![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Susunod, tunghayan naman natin ang isang istoring full of love. Si Otso ay isang 12-taong-gulng na batang lalaki mula sa Finland. Ginugol niya ang buong summer sa pamimitas ng prutas sa gubat, at, sa tulong ng kanyang lola, nakagawa ng 400 bote ng juice at kumita ng 200 Euro. Pagkaraan, inabuloy niya ang pera sa zoo para gamiting pambili ng puno para sa oso na naroroon. Ayon sa lola ni Otso, noong isang taon, habang bumibisita sa zoo, nakita ni Otsa ang isang malungkot na oso, glassy ang mga mata at hindi kumakain. Sinabi ng working staff ng zoo na baka, dahil kapapasok lang sa zoo ng oso, naninibago pa ito sa kapaligirang walang puno. Nang mabanggit ang kanyang behavior, sinabi ni Otso na gusto niyang maging masaya ang otso na tulad niya na may paboritong laruan. Ummm, ang cute ng batang lalaki at ang suwerte ng oso. Isang kantang "Hero" na ibinigay ni Show Luo. Gusto ko itong i-dedicate sa lahat ng mga pangkaraniwang hero at heroin.
Isa pang totoong istorya, alam natin na maraming language services ang CRI. Bukod sa Serbisyo Filipino, mayroon din itong Russian Service, Indonesian Service, Thai Service, Arabia Service at etc.. One day, nakita ng isang kasamahan ko ang isang mensahe sa wikang Ingles na iniwan ng isang lalaking Iranyo sa aming message board. Sabi ng mensahe, kung babalik daw sa Iran ang isang foreign expert, pakikontak siya at mayroon siyang regalo para doon sa isang babaeng Chineses staff ng CRI. Siyempre, ipinasa namin ang mensaheng ito sa Persian Service, at nalaman naming na araw-araw pala ay nag-iiwan ito ng ganitong mensahe sa mga message board ng iba't ibang services ang nasabing lalaking Iranyo. Madalas din siyang tumatawag sa babae para lamang ipakita ang kanyang love sa babae. Bagama't paulit-ulit na sinasabi sa kanya na ikinasal na iyong babae at mayroon nang isang 5 year old na anak, hindi pa rin siya tumitigil. Er…bakit walang ganito katapat na fans ang mga DJs ng Serbisyo Filipino na tulad ni Kuya Ramon na kailangang kailangan ng isang girlfriend? at single pa rin si Ernest...Haha… Kantang "Ours" na ibinigay ni Taylor Swift, gusto kong idedicate kina Ramon at Ernest.
Sa wakas, tatalakayin natin ang lakas o force ng twitter. Noong isang linggo, habang kumakain sa CRI canteen ang isang kasamahan, di sinasadyang nakakita siya ng pisi sa kanyang pagkain, na posibleng ginamit na pantali sa gulay. Bilang isang matapat na twitter, kinunan niya agad ito ng litrato at ipinaskel sa website sa pamamagitan ng cellphone. Ilang minuto lamang, kumalat agad ang litratong ito sa twitter sa loob ng CRI. Magkakasunod na nagbigay ng koment ang mga kasamahan kasabay ng pagbanggit nila ng mga iba pang bagay na napuna nila sa mga pagkain sa canteen. Sa simula, we just take it for fun, pero, sa ika-2 araw, nakita namin ang isang bagong twitter na ipinalabas ng presidente ng CRI na nagsasabing, "Sorry sa lahat ng kasamahan. Ipinakita ko ang litrato sa namamahalang tauhan ng canteen at nangako siyang igarantiya ang kalidad ng pagkain." Ok, nakita nating muli ang puwersa ng Internet. Huling kanta para sa gabing ito--
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China ika-9 2012
Pop China Ika-8 2012
Pop China Ika-7 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |