Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Confucius Institute, tulay ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ibang bansa

(GMT+08:00) 2009-12-12 17:15:32       CRI

Kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, dumarami na dumaraming dayuhan ang nabibighani ng kulturang Tsino at saka ang Confucius Institute ay naging bagong tulay ng pag-aaral ng mga dayuhan ng wikang Tsino at pagkilala sa kulturang Tsino.

Si Confucius ay representatibong personahe ng tradisyonal na kulturang Tsino at ang Confucianism ay naging pangunahing ideyang pilosopikal ng Tsina na may malaking impluwensiya sa tradisyonal na kulturang Tsino at diwa ng Nasyong Tsino. Hanggang noong Abril ng taong ito, naitatag ang mahigit 300 Confucius Institute sa 81 bansa at rehiyon ng buong daigdig. Inilahad ni Liu Yandong, kasangguni ng estado ng Tsina at Tagapangulo ng Konseho ng Confucius Institute Headquarters, na

"Batay sa iba't ibang kalagayan ng iba't ibang rehiyon, ginagamit ng Confucius Institute ang mayamang paraan ng pag-aaral sa wikang Tsino at idinaos ang mga aktibidad ng pagpapalitang pangkultura para sa mga dayuhang estudyante, trabahador ng kompanya at ibang mga dayuhan ."

Ang Confucius Institute ay nagsisilbing organisasyon ng pagpapalitang pangkultura na hindi naglalayong kumita at nagsasagawa, pangunahin na, ng mga aktibidad ng pag-aaral sa wikang Tsino, pagsasanay ng mga guro sa wikang Tsino at pagpapalitang pangkultura ng Tsina at dayuhan.

Ang Confucius Institute ay pinatatakbo sa paraan ng kooperasyon ng panig Tsino at dayuhan, at batay sa aktuwal na pangangailangan ng lokalidad, nagpapadala ang Tsina ng mga gurong Tsino at magkasamang nagtatakda ng kurso. Sa kasalukuyan, naitatag ang mga Confucius Institute sa ilampung kilalang pamantasan sa daigdig na gaya ng Moscow State University ng Rusya, Waseda University ng Hapon, Ateneo at iba pa. Kasabay nito, lumahok din ang halos isang daang pamantasang Tsino sa magkakasmang pagtatatag ng Confucius Institute nila ng panig dayuhan, inilahad ni Chen Yulu, pangalawang puno ng Renmin University ng Tsina, na

"Ang pangunahing tungkulin namin ay magpadala ng mga guro, kasabay nito, hubugin ang mga guro sa wikang Tsino sa lokalidad."

Hanggang sa kasalukuyan, dumarami ang mga naghahangad sa pag-aaral ng wikang Tsino. Halimbawa sa Estados Unidos, mahigit 4000 mababa't mataas na paaralan ay meyroon ng kurso ng wikang Tsino at mahigit 140 libong estudyante ay nag-aaral ng wikang Tsino.

Ang Confucius Institute ay hindi lamang nagpapalaganap ng wikang Tsino, kundi nagpapakita ng kalagayan ng iba't ibang aspeto ng Tsina sa daigdig. Halimbawa sa Confucius Institute ng University of South Florida ng E.U., may mga kursong may kinalaman sa Tsina na gaya ng pulitika, lipunan, edukasyon at kultura.

Ayon sa salaysay ng opisiyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, iniharap pa ng mahigit 150 paaralan at organisasyon ng mahigit 40 bansa at rehiyon ang aplikasyon ng pagtatatag ng Confucius Institute. Sa hinaharap, tiyak na maitatatag ang mas maraming Confucius Institute sa daigdig para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>