eason chan? ano ang nagustuhan mo sa kanya? wala ba siyang bisyo? clean living ba? Alam mo kung gusto mo talagang ma-digest ang kanta ni Eason, you better listen to it before you go to sleep. Tahimik sa bahay. Ang kay Eason ay iyong voice na nagsasabi ng hinggil sa joy and pain of love. BTW, kung pipili ako ng Filipino singer na makapagbibigay sa akin ng katulad na pakiramdam, si Piolo ang pipiliin ko.

Sabi ng moble phone user ng 91748322XX: 7.180 mghz. 12.110 mghz. paki check. tama ba ang frequencies? lagi kong nami-miss. boto ako sa kanta ni jacky chan. Salamat po sa iyong pagkatig sa Serbisyo Filipino at tama ang iyong Frequencies. Sana maganda ang signal doon. Maririnig naman ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn. Ngayon, makikita na ang Pop China sa Homepage. At para ipakita ang aming pasasalamat sa iyong appreciation. Tatanggapin mo ang DVD ni Angela Zhang bilang gatimpala sa iyong katapatan. Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng tagapakinig na bumoto sa aming website o sa pamamagitan ng text messages.

Bago si Jolin Tsai, siya ang dancing queen sa sirkulong musikal ng Tsina, pero, pinili niyang umalis at mag-aral sa ibayong dagat habang siya ay nasa peek ng kanyang musical career. Pagkaraan ng halos 3 taon, bumalik si Elva Hsiao at ipinagpatuloy ang pagsasakatuparan ng kanyang pangarap na musikal. Hindi katulad ng ibang babaeng singer ngayon na ang ipinagmamalaki ay ang kanilang kakayahan sa pagkanta sa high notes. katangi-tangi si Elva sa kanyang middle at low notes. Sa tingin ko, sexy ang mga singer na may low and middle voices; halimbawa, Karen Mok, Elva at Eason. Haha…sa kanyang kanta, inintrodyus niya ang isang bagong salita-"Shining Boy." Anong masasabi sa isang shining boy? He who claps his hands in the street for me. He who takes me to his party. He who kisses me in front of others. He who takes my hand from beginning to end. Mukhang madali, kung ipu- put into pratice. Who is your real Shining Boy?

Sobra-sobra ang kalungkutan sa buhay. Siguro iyon ang dahilan kung bakit maraming hindi natapos na kanta. Kung matatandaan, ini-recommend minsan ni Sissi iyong kantang "Di-kumpletong Awit" ni Wang Xiaokun na kung saan isinalaysay niya ang kuwento hinggil sa kanila ng kanyang first love. Ngayong araw, meron pang hindi natapos na kanta. Ito ay iyong kay Xue Zhiqian. Parehong pareho ang damdaming ipino-project ng mga kanta. Pero sa bagong kanta ni Xue, gusto niyang ipabatid ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng musical line. Hindi pa tapos, pero magsisikap siya. Katangi-tangi ang chord. Sa inyong puso, who is the one you want to sing with? Kung by chance, you miss each other, ok, give him or her your best wishes habang nakikinig sa di-natapos na kanta.

Uulitin ko ang limang kanta para sa week na ito: "Give you," na kinanta at kinatha ni Eason Chan; "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam, inihahatid ni Angela Zhang. "Shinning Boy." Na iniawit ni Elva Hsiao at di-natapos na kantang ibinigay ni Xue Zhiqian. Alin ang pinakanagugustuhan ng inyong puso? Mag-iwan lang kayo ng mensahe sa aming website o magteks sa amin. Tiyak na masaya ako sa aming pambansang araw, dahil alam ko na nariyan kayo at nakikipagsaya sa akin. Wish you are happy and gay, maligayang pambansang araw sa akin. Bye~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>