Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-28 2009

(GMT+08:00) 2009-11-24 20:30:01       CRI

Unti-unting kumakagat ang dilim. Haping-happy ako kasi ito ang panahon ng ating muling pagniniig. Kumusta na kayo, mga Pinoy at Pinas? Tuwang tuwa akong makapiling kayong lahat tuwing Linggo ng gabi. Itong muli si Sissi, ang inyong ever-happy DJ.

Tuwing gabi iyan, walang tigil ang aking mader sa kapipihit sa TV tuner. Tuluy-tuloy iyan hanggang sumapit ang alas-diyes. Pagdating ng oras na ito, hihinto siya at pipirmi sa CCTV-8. Patuloy ang interaksiyon nina jesmine at Nea, Jesmine at Oliver, at Nea at Ivan. Sapul nang isahimpapawid ng CCTV ang "Ikaw ang lahat sa akin" noong isang linggo, tuwing alas-diyes ng gabi, umuupo kami ni mader sa Sofa, sa harap ng TV set at ngumingiti o lumuluha kasama ng mga aktor at aktres sa telebisyon. Pareho naming gusto si Oliver na ginagampanan ni John Lloyd Cruz. Bagama't hindi matalas ang isip at matagumpay sa negosyo, cute at matapang naman siya—buong tapang na hinahanap ang kanyang love and dream. Mabait naman si Ivan na ginagampanan ni Diether Ocampo, dahil may-kaya at may-kompiyansa, nakakapag-abot ng maraming pera kay Nea bilang pagbabayad-sala. pero, it's a tragedy na hindi namumuhay at his pleasure. Ok, hanggang ngayon, nasa kalahati na ang serye, naghihintay pa rin kami ni mader na magtamo ng kaligayahan ang lahat—sina Nea, Jesmine, Oliver, Ivan, siyembre, Hizal, iyong magandang sister, as in maganda. Any TV series na gustong i-recommend kay Sissi? Magri-recommend ako ng mga kantang Chinese, mag-recommend naman kayo ng mga TV series na Pilipino, Ok?

Ang limang kantang inirecommend ko para sa nakaraang linggo ay: "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; at "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou. "Shining Boy" na inawit ni Elva Hsiao, "Guardian Star" ng Fahrenheit at na ibinigay ni Crowd Lu, pinakapromising singer para sa taong ito. sabi ni ebeth: good: love begets love. better: hatred begets love. LOVING YOUR ENEMY IS MUCH, MUCH BETTER THAN SIMPLY LOVING THOSE WHO LOVE YOU. Samalat na nag-define ng pamumuhay sa ganitong philolosophical way. God Bless everyone. Ok, let's see, sino ang pinakanagugustuhang singer at alin ang pinakanagugustuhang kanta para sa noong isang linggo.

Ika-3, "Guardian Star"ng Fahrenheit, ano ang temperature ngayon sa Manila, Cebu at Mindanao? Naramdaman ba ninyo ang temperature na dala ng apat na binatilyong miyembro ng Fahrenheit? Kamakailan, may lumabas na balitang posible umanong ma-disband ang Fahrenheit, dahil kumpara sa iba pang dalawang miyembro, napakapopular nina Goh Kiat Chun, Jiro, partikular si Goh Kiat Chun, ang paglabas-labas niya sa ilang pelikula at TV series-- isang big star na siya. Bagama't agarang pinabubulaanan ito ng mga miyembro, sa tingin ko, it's just a matter of time. Ok, just enjoy the song, maybe, ito ang huling kantang aawitin nila nang magkakasama.

Ika-2, "Parang Pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam. Halos dalawang buwang nakaraan, nananatili sa aming music chart ang kantang ito, ganitong malaki ang dating ni Jacky sa mga fans. sabi ng mobile phone user 00639196481939 I like the two jackies, chan and cheung. mahirap malampasan success nila. PARANG PANGITAIN, ano?

 

 

 

Ang winner is.. nina Jay Chou at Cindy Ren. Mukhang tiyak na naging winner kung may kanta ni Jay Chou. Sabi ni tina: perfect combination sina cindy yen at jay chou, di ba. iyan ang tinatawag na "may chemistry"...ano pa, e, di sila ang choice ko...

Kamakailan, I have my hair cut, pagkaraang pagmasdan ang aking new hairstyle, nagtanong sa akin si Joyce, isang kaibigang Pilipino ko at Kuya ramon na: who have you haircut, I was puzzled and said: siyembre, hairdresser, sabi ni Joyce: I will go to beat him!```Ok, with ugly hairstyle, padadalahan ang suwerte kay mitch f. mula sa quirino ng Luzon. Sabi niya sa kanyang mensahe sa Pop China: thAnks 4 D giFt N evErythiNg! p0p cHinA, gAbi ng musikA f0rever. Hope you find a right hairdresser... Huwag mong kalilimutang iwanan ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.

Noong ika-31 ng Oktubre, Si Chen Lin, isang sikat na babaeng singer sa mainland Tsina, ay tumalon sa kanyang kamatayan. Siya ay 39 na taong gulang. Noong nabubuhay pa, siya ang itinuturing na pinakapopular na mang-aawit na babae sa Mainland China sa mahabang panahon. Nag-iwan din siya ng maraming ginintuang awitin sa kanyang mga tagahanga. Ang pagyao niya ay nakatawag ng malaking pansin mula sa lipunan sa kanyang personal life. Pagkaraang makipagdiborsiyo sa kanyang true love, sinubok niyang pawiin ang sakit sa pamamagitan ng droga. Bagama't nakasal muli, dahil hindi maganda ang relasyon nila ng asawa, may ulat na nakaranas siya ng domestic violence. At dahil sa hindi maganda ang resulta ng kanyang mga bagong kanta, lumitaw din ang financial problem. Sa bandang huli, pinili na lang niyang magpakamatay—at nataon o itinaon sa kaarawan ng kanyang dating husband. Nagdaos ang mga kaibigan niya sa sirkulong musikal ng malaking konsiyerto para sa kanya at ang konsiyertong ito ay dinaluhan ng maraming fans. Sa kabila ng lahat ng negatibong ulat, sa puso ng mga fans, nananatiling sexy, emotional, perpekto si Chen Lin na kumakanta ng love, sorrow and care sa kabilang daigdig. Ang kantang Good Boy ay isang kanta sa kanyang last album. Good boy good boy, don't be afraid, all the swan comes form little ugly ducks at ang frog can be prince one day. Ok, Dito, sa ngalan ng lahat ng music fans, ipinaaabot ko ang aking taos pusong pakikidalamhati sa kapamilyahan at mga kaibigan ni Chen Lin. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa...

Dahil maganda ang kanyang bagong album , nagpublize pa siya ng bonus edition na album si Elva Hsiao. Bukod sa dati nang sampung tracks, inilakip dito ang karagdagang bagong bonus track, "Wow" na inawit nina Elva Hsiao at Show Luo. Ito ang ika-2 beses na kooperasyon ng dalawang shining stars at walang dudang muling naging karapat-dapat na winner sa iba't ibang music charts. Kung gusto ninyo ng dance music, hindi dapat kaligtaan ang bagong kantang "Wow" ni Elva.

Ok, Get your mobile phones ready. Malinaw na ang limang kanta para sa week na ito: "Parang pangitain" nina Jacky Chan at Sandy Lam; at "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "God Boy" ni Chen Lin at "Wow" na inawit nina shinning duet Elva Hsiao at Show Luo. Huwag niyong kalilimutang ipadala sa aking message board o sa cellphone number 09212572397 ang inyong pinakanagugustuhang kanta at singer. Maghihintay ako. Maririnig ninyo ang full version ng mga kanta at ang aking programa sa Filipino.cri.cn, under the subdirectory na tsinaistik.

Ngayong gabi, isang request mula kay Romulo: sana makapagpatugtog ka ng isang F. I .R.. Ipa-publisize nila ang bagong album sa darating na Disyembre. Makinig sa Pop China. Magpapatugtog si Sissi ng mas marami at magagandang kanta ng F.I.R.

Kayo'y nasa Pop China ng China Radio International, serbisyong Filipino. Ako si Sissi, iyong ever happy DJ. Hope you are all having a good haircut. See you next week~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>