Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magpasko sa Tsina--Chengdu

(GMT+08:00) 2011-12-12 17:43:28       CRI

Kung magpapasko kayo sa Chengdu, ang unang kong rekomendasyon sa mga tutungo sa Chengdu sa pasko ay ang Wide and Narrow Alley. Dahil nga pinaghalo ito ng makaluma at makabago, at dahil maraming turista ang dumadayo dito, sigurdong magiging masigla ang lugar na ito sa pagdating ng kapaskuhan.

Ang Wide and Narrow Street ay isa sa tatlong malaking sonang historikal at kultural na isinasailalim ng pangangalaga ng pamahalaan. Ang sonang ito ay binubuo ng tatlong lumang kalye at mga quadrangle courtyard sa pagitan nila.

Iba't iba ang tema ng tatlong kalyeng ito. Ang Kuanxiangzi o maluwag na kalye ay sona ng "pamumuhay na panlibangan". Mararamdaman ninyo dito ang lumang estilo ng pamumuhay at kaugalian ng Chengdu. Ang Zhaixiangzi o makipot na kalye ay sona ng "mabagal na pamumuhay". Sa sonang ito, hindi lamang makikita ninyo ang mga modernong elemento sa daigdig, kundi mag-eenjoy rin ng mabagal na ritmo ng pamumuhay. Ang Jingxiangzi naman ay sona ng "modernong pamumuhay". Dahil may maraming bars dito, kaya pinakamasigla sa Chengdu ang atmospera dito sa gabi.

Ang susunod nating pupuntahan ay isa pang lugar sa Chengdu na kilalang kilala, hindi lamang sa mga dayuhan, pati din sa mga lokal na residente ng Chengdu. Ang Jinli Street ay nagsimulang makilala noong panahon pa ng dinastiyang Qin (221 BC -206 BC). Naging matamlay ang lugar nang minsan. At upang ibalik ang sigla nito tulad ng mga nakaraang panahon, inayos, ipinaganda at binuksan sa publiko noong Oktubre 2004.

Iba't ibang aktibidad ang maaari mong sa Jinli Street. Kung hilig mo ang mga makalumang gusali, siguradong magugustuhan mo dito, dahil punong puno ito ng mga gusaling nagmula pa sa sinaunang panahon ng Tsina. Kung food trip naman ang hanap mo, tamang tama din ang lugar na ito, dahil punung-puno ng mga tradisyonal na snacks ang matitikman dito, mayroon ding mga kanluraning kainan na matatagpuan dito. Kung nais niyo naman magrelaks at mag-usap, may iba't ibang inuman at kapehan, pinaghalong disenyong lokal at kanluranin, na maaaring puntahan. At kung shopping naman ang hilig mo, iba't ibang tradisyonal na kagamitan ang maaari mong mabili at makita dito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>