Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, mapapahupa ang kahirapan ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal sa paghihikayat ng pondo

(GMT+08:00) 2011-01-25 13:58:07       CRI

Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1978, ang mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal nito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kabuhayan, pagkaloob ng mga pagkakataon ng hanap-buhay at pangangalaga sa katatagan ng lipunan. Ayon sa pinakahuling na estadistika, hanggang noong katapusan ng taong 2010, ang bilang ng mga pribadong bahay-kalakal ay lumampas sa 8.4 na milyon na katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang bilang ng mga bahay kalakal sa Tsina at naagkaloob ng mahigit 180 milyong pagkakataon ng hanap-buhay, kaya, ang mga bahay-kalakal na ito ay naging pangunahing paraan sa paglutas ng isyu ng mga karagdagang trabahador.

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Huang Mengfu, Tagapangulo ng Samahan ng Industriya at Komersyo ng Tsina, na mahalaga ang ambag ng mga pribadong bahay-kalakal sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Pero, dahil mahina ang kakayahan ng mga bahay-kalakal na ito sa pagharap sa krisis at maliit ang tubo nito, kaya kailangang kailangan nito ang pagkatig ng pamahalaan. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Huang na kung lulutasin ang umiiral na kahirapan ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal sa paghihikayat ng pondo, dapat pabilisin ang pagpapaunlad ng mga maliit na organisasyong pinansiyal. Sinabi niya na

"Dapat paunlarin ang mga uri ng maliit na organisasyong pinansiyal at unti-unting maitatag ang sistema ng serbisyong pinansiyal na angkop sa pag-unlad ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal. Halimbawa, pasiglahin ang pagtatatag, pangunahin na, ng mga pribadong pondo ng mga maliit na organisasyong pinansiyal."

Sa katotohanan, ang pagkaloob ng pagkatig na pinansiyal na gaya ng pautang sa mga pribadong bahay-kalakal ay nakakakuha ng masaganang bunga. Halimbawa, ang Minsheng bank ng Tsina ay bangko komersyal na naglalasyong patingkarin ang mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal. Sapul nang maitatag ito noong 1996, masagana ang tubo at maganda ang takbo. Sinabi ni Liang Yutang, pangalawang puno ng bangkong ito, na

"Sa taong 2011, binuksan namin ang espesyal na proyekto para katigan ang pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal. Noong 2010, isiangawa namin ang malawak na pagsasaayos sa serbisyo na gaya ng sistema ng pangangasiwa, estruktura ng serbisyo, pagpili sa klyente at iba pa."

Noong 2010, ang mahigit 60% ng kabuuang bolyum ng mga pautang ng bangkong ito ay ipinagkaloob sa pribadong bahay-kalakal at ang bilang ng mga klyente ng pribadong bahay-kalakal ay katumbas ng mahigit 80% ng kabuuang bilang ng mga klyente ng bangkong ito.

Kasabay nito, kinakatigan naman ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng mga katam-taman at maliit na bahay-kalakal sa pamamagitan ng mga hakbangin na gaya ng pagbawas ng buwis, pagpapalaki ng pamumuhunan at iba pa. Halimbawa, nitong 2 taong nakalipas, inilaan ng central fiscal ng Tsina ang pondo para katigan ang pagsasagawa ng mga katamtaman at maliit na bahay-kalakal ng pagtitipid ng enerhiya, pagbabawas ng emisyon, inobasyon at iba pa. Kaugnay nito, sinabi ni Zhen Xin, opisiyal ng Ministri ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na

"Ang naturang mga hakbangin ay ibayo pang magpapasulong ng mga bahay-kalakal sa hinaharap. Upang mapahupa ang kahirapan ng naturang mga bahay-kalakal sa paghihikayat ng pondo, bukod sa pagtatatag ng mga maliit na organisasyong pinansiyal para rito, dapat pasiglahin ang pagkaloob ng mga organisasyong pinansiyal ng pautang sa naturang mga bahay-kalakal, pabutihin ang sistema ng takbo ng pamilihang pinansiyal at palawakin ang paraan ng paghihikayat ng mga pondo."

Bukod dito, sinabi kamakailan ng opisiyal ng pamahalaang Tsino na sa hinaharap, gagamitin pa ang mga hakbangin para malutas ang kahirapang ito at mapasulong ang pag-unlad ng naturang mga bahay-kalakal.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>