|
||||||||
|
||
Sa bayan ng Fusui ng rehiyong awtonomo ng Guangxi sa dakong timog kanluran ng Tsina, itinayo ng mababait at matatapat na magsasaka ang isang traditional art group dahil sa komong interes at ambisyon. Sapul noong 2004, nagtatanghal na sila ng mga palabas ng katutubong sining na gaya ng spring buffalo dance at operang "Cai Chahua" sa mga nayon, lunsod at maging sa mga paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, ang nasabing mga sining ay muling bumangon.
Larawan tungkol sa Spring Buffalo Dance
Si Yao Wen ay puno ng nasabing grupo at siya naman ay puno ng isang sentrong pangkultura sa lokalidad. Noong 1994, sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanood siya ng pagtatanghal ng naturang mga katutubong sining at agarang naakit siya ng mga ito. Sinabi niya na
"Nang makita ko ang mga palabas sa kauna-unahang pagkakataon, kahit hindi ko alam ang pangalan ng mga ito, talagang nagandahan ako. Nakita kong mayaman ang lokalidad sa mga ito, kaya, ipinasiya ko na tipunin ang mga ito at palaganapin sa labas."
Operang "Cai Chahua"
Sa tradisyonal na kaugalian ng bayan ng Fusui, nakagawian na ng mga mamamayang lokal ang pagsamba sa buffalo. Pagkaraang umani ng mga pagkain-butil sa taglagas, ang mga magsasakang lokal ay nagbibigay ng mga buffalo para magtanghal ng palabas at umaawit sila ng mga katutubong awitin bilang pagpupugay sa mga papel ng mga buffalo. Ang ganitong uri ng mga palabas ay itinuturing na spring buffalo dance. Ang operang "Cai Chahua" ay isang komprehensibong opera sa lokalidad at ang mga palabas nito ay naglalayong, pangunahin na, papurihan ang mga magagandang kilos at moralidad at punahin ang mga imoral na aksyon. Sinabi ni Yao na
"Noong unang panahon, ang naturang mga palabas ay ginagamit bilang pagdiriwang sa masaganang ani at bilang paraan ng paglilibang pagkatapos ng pang-araw-araw na trabaho. Kasunod ng unti-unting pag-unlad ng sining, ang kasalukuyang mga palabas ay humihimok na mag-adopt ng magagandang virtues na tulad ng devotion, prestige, obligation at iba pa."
Operang "Cai Chahua"
Ayon sa salaysay, ang spring buffalo dance at operang "Cai Chahua ay sinimulan sapul noong Qing Dynasty at ang mga grupo na nagtatanghal ng mga palabas na ito ay binubuo, pangunahin na, ng isang pamilya. Pero, kasunod ng pagyao ng mga beteranong aktor, nalansag ang nasabing mga grupo at naganap ang krisis minsan sa nasabing sining.
Sapul noong 2002, nagpupunta na si Yao Wen sa mga nayon para bistahin ang matatandang aktor at tipunin ang kanilang mga palabas. Sa ilalim ng pagtulong ng matatandang aktor, nakapagtipon si Yao ng 53 tradisyonal na palabas at lumikha ng 37 katha. Bukod dito, noong 2004, napagsama-sama niya ang mga apisyunadong magsasaka para bumuo ng isang grupo ng katutubong sining at pagkaraan, lagi na silang nagtatanghal ng mga palabas sa mga nayon. Sa isang dako, hinaluan nila ng mga positibo at nagugustuhan ng mga mamamayang lokal na bagay ang kanilang mga palabas. Sa kabilang dako naman, ang kanilang mga palabas ay nagpapayaman ng pamumuhay na pangkultura ng mga mamamayang doon.
Spring Buffalo Dance
Sa kasalukuyan, ang grupong ito ay laging nagtatanghal sa mga lunsod at dahil sa kanilang magagandang palabas, nakakatanggap sila ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood sa lunsod. Kaugnay nito, sinabi ni Yao Wen na
"Noong unang panahon, laging nagtatanghal sa nayon ang mga grupo ng sining mula sa lunsod, pero ngayon, nagtatanghal ang grupo ng mga magsasaka sa lunsod at mainit silang tinatanggap."
Kasabay nito, inihayag ni Yao na umaasa siyang malalaman ng parami nang paraming estudyante ang hinggil sa nasabing sining ng bayan sa pamamagitan ng kanilang mga palabas sa mga paaralan. Sinabi pa niya na sa hinaharap, mangangalap sila ng mga estudyante na nagtapos ng kurso sa middle school para mag-aral ng mga palabas at maipagpatuloy nang mabuti at maipagmalaki ang nasabing mga sining ng bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |