Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anna Chennault: Ambassador of goodwill ng pagpapalagayan ng Tsina at E.U.

(GMT+08:00) 2009-12-12 17:27:02       CRI

Mula noong ika-15 hanggang noong ika-18 ng nagdaang buwang, nagsagawa si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ng kanyang kauna-unahang dalaw pang-estado sa Tsina pagkatapos ng panunumpa niya sa tungkulin. Ito'y nagpapakita ng pagpasok ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon ng positibo, kooperatibo at komprehensibong partnership. Ang pagpapalagayang pangkaibigan ng dalawang bansa ay isinasagawa, hindi lamang ng kanilang mga pamahalaan, kundi ng kanilang mga mamamayan. Si Ginang Anna Chennault ay isang kilalang Chinese-American at dahil sa kanyang buong sikap na pagpapasulong ng pagpapalagayang pangkaibigan ng dalawang bansa noong nakararaang ilampung taon, tinawag siyang ambassador of goodwill sa pagitan ng Tsina at E.U..


Noong 1925, isinilang si Anna sa Beijing at noong bata pa siya, sinalakay ng Hapon ang Tsina, kaya sapilitang luminsan ang pamilya niya ng lupang-tinubuan at mahirap ang pamumuhay. Sinariwa niya na

"Noong panahong iyon ng digmaan laban sa pananalakay ng Hapon, nagkaisa ang lahat ng mga mamamayang Tsino para labanan ang mga mananalakay. Kahit mahirap ang kalagayan noong panahong iyon, hindi kami yumuko, kasi minamahal namin ang aming inangbayan. Sa tingin ko, ang karanasan ko noong panahong iyon ay may espesyal na katuturan, dahil nakapagpasulong iton sa pagiging mas matatag ng loob ko."

Pagkatapos ng Anti-Japanese War, kahit magkaiba ang kanilang bansang sinilangan na malaki ang pagkakaiba ng atmosperang pangkultura, ikinasal sina Anna at Claire Lee Chennault, Heneral ng hukbong panghimpapawid ng E.U. at Komander ng Flying Tigers na tumulong sa hukbong panghimpapawid ng Tsina sa paglaban sa pananalakay ng Hapon.

Noong 1949, sumama si Anna kay Claire para tumira sa Taiwan at noong 1958, namatay si Claire at pagkaraan ng 2 taon, pumunta si Anna at kanyang 2 batang anak sa Washington para manirahan. Pagkaraan nito, bumigkas siya ng talumpati sa iba't ibang purok ng E.U. para ilahad ang kalagayan ng Tsina, analisahin ang relasyon ng Tsina at E.U. at mapalaganap ang kulturang Tsino. Malawak na tinanggap ang kanyang talumapti ng mga mamamayang Amerikano.

Salamat sa kanyang walang humpay na pagsisikap, matatag na kalooban at tanging angking halina, nagiging matagumpay ang kanyang karera sa

E.U.: noong 1963, hinirang si Anna ni dating Pangulong Kennedy na nagtrabaho sa White House at saka naging unang Chinese-American na nagtrabaho sa White House, noong 1972, napili siya na isa sa 70 personeha na may pinakamalaking impluwensiya sa E.U..

Mula Pangulong Kennedy hanggang Pangulong Clinton, pinahahalagahan si Anna ng 8 pangulong Amerikano. Pagkaraan ng pagkakatatag ng People's Republic of China, matamang sinubaybayan niya ang pag-unlad ng bagong Tsina at buong sikap na isinulong ang pag-unlad na pangkaibigan ng dalawang bansa. Sa mga mahalagang pangyayari na gaya ng pagdalaw ni dating Pangulong Nixon sa Tsina noong 1972 at opisiyal na itinatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong 1979, nagbigay si Anna ng positibong ambag.


Kaunay ng pagdalaw ni Pangulong Obama sa Tsina, ipinalalagay ni Anna na ang pinakapangunahin sa pagdalaw na ito ay nagpapalalim ng pagkakaunawaan ng dalawang bansa at nagpapasulong ng kanilang kooperasyon. Sinabi niya na

"Kumpara sa kalagayan noong una ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, umunlad nang malaki ang relasyon ng dalawang bansa. Kaya mahalaga ang katuturan ng pagdalaw ni Obama. Kahit naging mabuti ang relasyon ng dalawang bansa, kailangan pa rin nila ang pagpapalalim ng pagkaunawaan sa antas na opisiyal at sibilyan."

Sa kasalukuyan, bilang tagapangulo ng Council for International Cooperation o CIC ng Estados Unidos, kahit mahigit 80 taong gulang na siya, iginigiit pa ni Anna ang pagdalaw sa Tsina nang 2 ulit tuwing taon para mapasulong ang pagpapalitang pansibilyan ng dalawang bansa. Dahil, sa kanyang tingin, dapat magbigay ang bawat tao ng ambag para sa kanilang lipunan at bansa kahitgaano na siya katanda.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>