|
||||||||
|
||
Una, dapat pasalamatan ko si Ernest dahil hinawakan niya ang dalawang episode ng Pop China habang wala ako at nagpatugtog siya ng mga matatamis na red songs at inihatid sa music lovers ang walang katulad na classic hits ng 60's. Pero, sa tingin ko, parang gustung-gusto naman ni Ernest na i-host ang isang music program na tulad ng Pop China kaysa sarili niyang program na Kaalaman sa Tsina, hahaha. Paulit-ulit na tinatanong niya ako kung kelan uli ako magbabakasyon, e. Naintindihan ko naman how he feels. Talaga naman kasing walang kasing lakas ang power of music. Bawat tao ay may kipkip na melody sa puso na kumakatawan sa kanyang pagkatao. Wow, malalim ba? Kaya, kung walang Sissi, tiyak na may iba pang happy DJ. Teka, muntik ko nang makalimutan. Itong kantang ito ay espesyal na pinatutugtog ko para kay Ernest. Salamat ulit, ha, pards?
Dalawang linggong hindi ko napagtuunan ng pansin ang kasalukuyang music chart. Halos bago lahat ang mga kanta pero naroon pa rin ang mga kantang ini-recommend ko bago magbakasyon. Tingnan natin.
Sa ika-3, "Eagerness is Power" theme song ng isang charity work na kaloob ng bandang Shuimunianhua.
Sa ika-2, "Rhapsody", tingan kung paanong maglaro ng Arnis si James Hsiao sa saliw ng Rhapsody.
Ang winner ay "Aking Tao", sa puso ko, ikaw ay akin from the very beginning na ibinigay nina Tu Honggang at Na Ying.
Ok. Susunod, gusto kong simulan ang ating biyaheng musikal ngayong gabi mula sa isang tender at peaceful song na Kung titingnan ang damdaming ipino-project nina Sherman at Hung Cheuk Lap sa kanta, napakaganda ng harmonya nila at interesting din naman ang combination na ito sa reality. Parehong pumasok sa sirkulong musikal sa pamamagitan ng singing contest, pareho ang music company, laging nagko-collaborate sa pagkanta at nagrerekord sila ng advertisement bilang lovers. Sila ang isa sa mga combination na inaasahang maging perfect couple sa puso ng mga music fans.
Ano ang impresyon ninyo sa sparrow o pipit? Little clever creatures o maliksing insectonator? Sa bagong kanta ni Wang Xv, miyembro ng sikat na grass roots band "Xvriyanggang" ang maya ay nagsisilbing migrant workers, mga taong nagsisikap sa hindi pamilyar na lunsod para mabuhay o para sa kanilang pangarap. Sa mula't mula pa'y, ipinalalagay ko nang sa likod ng kanyang husky voice, naroon ang pag-asa, buhay, pangarap at eagerness for appreciation, respect at understanding.
Si Sarah Chang ang kauna-unahang pop star ng mainland ng Tsina na nai-feature ng "Times" magazine ng E.U., noong 1980s, noong nagsisimula pa lamang sumigla ang Pop music sa mainland ng Tsina. Tulad ng iba pang singer, sumikat din si Sarah dahil sa pagkanta ng mga classic hits na Amerikano o Europeo, pero, hindi katulad ng iba pang singer, unting-unting pumalaot sa country music, folk music o school music. Mula't sapul, si Sarah ay tagapagsalita na ng mga kababaihang panlusod. Lagi niyang kinakanta ang happiness at sadness ng mga sentimental women.
Sa bahagi ng Gramephone ngayong gabi, mapapakingan natin ang kanyang pinakapopular na hits-"Sabado" na naglalarawan sa kasayahan ng isang babae habang papalapit ang Sabado. Hindi kailangang magtrabaho at magsusuot ng fashionable clothes at makikipag-date sa boyfriend. At this point, wish ko na magkaroon kayo ng isang masasayang weekend. I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"
Pop China ika-25 2011
Pop China Ika-24 2011
Pop China Ika-23 2011
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |