Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-2 2011

(GMT+08:00) 2011-02-16 16:52:58       CRI

Kumusta na Philippines? Tuwing linggo ng gabi, welcome kayong ibahagi ang inyong love and passion for music kay Ate Sissi, iyong inyong happy DJ.

Noong nakaraang episode, binalik-tanaw natin ang ilang popular na kanta na pinasikat ng mga Chinese internet users. Sana hindi napingas ang inyong mga tenga ng kantang "restless and uneasy" at manatili kayong malusog at masigla at nakikinig sa Pop China.

Noong Biyernes ng gabi, pagkaraang dumalo sa isang party, binisita namin nina Kuya Ramon at Rhio ang isang kaibigang Pilipinong saxophonist sa isang five star hotel. Hindi pa kami nakakalapit sa bar naririnig na namin ang malamig na tunog ng saxophone at kahit hindi gaanong maraming tao sa coffee shop, tuloy din ang kanyang pagtugtog. Sa totoo lang, bukod sa nabanggit na wind instrument, nasa harap din niya ang isang keyboard at salitang tinutugtog niya ang dalawang instrumento. Iyong keyboard, kasabay ng rhythm box, ang ginagamit niyang pang-akompanya habang kumakanta siya. Ang tinutukoy kong total entertainer ay ang 28 taong gulang na si Ren na mula sa Davao City. Sabi niya, bata pa siya ay nag-aral na siya ng music at isa sa mga naging titser niya ay bantog na Filipino saxophonist. Paminsan-minsan, nakiki-jam din siya sa mga propesyonal na musikerong Pilipino sa Beijing. Ang lakas ng dating ng kanyang music kaya siguro niyaya kami ni Kuya Ramon na pumasok sa loob ng coffee shop para panoorin siya at naki-jam pa si Kuya Ramon sa kanya at kinanta nila iyong kantang Yesterday. Yesterday, all my troubles seemed so far away…um… I love it~

Time na para sa mga music charts na i-reveal ang mga pinakapopular na singer na Tsino sa taong 2010. At kung pagtutuunan ng pansin ang listahan ng mga nominee, makikita ninyong ang karamihan sa kanila ay winners ng Super Voice. Bilang pinakamalaki at pinakasikat na singing contest para sa mga babae ng mainland Tsina, nitong 6 na taong nakalipas, ang Super Voice ay nakapag-prodyus ng 3 generations-- mahigit 30 big stars na sumigla nang sumigla sa sirkulong musikal. Mula ngayong gabi, magkakasunod na babalik-tanawin natin ang mga super na super winner at kanilang popular na popular na obra.

Si Chris Lee o Li Yuchun ay ang kauna-unahang champion sa kasaysayan ng Super Voice. Siya rin ang kauna-unahang pop star ng mainland Tsina na naging cover girl ng "Times" magazine ng E.U. bilang pinakapopular na idol ng mga kabataang Tsino at kauna-unahang babaeng singer ng mainland Tsina na may wax figure sa Madame Tussaud. Kumanta ng 37 popular na popular na hits at nakapag-publisize ng 5 best seller album. Naging interesado rin siya sa pagkatha, pagsu-shoot ng music video at pagsasagawa ng Charity Work. Dahil sa kanyang inspiring example, maraming kabataang Tsino ang nagbibigay ng pansin sa blood donation, pag-aabuloy sa mga nasalantang purok ng kalamidad at pag-iingat sa mental retarded children. Talagang super ang dating niya sa music at social work.

Noong 3 taong gulang pa lamang, nakagiliwan na ni Jane Zhang ang pakikinig sa music. Engrossed na engrossed siya sa pakikinig sa mga awitin. Dahil walang sapat na pera upang mag-aral ng musika sa ilalim ng propesyonal na guro, nag-aral na lamang siyang kumanta sa pamamagitan ng pagsunod sa tape. At dahil sa simula hindi pa siya marunong magkontrol ng emotion, noong taong 2005, habang pumapasok sa sirkulo ng musika, tumanggap siya ng batikos mula sa mass media dahil sa umano'y bad temper niya. Pero, hindi puwedeng pigilin nito ang music fans na talagang lokong loko sa kanya. Mayroon siyang mellow voice. Noong lumahok sa singing contest, ang lahat ng mamamayan sa tabi ng TV ay naakit ng kanyang perpektong dolphin-sounding vocal at ibinigay ng mga music fans ang isang magandang nikename sa kanya na "prinsesa ng dolphins.".

Si Zhou Bichang ay isang old friend…Tandang-tanda ko pa na noong nagsisimula pa lamang na isahimpapawid ang Pop China, may nagri-request ng selections from super girls' voice. Zhou bichang ata kasama if I am not mistaken. Pumasok sa sirkulo ng entertainment sa pamamagitan ng singing contest, di-katulad ng ibang female singers, hindi kagandahan ang kanyang mukha at hindi rin masasabing sexy ang hubog ng kanyang katawan, pero resonant at courageous ang dating ng kanyang voice at meron siyang strong passion sa musika.

Maski even after 5 years, hindi rin nag-fade away ang populiridad nina Chris Lee, Jane Zhang at Zhou Bichang, bilang kuna-unahang hererasyon ng big idol na inihalal ng mga kabataang Tsino. Sila ay naging milestone sa kasaysayan ng pag-unlad ng music industry ng Tsina at lagi nilang ini-encourage ang mga babae at lalaking may pangarap na musikal. Dahil sa malaking tagumpay na natamo ng unang sesyon ng Super Vioce, patuloy na idinaos ang ika-2 at ika-3 sesyon, at edisyon para sa mga lalaki sa loob ng limang taon. Kung gusto ninyo malaman kung anuman ang maganap sa proseso, patuloy lang na makinig sa Pop China susunod na linggo. OK, ingat po at kita kita tayo sa susunod na episode.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>