Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-49 2011

(GMT+08:00) 2012-12-10 14:23:34       CRI

Ano ang kinasasabikan ninyo ngayong Christmas? Bonding with the family/friends, Caroling, Cold weather, Gifts, Kris Kringle, Noche Buena, Shopping o Walang pasok? Pero, before that, ibabahagi ko lang sa inyo ang isang trivia…ayon sa mga Mayan, sa ika-21 ng Disyembre, paglubog ng araw, hindi na ito sisikat, Ibig sabihin, ito na ang katapusan ng daigdig, doomsday. Sa programa ngayong gabi, ibabahagi ko ang mga istorya na may kinalaman sa predictions ng mga Mayan, mga kawili-wiling balita tungkol sa doomsday pati ng mga hottest music, handa ba kayo? Ok, simulan natin ang programa sa pamamagitan ng isang kantang masarap pakinggan. Narito ang "Halo" mula kay Summer Wang, second runner-up ng katatapos lang na "Voice of China".

Ang Mayan ay isang sinaunang katutubong sibilisasyon na namumuhay noong 1800 taong nakalipas, kasalukuyan ito ay South Mexico, Belize, at Nicaragua, somewhere in the Yucatan Peninsula. Sila ang isa sa mga pinakamahiwagang nasyon sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Meron limang kilalang prediction ang mga Mayan at coincidence o not, naging totoo na ang apat sa mga ito. Una, nawala ang sibilisasyon ng Mayan, Oo po, tinaya nila ang katapusan ng kanilang sarili; Ika-2, paglitaw ng roket, eroplano at sasakyan. Sa isang flagstone ng Maya, nakita ng mga siyentista ang imahe ng astronaut; Ika-3, pagsilang at pagkamatay ng evil dictator na si Aldof Hilter; Ika-4, pagganap ng digmaang pandaigdig o World War I and II at ika-5, pagwakas ng daigdig. Sabi nila, buong tatag na iginigi it ng mga Mayan ang kanilang predictions, noong 1696, bago mawala ang mga Mayan, kinatagpo ng lider ng Mayan ang messenger na ipinadala ng mga nananalakay, sinabi ng mayan na dumating ka nang sobrang aga. Ayon sa aming hula, dapat dumating ka pagkaraan pa ng apat na buwan. Biruin nyo ang galing talagang manghula ng mga Mayan, sayang at na-tsugi ang kanilang lahi.

Ok, relaks tayo muli at i-enjoy ang kasalukuyang hottest hit na "Gayuma" na inawit nina Abra feat. Thyro & Jeriko Aguilar.

Bamaga't di natin masabi kung mangyayari talaga o hindi ang doomsday , para harapin ang mga di-malinaw na trahedya, umaksyon na ang ilang mga bansa. Mula noong 2006, sinimulang itayo ng Norway ang isang storage para sa mga binhi ng pananim, meron itong pader na 1 metro ang kapal, airlock at bulletproof na pinto, kung biglang magbago ang klima, sumiklab digmaang nukleyar o tumaas ang sea level at iba pa extreme cases, puwedeng ipagkakaloob nito ang sapat na pagkain sa sangkatauhan. Inilaan naman ng Estados Unidos ang 86 milyong dolyares para igumawa ng isang malaking doomsday bunker sa ilalim ng White House. Samantala, ipinalabas ng air force ng E.U. ang isang doomsday plan kung saan pwedeng ilipat sa isang super airplane ang lahat ng punksyon ng pamahalaan at military command sa himpapawid, maaring nananatili ito sa langit nang maraming araw na walang anumang suplay. Parang Noah's Ark, di ba? Music time uli, Listen up here's "Little things" mula sa One Direction. I love those 4 young men, super guwapo, talented at bibo.

Actually, magkakasunod na ipinaliwanag ng mga descendent ng Mayan at siyentista na ang ika-21 ng Disyembre ay bagong simula ng kalendaryo ng Mayan, sa halip ng wakas, ito ay palatandaan ng bagong simula at prosperity.

Ok, this Christmas, kung buhay pa tayo, gustong magbigay ng Pop China ng konting sorpresa sa mga listener at welcome ang lahat na lumahok sa Christmas-and-New Year celebrations ng Pop China--- "Muling Mag-tipon-tipon Sa 2013". Magpadala ng short message para sa taong 2013 kasama ang inyong postal address bago sumapit ang unang araw ng Enero ng papasok na taon sa front page ng aming website: Filipino.cri.cn o sa mobile phone No: 09212572397. May chance kayong makatanggap ng aginaldo bilang pagdiriwang ng kapaskuhan ditto sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Ang naririnig ninyo ay ang kantang "Accompany you to the end of the world" na inawit ng bandang CatncandiX2. Magwakas man ang daigdig o hindi , sasamahan ko kayo at paliligayahin tuwing Sabado dahil ako si Sissi ang nag iisa at walang kaparis na happy DJ ng Pop China.

Ok, Oras na para mag-byebye. Iiwanan ko kayo with the rest of the song from catncandiX2 entitled Accompany you to the end of the world ". Huwag niyong kalilimutang ipadala sa akin ang inyong mensahe o New Years Wish. Ingat po at wan'an.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-48 2012
Pop China Ika-47 2012
Pop China Ika-46 2012




                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>