Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Leftover Ladies at Leftover Boys sa Tsina

(GMT+08:00) 2011-03-17 19:36:09       CRI

Ernest: Magandang gabi, mga giliw na tagasubaybay. Welkam sa inyong programang "Kaalaman sa Tsina" ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito po si Ernest at ngayong gabi, makakapiling natin si Rhio, isang Pinoy na kasalukuyang nagtatrabaho dito sa Beijing. Magandang gabi Rhio.

Rhio: Magandang gabi, Ernest, magandang gabi mga katoto at kapanalig. Naririto na naman po ako, kasama ni Ernest para sa ating palatuntunan ngayong gabi. Ako po ay isa sa mga bagong mamamahayag ng Serbisyo Pilipino ng CRI at dumating ako rito sa Beijing noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ernest: Sa katotohanan, guwapo at macho siya…

Rhio: Salamat, Ernest.

Ernest: Pero hindi na available…hahaha

Rhio: Aba! HeheheAvailable pa rin kapag Sabado at LinggoHehehe…

Ernest: Ngayong gabi, tatalakayin natin ang isyu hinggil sa mga leftover girls at leftover boys sa Tsina.

Part I: Ano ang Leftover Girls at Leftover Boys?

Leftover girls

Rhio: Teka muna Ernest. Ano ibig-sabihin ng leftover girls at leftover boys? Ngayon ko pa lang ito narinig dito sa Tsina.

Ernest: Well, ito ay bagong sibol na salita na ang ibig sabihin ay mga babae at lalaki na well-educated, well-paid, pero independent pa rin hanggang sa mawala ang edad nila sa kalendaryo. Halimbawa, ayon sa konseptong ito, si Pangulong Noynoy Aquino ay isang leftover boy.

Rhio: Naku! Ikaw talaga Ernest pati si PNoy ay isinama mo ah Hehehehe… Eh, si Lakay Ramon, kasama rin ba rito? Hehehe…

Ernest: Aba! Oo naman Hehehe…

Rhio: Hala ka! Lagot ka kay Lakay Ramon Hehehe… Pero, teka, puwede rin siguro natin silang tawagin na single, more than thirty years old at stuck, hindi ba?

Ernest: Tama ka diyan. Sa karaniwan, magaganda at matatalino ang karamihan sa kanila, kaya nga lang, pihikan sila sa pagpili ng mapapangasawa at iginigiit nila ang mataas na pamantayang ito hanggang sa mawala ang edad nila sa kalendaryo.

Rhio: Mabuti naman pala at nakahanap agad ako ng fiancé bago ako mawala sa kalendaryo Masuwerte pala ako

Ernest: Kaso, wala pa rin akong girlfriend eh. Paano naman ako? Malas yata ako ah Hehehe…

Rhio: Huwag kang mag-alala. Bata ka pa naman at siguradong makakahanap ka ng isang maganda at mabait na nobya. Hehehe… Kung gusto mo, ihahanap kita ng Pilipina

Ernest: Salamat po. O, sige. Ipakilala mo ako ha? Hehehe…

Rhio: Oo naman Mabalik tayo. Sa Pilipinas ay may mangilan-ngilan ring ganitong situwasyon. Dahil sa patuloy na modernisasyon at pag-unlad sa lipunan, at minsan, dahil sa patuloy na pagbigat ng presyur sa pamumuhay, mayroon na ring mga Pinoy na nawawala sa kalendaryo.

Ernest: Para naman sa mga mamamayang Tsino, lalo na sa mga tao na may tradisyonal na ideya. Ang pag-aasawa ay pundasyon ng pamilya at saka ang pamilya ay pundasyon naman ng lipunan. Kaya, ang mga lalaki o babae ay dapat mag-asawa sa angkop na edad, ito ay responsibilidad nila sa kanilang pamilya at buong lipunan.

Rhio: Ah, mas maganda kung ganoon. Mas kumakatig pala ang mga Tsino sa tradisyunal na pamamaraan. Sa tingin ko, maganda ito dahil napapanatili ng mga Tsino ang kultura at magagandang tradisyon nito, lalo na kapag pinag-usapan ang pamilya.

Ernest: Oo. Kaya, kung mawawala ang kanilang edad sa kalendaryo, tiyak na ikababahala ito ng kanilang mga magulang.

Mga uri ng leftover girls

Rhio: Naku! Sa lalong madaling panahon pala, dapat ay makahanap tayo ng nobya para sa iyo. Hehehe... Sa Pilipinas naman, dahil sa Asyanong kultura ng mga Pinoy, lalo na sa mga kababaihan, ang pag-aasawa ay isang napakaimportanteng sangkap ng buhay. Kapag nakikita ng mga magulang na medyo pawala na sa kalendaryo ang kanilang mga anak, sila na mismo ang naghahanap ng nobyo o nobya para sa mga ito. Para kasi sa mga Pilipino, napakaimportante ang pagkakaroon ng pamilya ng isang tao. Dahil ito ang legacy na miiwan niya kung siya ay sasakabilang buhay na, at ang pamilya rin ang kanyang magiging sandigan sa kanyang pagtanda. Sa personal na kaso ko naman, gustung-gusto na ng aking mga magulang na magkaapo Hehehe…

Ernest: Kaya, dapat ay pagbigyan mo na sila Hehehe…

Rhio: Oo nga eh Hehehe…

Ernest: Pero, tama ka Rhio. Malaya ang isang tao kapag binata o dalaga, kaya lang, kapag sila ay matanda na, walang titingin at lilingap sa kanila. Ang pagkakaroon ng sariling pamilya, katulad din ng sa Pilipinas ay isang ideyang Tsino, at integral na sangkap sa pamumuhay dito sa Tsina.

Rhio: Sang-ayon ako diyan.

(Sound)

Part II: Ano ang dahilan ng paglitaw ng leftover girls and boys?

Ernest: Kayo po ay nakikinig sa programang "Kaalaman sa Tsina" dito sa Radyo Internasyonal ng Tsina. At kasama ko pa rin po si Rhio sa pagpapatuloy ng ating paksang leftover girls at leftover boys .

Rhio:Alam mo Ernest, sayang ang ganitong mga magaganda at guwapong binata't dalaga sa Tsina, tumatanda sila at hindi nakakapag-asawa. Bakit kaya? Walang ba silang oras na maghanap ng asawa?

Ernest: Ito'y isang dahilan lang. Talagang nagiging mabilis na mabilis ang ritmo ng pamumuhay ng mga tao sa lunsod, lalo na para sa mga taong hindi nanggaling sa mayamang pamilya; kailangan kasi nilang magsikap para sa kanilang ambisyon at pamumuhay.

Rhio: Ah, oo nga. Medyo mahirap kasi ang trabaho dito sa Tsina. Katulad ng mga nasa insdustriya ng konstruksiyon, pagkain, hotel, turismo, at media na kagaya natin. Mabuti na lang at nakahanap ako ng nobyang Tsino Pero, sa palagay ko, karamihan pa rin sa mga batang Tsino ay hindi nananatiling single. Marami kasi akong nakikita sa mga mall at pamilihan, karamihan ay may nobyo at nobya.

Ernest: Oo. Talagang masuwerte ka Hehehe… Gayuman, ang mabilis na ritmo ng pamumuhay dito sa Tsina ay nagbunga ng pangunahin na, ng pagbabawas ng pagkakataon para magkakilala ang mga babae at lalaki sa pamamagitan ng mga kaibigan.

Rhio: Ah, I see. Dahil masyado silang busy, hindi na sila masyadong nakakalabas, kasama ang mga kaibigan at hindi na rin nakakahanap ng mga magiging nobyo at nobya.

Ernest: Korek na korek ka diyan.

Rhio: Pero, sa tingin ko lang, ang ibang mga leftover girls o boys ay hindi kulang sa oras, mataas lang talaga ang kanilang pamantayan sa pag-aasawa.

Ernest: Eh, paano naman ako? Isa ako sa mga leftover boys Hehehe…

Rhio: Huwag kang mag-alala, makakahanap ka sa lalong madaling panahon ng nobya Alam po ninyo mga giliw na tagasubaybay, guwapong-guwapo itong si Ernest. Kaya, iyon pong mga dalaga diyan na wala pang nobyo, naririto po si Ernest.:) hahaha…

Ernest: Hahaha… Opo. Single and available po ako Hehehe… Sa katotohanan, iyong mga sinabi mo kanina tungkol sa dahilan ng pagkakaroon ng mga leftover ladies at left over boys ay tama. Pero, sa tingin ko, ang pinakamalaking dahilan ay ayaw ng mga batang Tsino na bumaba ang kalidad ng kanilang pamumuhay kapag sila ay nag-asawa na.

Rhio: Tungkol ba ito sa pagkakaroon ng sariling bahay?

Ernest: Tamang tama. Nariyan din ang isyu ng edukasyon ng kanilang anak sa hinaharap, pag-aasikaso sa kanilang mga magulang at iba pa.

Rhio: Ah, ang one child policy at pagkalinga sa kanilang mga magulang, hindi ba?

Ernest: Oo. Ito'y nangangahulugan na ang isang mag-asawa ay mag-asikaso sa 4 na matatanda.

Rhio: Ah, I see. Talagang mabigat pala ang kinakaharap ng mga batang Tsino ah.

Ernest: Bukod dito, tumataas ang presyo ng mga paninda sa Tsina na gaya ng pagkain, kuryente, tubig, upa at iba pa.

Rhio: Naku! Kaya, kailangan nating kumita nang maraming RMB, Ernest. Hahaha…

Ernest: Ikaw, okay kana, kasi may nobya ka. Eh, ako, wala pa eh

Riho: Ikaw talaga. Ibig sabihin, kung wala ka pang kakayahan na magpa-aral ng anak, mag-aruga ng magulang, at higit sa lahat, wala ka pang sariling bahay, imposibleng makahanap ng nobya o asawa?

Ernest: Hindi imposible, pero, mahirap. Kasi, kung hindi mo pa kaya ang mga ito, dapat ay pagtuunan mo muna ng mas maraming panahon ang pagtatrabaho.

Rhio: I see. Ang Tsina ay nasa panahon ng mabilis na pag-unlad, mabilis ding nagbabago ang pananaw ng mga batang Tsino sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Dahil sa mga ito, nahihirapan ang mga batang Tsino na humanap ng kanilang magiging nobya at asawa, tama ba?

Ernest: Tama, Rhio. Isa ako sa mga kumakaharap ng isyung ito, kaya alam ko Hehehe…

Rhio: Hehehe…

Ernest: Mga kaibigan, hanggang diyan na lamang po ang ating programa ngayong gabi. Magkita-kita po muli tayo sa susunod na linggo. Kung mayroon po kayong reaksiyon o suhestiyon, maaari po kayong mag-iwan ng komento sa aming message board sa aming website na filipino.cri.cn o mag-email sa filipino_section@yahoo.com. Hanggang sa muli. Ito po si Ernest, magandang gabi.

Rhio: Ito naman po si Rhio at kung gusto po ninyong makilala si Ernest, huwag po kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin Hehehe… Maganda at mapayapang gabi po.

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>