Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Ang tipo kong babae"

(GMT+08:00) 2011-05-19 16:23:43       CRI

Kung sasabihin ng isang lalaki na hindi niya gusto ang isang seksi at magandang babae. Sinungaling siya sa unang tingin, nakakatawag talaga ng pansin ang panlabas na kaanyuan ng mga naggagandahan, nagse-seksihang kababaihan at hindi naman masama kung magkakaroon ka ng nobyang maganda, seksi at flawless, pero, siyempre, mahalaga din ang kagandahang loob at kagandahang asal.

Mas binibigyan ng mabigat na timbang iyong panloob na katangian ng isang babae. Kahit hindi masyadong maganda ang isang babae, basta may mabuting kalooban ay ayos na ayos na siya para sa kanila. Mas mahalaga ang kabutihang-asal at magandang kalooban. Dahil ang kagandahan ng mukha at pangangatawan ay panandalian lamang, mawawala rin ito sa ating pagtanda, pero, ang pagkakaroon ng mabuting kalooban ay hindi mawawala.

Kaya ang pagiging matapat at masugid sa isa't isa ay mga katangian na hinahanap ng mga lalaking Tsino sa mga kababaihan, dahil sa ideya ng mga Tsino, ang mga ito ay mahalagang bahagi ng moralidad.

Ngayon kasi sa Tsina, independent ang mga kabataang lalaki at babae, mayroon silang sariling trabaho. Kaya, napakahalaga na ang isang babae ay marunong umunawa, at siyempre hindi ito para sa mga babae lamang ito rin ay para sa mga kalalakihan.

Sa kabilang dako, ang kagandahan ng panlabas na anyo at kagandahang asal ay isang subjective na paksa. Eka nga nila, "Beauty is in the eye of the beholder." Kaya, ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang tipong babae, maging ito man ay sa panlabas o panloob na anyo.

Pero, kamakailan, may isang survey na lumabas na nagpapakita ng katangian ng mga babae, na di-umano ay gusto ng mga kalalakihan, hindi lang sa Tsina, kundi, sa buong daigdig.

Una, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaeng masaya at exciting na kasama. Panglawa, gusto raw ng mga lalaki iyong mga babaeng marunong magluto. Pangatlo, gusto ng mga lalaki ang mga babaeng supportive at laging nandiyan sa tabi nila. Pang-apat, gusto raw ng mga lalaki iyong mga babaing marunong mag-ayos at marunong magdala ng pananamit. Panlima, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaing marunong makinig at marunong rumespeto sa mga gusto nila. Pang-anim, at ito ang medyo kontrobersiyal, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaing marunong sa love-making.

Sang-ayon ba kayo dito mga ka-tropa?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>