Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-24 2009

(GMT+08:00) 2009-10-17 20:07:37       CRI

Magandang magandang gabi po, Philippines! Itong muli si Sissi, ang inyong happy DJ.

Noong isang linggo, naglakbay ako sa lalawigang Sichuan na nasa gitnang dako ng Tsina. Bukod sa mga kaibig-ibig na giant panda, masarap na snack food, ito rin ang lugar na kung saan naganap ang lindol na may lakas na 8.4 sa richer scale noong taong 2008. Sa pagtungo ko sa Jiuzhaigou, isang sikat na scenic spot, dumaan ako ng Beichuan at Wenchuan, mga epicenter ng super lindol noon. Isang taon na ang nakalipas, pero makikita pa ninyo ang gusali na may malalaking bitak, mga nakatumbang poste ng koryente at mga sirang tulay. Makikita rin ninyo ang mga bagong tayong residential building. Bising-busy sa mga construction site at ang mga palengke ay punung puno ng tao. Sana maging matatag at masagana ang pamumuhay ng mga taga-Sichuan sa lalong madaling panahon. Ganundin naman doon sa mga nasalanta ng bagyong ondoy at pepeng sa Pilipinas.

Dalawang linggo na ang nagdaan. Marahil nakalimutan na ninyo ang mga kantang ini-recommend ni Sissi. Hindi bale, uulitin ko ang limang kanta para doon sa nakaraang linggo. "Give you," na kinanta at kinatha ni Eason Chan; "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam, "Ang Kinabukasang nakikinikinita ko"ni Angela Zhang, "Shinning Boy" na inawit ni Elva Hsiao at "di-natapos na kanta"na ibinigay ni Xue Zhiqian. Alin ang pinakanagugustuhan ng inyong puso? Nag-iwan na ba kayo ng mensahe sa aming website o nagteks sa amin?

Ok, ang tatlong pinakapopular na kantang pinili mismo ng mga tagapakinig ay…

Ika-3,ang luha ko ngayon ay luha ng kagalakan...salamat sa pop china at sa sentimental songs...i like jacky chan at sandy lam...eh…hindi sentimental ang kantang parang pangitain na inihahatid nina jacky chan ang sandy lam, on the contrary, encouraging ito. pero, no matter what has happened to you, take it as an experience, dahil sa karanasang ito, nagiging kumpleto ang iyong buhay, di ba?

Ika-2, "Shining Boy". ah... not the little boy who walks around the streets and cleans your shoes for a few pesos, but those boys o gentlemen who love you by heart and protect you from harm. Mensahe galing sa 92272746XX: hi, ate Sissi, huwag nating pabayaan si shinning boy, okay? Siyembre~

Welcome sa programang Pop China. Maari kayong bumisita sa aming website kung gusto ninyong bumoto para sa pinakapopular na singer sa inyong puso. Puwede rin naman kayong mag-text kung may request kayong kanta o kung meron kayong koment sa 09212572397.

Ang winner is na kinanta at kinatha ni Eason Chan. Mensahe galing sa 92080351XX: ate sissi, give me that GIVE YOU ni eason chan...so nice to hear...so tender...so warm...

Ok, ang masuwerte namang tagapakinig para sa nakaraang programa ay ang mobile phone user na : 092134255XX Ang bUHay ay di ko alam ang kbuluhan kung saan patung0 at kung saan ang hangganan. Sana mawala man ang number ko sa cell ph0ne m0, manatili pa rin sa mEmory m0 ang alaala ng bawat message k0. mukhang hindi maganda ang emotion mo. Sana mahatdan ka ng Pop China kahit munting kasiyahan. Padadalhan ka ng Serbisyo Filipino ng kopya ng DVD ni Angela Zhang. Be Happy and Safe. Ok? Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. puwedeng ibahagi ang iyong happiness at sadness kay Sissi. Lend you my shoulder and ears.

Dahil miyembro ng choir, naging interesado si Chang chen-yue sa musika. At noong sa high school, lumahok siya sa isang singing contest at hindi pa man natatapos ang paligsahan, lumagda na siya sa kontrata sa isang recording company. Mula noon, lagi na naming nakikita sa TV screen ang isang lalaki, hindi mataas, hindi guwapo, na tumutugtog ng base o drums. Bagama't naglalarawan ng damdamin ng bago pa lamang pakikipagkalas sa girlfriend, hindi mabibigat ang karamihan sa kanyang mga kanta. I mean, as far as feeling goes. Simple lang ang karamihan sa mga kanta niya. Walang masalimuot na musical arrangements o sound track. Parang taking a cynical attitude towards life. Sa bago niyang kantang "Landas", salungat ang pangarap sa pagmamahalan. Kung hindi interesado ang inyong love sa inyong pangarap, ano ang pipiliin ninyo? Para kay Chang chen-yue, buti pang sumakay ng kotse, run all the way and say goodbye sa iyong love.

Si Huang Xiaoming ay popular na popular na movie star ngayon sa mainland Tsina. Katulad din naman ng iba pang big stars, pinasok din niya ang recording at nakapag-publisize ng apat na album. Sa tingin ko, kumpara sa kanyang performances sa mga TV series at pelikula, hindi maganda ang kanyang mga kanta. Siguro hindi lang siya nakakakita pa ng kanta na talagang bagay sa kanya. Pero, ang kantang "Wind" ay parang isang big surprise sa akin. Low and slow ang general rhythm at naging harmony ang thin voice ni Huang Xiaoming sa damdaming ipino-project ng kanta. Ok, enjoy this song na buong sikap na ipinakita ni Huang Xiaoming. By the way, guwapong guwapo si Huang—guwapo as in guwapo.

Limang kanta para sa week na ito. Malinaw na. "Give you " kinanta at kinatha ni Eason Chan at "Parang pangitain" inihatid nina Jacky Chan at Sandy Lam. "Shinning Boy." na inawit ni Elva Hsiao, "Landas" ni Chang chen-yue at "Wind" na buong sikap na ipinakita ni boging Huang Xiaoming, Ok, huwag kalimutang ipakita ang inyong appreciation sa pinakapopular na singer sa iyong puso sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mensahe sa aming message board o pagteteks sa amin. Susunod na linggo, pumunta si Sissi sa China-ASEAN Expo, sana maging matagumpay ang panayam ko sa mga "big names." Ok, hope everthing goes well sa inyong lahat, see you then.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>