Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-43 2012

(GMT+08:00) 2012-10-28 13:42:22       CRI

Happy Halloween! Ano ang ginagawa ninyo para sa pestibal na ito? Ano ang mga aktibidad diyan sa lugar ninyo bilang pagdiriwang sa pestibal na ito? Dito sa mga malalaking lunsod ng Tsina na gaya ng Beijing, Shanghai, Guangzhou at Hong Kong, mayroon ding mga aktibidad at party bilang pagdiriwang sa Halloween. Pero para sa akin, kasi hindi ito pambansang bakasyon sa Tsina, kaya may pasok din sa opisina. Sayang talaga.

Kaya ang unang awitin ngayong gabi ay isang awitin na may estilong panrehilihiyon. Ito ay pinamagatang In The Name Of The Father mula kay Jay Chou, kilalang mang-aawit mula sa Taiwan, China.

Ang awiting ito ay nagsasalaysay ng isang kuwento ng paghihiganti. Pero sa bandang huli, tumawag sa Diyos ang pangunahing bida para humingi ng tawad sa kanyang krimen sa proseso ng paghihiganti.

Tinalakay natin sa nagdaang programa hinggil sa natural beauty at man made beauty. Kaya Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa mga tagapakinig hinggil sa paksang ito.

Sabi ni Marivic: cyempre naman natural beauty. aanhin natin ang fake beauty? mamya mabuking-buking pa tayo. Sabi naman ni Lyn: kung ano tayo noong ipanganak, iyon tayo. huwag nang maghangad ng iba. Sabi naman ni Cindy: yung iba naman kasi maganda na, nagpapaganda pa, eh.

Sa tingin ko, malaya ang taong pumili kung gusto niya ng retoke. Pero ang pagganda ay isang nakakaakit na bagay para sa buong sangkatauhan. Para sa akin, ayaw ko ng retoke, kasi hindi natural ang anyo pagkatapos nito at gusto ko talaga ang natural beauty, kahit hindi ito perpekto at kahit mas gaganda pa ako pagkatapos ng retoke.

Ok ang susunod na awitin ay pinamagatang For Love, mula kay Edison Chan, mang-aawit mula sa Hong Kong, China.

Para sa mga tao, siguro gusto ng lahat ang magandang anyo. Pero wala itong kaugnayan sa pagmamahal. Ang mas mahalaga ay ang magandang kalooban ng isang tao, di ba?

Sabi ni Plum: sino naman po iyong nasa itaas? parang kasing sexy din ng sa nakaraan. Daring pero maganda naman.

Si Angela Chang din, iyong sinasabi mong sexy noong nakaraan. Malaki ba ang pagkakaiba ng anyo niya sa dalawang litrato? Tulad ng tinalakay natin sa nagdaang programa, dahil sa makabagong teknolohiya, napapalabas na mas maganda ang anyo ng mga artista sa litrato kaysa sa talagang anyo nila kung makikita sila nang personal. Pero mahusay talagang kumanta si Angela Chang. Ok ang huling awitin ngayong gabi ay pinamagatang Aurora, mula sa kanya.

Si Aurora ay isang Diyosa sa alamat na kumakalat sa North Europe. Siya ang namamahala sa pagpapatalastas ng pagsimula ng araw at pagdulot ng pag-asa sa mga tao.

Ok, diyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, Good night~

Pop China Ika-42

Pop China Ika-41

Pop China Ika-40

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>