|
||||||||
|
||
Walang duda, ang musika ay isang popular na bagay sa buong mundo-- saan mang lugar at anumang lahi at relihiyon. Noong bata pa ako, ang pakiking sa musika ay isang pangunahing paraan ng paglilibang, kasi noong 1990s sa Tsina, kaunti lamang ang mga TV sa karaniwang pamilya. At noong bata pa ako, naiinggit ako sa mga singer, dahil sa kanilang magagandang damit, husay sa pagkanta, at higit sa lahat, mainit na tinatanggap sila ng mga fans.
Pero ngayon, itinakwil ko ang pangarap sa pagiging isang singer, kasi hindi ako talaga marunong kumanta at sa katotohanan, mabigat ang presyur na dinadala ng isang singer at pagod sila sa trabaho. Ngayon sa Tsina, bukas naman ang ideya ng mga tao at gusto nilang ipakita ang kanilang kakayahan at kahusayan sa ibang tao.Sa katotohanan, kung marunong kumanta ang isang lalaki, mas popular siya sa mga babae. Sayang, hindi ako marunong kumanta.
Ang Peking University ay isa sa mga pinakamagandang pamantasan sa Tsina. Ito ay maihahambing sa UP ng Pilipinas. Taun-taon, idinaraos doon ng Student Union ang Top 10 Singing Competition para mapukaw ang inklinasyon ng mga estudyante sa musika. Sa isa pang dako, ito ay isa ring magandang plataporma para maipakita ng mga estudyante ang angkin nilang husay at talino.
Sa totoo lang, bukod sa nabanggit na singing contest, marami pang ibang aktibidad sa Peking University; halimbawa, paligsahang pampalakasan, painting exhibits at concerts. Noong nag-aaral pa ako ng wikang Flipino sa pamantasan, itinanghal ng aming buong klase ang palabas na Florante at Laura para sa mga Pinoy sa Beijing at ibang mga estudyante at guro sa pamantasan. Ako ang gumanap ng papel ng tatay ni Laura, isang hari na pinatay ng kaaway ni Florante. Maliit lang ang papel ng inyong bida. Gumanap din ako ng iba pang maliliit na papel na gaya ng mananayaw sa isang kapistahan, isang karaniwang kawal at panauhin sa seremonya ng kasal nina Florante at Laura sa huling tagpo.
Kahit hindi mahalaga ang aking papel sa palabas, masaya naman ako at ito ang kauna-unahang pagsali ako sa isang malaking palabas sa pamantasan. Ok ang susunod na awitin ay ang First Lesson, mula kay Han Geng, isang macho-guwapitong mang-aawit ng mainland ng China.
Tulad ng pamagat ng awiting ito, marami ring first time sa pamumuhay ng mga tao na tulad ng first lesson-- ano ang iniwan nitong malalim na impresyon sa isip ninyo? Para sa akin, ang naturang karanasan ng pagsali sa palabas ay nag-iwan ng masayang alaala.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Connie: gusto ko iyang mga nasa picture--andy lau, jacky cheung at eason chan. mahuhusay sila. meron silang big K.
Tama, tama ka, marunong sila talaga sa kumanta at popular naman ang kanilang mga kanta. Matagumpay sila sa kanilang karera.
Sabi naman ni Rodel: basta ako ang gustu ko ay yaong mga awitin nuong kapanahunan ko. alay ayoko ng mga awiting nakakabanas!
Sang-ayon ako sa iyo. Para sa iba't ibang henerasyon ng mga tao, naiiba din ang kanilang paboritong awitin. Para sa aking mga magulang, ayaw din nila ang mga awitin ang gusto ko. Sabi nila hindi ito ang sining.
Sabi naman ni Melba: sige nga, kuya ernest, sampolan mo kami ng singing voice mo.
Kung gusto mo, its'my pleasure.
Sabi naman ni Mato: ikaw, kuya ernest, ano paborito mong OPM at sino ang pinakagusto mong filipino song artist?
Ang paborito kong OPM ay ang Anak, Hataw na, Kumusta ka, at Bayani kang talaga, ang mga paboritong mang-aawit na Pinoy ay sina Eric Santos at Freddie Aguilar
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-35
Pop China Ika-34 Pop China Ika-33© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |