Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-32 2012

(GMT+08:00) 2012-08-13 11:22:25       CRI

Ang Olimpiyada ang pinakasikat na palaro sa buong daigdig at ito rin ay isang maringal na pestibal para sa mga tao sa buong mundo. Ngayon ay pinagtutuunan ng pansin ng buong daigdig ang London Olympic Games. Sa naturang Olimpiyada, mabilis na sumikat ang mga batang atleta dahil sa kanilang galling sa paglaro, pagkuha ng medalyang ginto at paglampas ng record sa paligsahan. Para sa mga matandang atleta, ang London Olympic Games ay nagiging arena nila para magpaalam sa karera sa isport at kanilang mga tagahanga.

Halimbawa si Liu Xiang, kilalang atletang Tsino sa Men's 110m Hurdles, ang London Olympic Games ay ang kanyang ika-3 beses na paglahok sa Olimpiyada, at bilang isang 29 taong gulang na atleta sa 110m Hurdles na naapektuhan ng sugat sa paa noong ilang taon, posibleng ito na ang huling pagkakataon sa paglahok sa Olimpiyada sa kanyang karera.

Kahit nag-iwan si Liu ng malungkot na resulta sa London Olympic Games, tinanggap ni Liu ang masigabong palakpakan ng mga manonood sa loob at labas na bansa dahil sa kanyang diwa ng pagpupunyagi at pagsisikap para mapawi ang epekto ng sugat sa paa na siyang nagdulot ng kanyang pagtakwil sa paligsahan ng 2008 Beijing Olympic Games. Para sa mga manonood na Tsino, siguro kaunti na ang pagkakataon na makita ang paglaro ni Liu sa mga paligsahan sa loob at labas na bansa sa hinaharap, pero ang alaala niya ay puno ng kasiyahan na dulot ng husay ng paglaro ni Liu, partikular na sa pagkuha ng medalyang ginto ni Liu sa 2004 Athens Olympic Games.

Ang Olimpiyada ay parang isang malaking tanghalan, walang humpay na lumalahok ang mga batang manlalaro at pagpapa-alam ng mga matatanda, kahit gaano kaganda pa ang paglaro nila. Pero ang pangmatagalang bagay ay magaganda at masasayang alaala na iniiwan nila sa mga manonood.

Ang unang awitin ngayong gabi ay pinamagatang Do Not Go Away, mula kay Xiang Li, babaeng mang-aawit na Tsino.

Walang duda, mahalaga talaga ang pagkakamit ng medalya para sa isang atleta, pero ang pagkabigo niya sa paligsahan ay hindi nangangahulugang walang kabuluhan ang kanyang paglaro, kasing halaga rin ang pagpupunyagi sa paligsahan at pagtatamasa ng mga manonood ng kasiyahan na dulot ng isport.

Tanong ni Pom, isang tagapakinig ng Serbisyo Filipino, sino ang paborito mong athlete na tsino at dayuhan, kuya ernest?

Ang paborito kong atletang Tsino ay si Liu Guoliang, kilalang table tennis player at ang dayuhang atleta ay si Michael Jordan. Kahit hindi na sila naglaro sa parehong paligsahan, sa tingin ko, ang parehong katangian nila sa kanilang paglalaro ay parang palabas ng sining. Habang nanood ng kanilang paglaro, nag-eenjoy at nagiging excited ako. Ang kanilang galing sa paglaro ay hindi babubura sa isip ng mga manonood. Kaya ang susunod na awitin ay ang Golden Age, mula sa Beyond, isang sikat na band mula sa Hong Kong noong dekada 80 at 90.

Sariwa pa rin ang alaala ko hinggil sa magagandang paglaro ng 2 nabanggit kong atleta si Jordan at Liu, parang bumalik ako sa panahon sa high school, puno ng kasiglahan, pag-asa at optimistiko.  

Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Buddy boy: pinakakamusta ka ni esmi, pareng ernest. ok ka ba diyan? lagi kasing nakikinig yun sa inyo.

Salamat po, salamat sa ninyong suporta sa programang Pop China, sana manatili kayong masaya. Para sa akin, ayos lang, pero hindi ko gusto ang mainit na panahon. Kahit ako'y vice Happy DJ, mataba rin ako.

Sing-init ng panahon, ang mainit na suporta mula sa ating mga listeners.

Sabi ni Weng: lahat naman, kuya ernest, naloloko sa olympics kasi minsan lang naman yun sa apat na taon,eh

Tama ka diyan Weng, hindi lamang itinataguyod ang Olimpiyada kapag apat na taon, kundi maging ang pagtitipun-tipon doon ang lahat ng mga pinakamahusay na atleta ng buong mundo at magaganda tagala ang kanilang paglaro sa paligsahan.

Sabi ni Rodel: ewan ko kung di pa nababawasan popularidad ng olimpiyada. syempre naaapektuhan din iyan ng lagay ng kabuhayan ng mga bansa! Sabi naman ni Joselito: syempre, naaapektuhan din ang olympics ng economic crunch sa europe at mga likas na kalamidad sa iba't ibang panig ng mundo.

Tama, ang Olimpiyada ay palagiang naaapektuhan ng kabuhayan ng bansang nagtatangkilik at iba pang mga bagay na gaya ng likas na kalamidad at digmaan. Pero sa tingin ko, ang target ng Olimpiyada ay magdulot ng kasiyahan sa mga tao ng buong daigdig at nagpalaganap ng ideya ng kapayapaan at pagkakaibigan. Kahit walang perpekto na Olimpiyada, nakapagtamasa tayo ng kasiyahan na dulot nito, walang duda, mas maganda kung magkakasama panoorin ito ng mga kaibigan at pamilya.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~

Pop China Ika-31

Pop China Ika-30

Pop China Ika-29

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>