Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-38 2010

(GMT+08:00) 2010-11-09 17:00:31       CRI

Nihao, bonjour, hello, koniqiwa, kumusta po kayo, Philippines! Turn up your volume, oras na muli para sa Pop China na inihahatid ng inyong Happy DJ-Sissi.

Mahigit isang buwan na lamang. Meron na ba kayong idea kung ano ang aginaldong gusto ninyong matanggap mula kay Santa Klaus? Gift is well received ng lahat ng tao—kahit hindi na bata. Dito sa Beijing, sa bisperas ng Pasko, mag-iintrodyus ang Beijing Postal Company, kasama ng Finland, ng bagong postal product na tinawag nilang "Makulay na Pasko". Puwedeng bilhin ng mga Christmas fans ang espesyal na postcard na ipinalabas ng Finland Post, punan ng pangalan at address at iabot sa working staff ng Christmas post office dito sa Beijing. Tapos, bago dumating ang Pasko, matatanggap nila ang postcard na may autograph ni Santa Klaus at espesyal na Christmas stamp na mula sa Santa Claus Village sa Finland. Ang mga pinoy na nananatili sa Beijing ay puwedeng pumuta sa JianGuoMen Central Post Office, malapit sa Philippine Embassy para bumili ng postcard. Kung isusulat nila rito ang pangalan at address ng kanilang loved ones, makakatanggap ang addressee ng big surprise-isang postcard na galing kay Santa Klaus na nag-travel sa kalahati ng mundo. Kumusta ang aking idea?

Natakot ba kayo sa nakaraang Pop China-Halloween Edition? Sabi ni cindy: hi, ate sissi. kakatakot naman opening mo. nanayo mga balahibo ko... Sabi ni techie:hayan na si count dracula, on his way to your place. At sabi ni ronalyn: watch out, ate sissi! may babaeng nakaputi sa likod mo! wala ka bang nararamdamang ihip ng malamig na hangin? Ok, bukod sa mga old laughing stock, nagtagumpay ako na takutin kayo. I am really satisfied. Haha…Masarap ding pakinggan ang mga kanta, di ba? Kantang "tatay" na ibinigay ni Jay Chow, ipinakikita ang pagiging conservative at heaviness ng father's love at "Double-faced Godess" ni Elva Hsiao, isang infective dancing music. Bukod dito, tatlong kantang pumasok sa aming music Chart- "Beautiful Night" na inawit ni forever folk song singer Tsai Chin. "womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai. Ang kantang ito ay para sa mga batang isinilang pagkaraan ng 1990s. At noong kampong Happy Couple" ni Pang Long na sinasabing hindi nagtatapos ang ating love sa marriage.

Ika-3. "womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai.

Ika-2, "tatay" na ibinigay ni Jay Chow, ipinakikita ang conservation at heaviness ng father's love.

Ang winner is…Happy Couple" ni Pang Long na sinasabing hindi nagtatapos ang ating love sa marriage.

Para sa mga music fans ng S.H.E., isang bad news. Bagama't walang opisyal ng balita tungkol sa pagdi-disband, dahil sa tinamong grabeng sugat ni Selina, letter S ng S. H. E., maghihintay pa siya ng di-kukulangin sa isang taon bago isagawa sa kanya ang skin grafting, ayon sa mga doktor. Ibig sabihin, matagal-tagal din tayong hindi makakarinig ng bagong obra mula sa S. H. E. Sapul nang magtamo si Selina. ng burn injury sa aksidente ng pagsabog habang nagsu-shoot ng drama series nitong kalahating buwang nakaraan, patuloy na sa pagdarasal ang lahat ng mga nakakakilala sa kanya para sa kanyang madaliang paggaling. Kahapon ng gabi, sa kanyang konsyerto sa HongKong, umawit si Hebe, Letter H ng S.H.E., ng isang espesyal na kanta para kay Selina. Ang kantang "loneliness" na inawit ni Hebe ay ang unang kantang iniri-recommend ni Sissi ngayong gabi. Hindi malulungkot si Selina, dahil alam niyang nagdarasal tayong lahat para sa kanya.

Sa nasabing aksidente, nasugatan ang isa pang actor, singer at TV host ng mainland Tsina-Si Ham Yu at dahil gusto niyang mapangalagaan si Selina habang naganap ang pagsabog, mas grabe ang kanyang sugat, halos 29% na katawan ang nasugatan sa sunog kinabibilangan ng mukha. Dahil, hindi ipinapublisize ang bagong album ni Ham, pinatugtog ko ang isang kantang "Waltz of Love" na ipinalabas niya noong katapusan ng 2009 at sana makakarecover din siya sa lalong madaling panahon.

Dito, sa ngalan ng mga music fans, nagpahayag ng ating taos-pusong pakikiramay kina Selina at Ham Yu. Salamat sa excitement at happiness na inibigay nila sa atin at muli, sana maka-recover sila sa lalong madaling panahon.

Konting malungkot ang atomspera ngayong gabi, let's try something different. Sabi ni lilibeth: sana patugtog ka ng mga kantang pang-horror movie. Ok, how about this?

Manila: maulap, 32 to 25 degrees Celsius. Beijing: clear, 15 to 4 degrees Celsius. Huwag kalimutang ibahagi ang inyong love or hard feelings kay Sissi sa Filipino. cri.cn o pagteks sa 09212572397. Sweet dreams sa inyong lahat.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>