Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-32 2009

(GMT+08:00) 2009-12-20 15:24:45       CRI

Wan shang hao, mga giliw na tagapakinig! Miss na miss ko kayo. Welcome sa pakikinig sa mga pinakapopular na kantang Tsino na pinili para sa inyo ni Sissi.

Papalapit na talaga ang Pasko. Naaamoy na ito sa hangin. Hindi ko alam kung bakit, pero kung mababanggit ang Pasko, ang agad na pumapasok sa isip ko ay ang flavor ng bread na fresh from the oven sa malamig na hangin sa gabi ng tag-lamig. It's the flavor of happiness at warm. Mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010". Lumahok ba kayo? sabi ng mobile phone user 092137844XX: peace on earth goodwill to men...iyan ang wish ko para sa 2010. possible kaya? Siyembre. Sabi pa ng 006391061184XX: sana wala nang pangangalbo ng bundok sa 2010. wala nang natira sa yaman ng kabundukan natin. 0086138114096XX: sa Pop China: A very, very prosperous and very, very peaceful 2010! Sana magkaroon naman ng magagandang developments! may anne: mabawasan sana digmaan sa 2010! sobra-sobra na kaguluhan. daanin na lang sa mabuting usapan. maraming maraming salamat po, pero, nakita kong hindi nag-iwan ang mga takapakinig ng address nila, dito, attention pls, mga participant, paki-iwan ng iyong address sa aming message board o magteks sa 09212572397. para sa mga tagapakinig na hindi lumahok na sa Christmas and New Year activity ng Pop China--- "MAG-HELLO SA 2010" come on~sissi is here waiting for you, gayun din ng mga aginaldo.

Mainit na tumatakbo ang aming Mag-hello sa 2010. Mainit din naman ang aming music chart. Mas maraming Pop Music sa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Limang kantang ini-recommend ko para sa nagdaang linggo ay: "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "Telepathy" na kaloob ng sweet na sweet na si Cindy Wong at "Mulan", theme song ng pelikulang Mulan na kinanta ni Stefanie Sun, "100 araw" na kinanta ni little dimple, JJ Lin at " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang.

Ika-3, Sand Drawing kinanta nina Cindy Ren at Jay Chou. Kamakailan, nanood ako ng pelikulang treasure hunter na kung saan si Jay ang gumanap ng leading role. Eeer…to be frank, habang lumalabas ako ng sinehan, hinayang na hinayang ako sa ibinayad kong 100 RMB. Malamig ang dating ni Jay sa pelikula at si Chiling Lin naman ay nagpakita lang ng kanyang bodyshape. Kulang sa istorya. Anyway, sana habang nabibigyang-katuparan ni Jay ang kanyang pangarap na makagawa ng pelikula, mag-publisize na rin siya ng kanyang bagong album-- sa lalong madaling panahon.

Ika-2, " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. Sabi ni baby ruth: i like raine and her song. it's always raining in my heart. i wish a no-sweat and no-tear 2010! Halo Baby, sana makakaroon ka ng isang masayang 2010 at hindi kalimutang nananatiling umingiti sa pamumuhay, magpapadala ang ingiti sa iyo ng good luck. Trust me!~

Ang winner is…"100 araw" na kinanta ni little dimple, JJ Lin. Sabi ni angelique 100 Days ang choice ko. may we have a more peaceful and more harmonious life in 2010. Sabi ng 6390620111XX: merry Xmas hapi new year too. gusto ko kanta ni mr. dimple. i did not see any on his picture. OK, sori po, pangako ko, makikita ang kanyang mga dimples sa larawan ni JJ. Do you like man o woman with little dimple. May isa ako sa left side of my face, haha.

OK, alam ko na maganda ang takbo ng quiz-game na "PABUWENAS SA KRISMAS" ng Alam ba Ninyo at Gabi ng Musika! "Kung masasalubong mo si Santa Claus, ano ang hihingiin mong regalo sa kanya?" Para sa akin, ang hihilingin ko kay Santa ay doblehin niya ang suwerte ni Ingrid. Sabi ni Ingrid sa kanyang mensahe: sana mas masagana tayo sa 2010. kumain naman tayo ng masarap-sarap. Ako man, interesado na tumikim ng mga masarap na pagkain sa spare time. Um….ano ba ang mairi-commend mong pagkain sa akin? Paki-iwan ang iyong address, pati iyong pagkain na gusto mong i-recommend, OK?

From the very beginning, naniniwala na ako na God has appointed someone special para sa bawat nilalang. Sa kantang ini-recommend ni Sissi ngayong gabi, buong tatag na ipinakita ni Wang Zhenliang ang kanyang determinasyon sa pag-ibig sa "I am the one sent by God to love you". Si Wang Zhenliang ay isang makakayahang singer. Noong siya ay 5 taong gulang pa lang, nakikinig na siya sa pop songs at nakasulat ng isang piyesa ng pop song. Nag-aral siya ng accordion sa loob ng mahigit 10 taon at nagwagi sa malaking pandaigdigang music contest. Bagong maging sikat sa Super Vioce, isang malaking singing contest ng mainland Tsina, nananatiling lumalagare siya sa mga pub. Kasi, nagkaroon siya ng mayamang karanasan sa stage at natanggap ang pag-ibig ng maraming tagahanga. Kamakailan, na-publisize ang kantang "God sent me to love you" na siya mismo ang kumatha. Let's see bakit ganito siya kasigurado?

Habang bising-busy si Jay sa pelikula, puwede niyo munang subuking paikinggan ang mga kanta ni HOHO. Siyembre, kumpara kay Jay, bata pa si HOHO at hindi pa talagang nahahatak ang kanyang talent sa pagkatha, pero, siya man ay may angking talino sa pagkatha ng mga kantang may estilong Tsino. Actually, sa simula, I even mistook him for Jay Chou at inisip na nag-publisize ng bagong album si Jay. Ngayong araw, maririnig natin ang isang masayang-masayang kantang'Baby Face". Umaasa si Hoho na lalawak pa ang kanyang music circle sa pamamagitan ng kantang ito. BTW, Si Hoho man ay may baby face.

Medyo limitado ang oras natin this week kaya we have to stop here. Magbibigay-daan kami sa mga development na may kinalaman sa climate change. Alam niyo na siguro na ang isyu ng climate change ay may kinalaman sa sangkatauan. Tandaan ang limang kantang ini-recommend ko for this week. "Sand Drawing" na kinanta nina Cindy Yen at Jay Chou, "100 araw" na kinanta ni little dimple, JJ Lin at " Rain Love" inawit ng kaibig-ibig na si Raine Yang. "God sent me to love you" ni Wang Zhenliang at "Baby Face" kinanta at kinath ni HOHO. Huwag kalimutan bumoto at lumahok sa aming celebrating activity, Merry Christmas!~~~Love you~~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>