Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

 Pop China Special-Suwerte ng 12 Chinese Zodiac sa Year of Snake

(GMT+08:00) 2013-02-15 11:27:32       CRI
Una, ang Rat: ang mga kaibigan na isinilang sa taon ng rat, ang papasok ng taon ay isang taon ng pagbabago at punung-puno ng kaligaligan. Samantala, ito ang taon ng pagtatagpo ng kasamaan at pagkawala ng yaman. Luckily, merong di-inaasahang tulong sa buhay, tutulungan kayo ng strangers. Bagama't ang darating na taon ay hindi isang magandang taon para sa mga mouse, wag kayong mawalan ng loob. Ang kahirapan ay sumusunod sa pagbabago at kung mapapawi ang kahirapan, posibleng salubungin ang bagong kasaganaan.

Ika-2, Ox: Para sa mga kaibigan na isinilang sa taon ng Ox, ang susunod na taon ay super super lucky, lalong lalo na sa halalan at eksamen. Masuwerte sila sa halos lahat ng pagsusulit, kaya, estudyante o mga kaibigang naghahanap ng promosyon, dapat lubos na samantalahin ang suwerte sa taong ito. Kung ang Chinese zodiac mo ay Ox, ang susunod na taon ay makakabuti sa pagsisimula ng negosyo, paghahanap ng promosyon, at gaya ng nasabi ko kanina pagsapi sa halalan at eksamen. Pero, bagama't talagang masuwerte ang mga estudyanteng Ox, kung gustong matamo ang magandang resulta, dapat manatiling masipag at huwag asahan ang suwerte lamang.

Ang susunod na sign ay Tiger. Hindi maganda ang suwerte ng mga isilang na tiger sa taon ng snake, kasi, ang snake ay hindi kasundo sa tiger. Ang hindi pagkakasundo dito ay tumutukoy ng mga tao at pangyayari na hindi mabuti sayo, baka lilitaw sila sa taon ng snake sa lahat ng petsa, lahat ng okasyon. Kaya, dapat ingat po lagi, huwag ding masusugat sa aksidente. Sa unang kalahating taon, dapat pag-ingatan ang mga aksidente at ang huling kalahating taon ay dapat mag-ingat sa kapinsalaan sa pinansiya, interes at kapakanan.

Tingnan naman natin ang Rabbit. Ang katangian ng pamumuhay ng mga taong isinilang sa taon ng kuneho ay nananatiling abalang-abalang araw at gabi sa pagharap sa pagbabago. At ang pagbabago dito ay tumutukoy ng pagbabago ng pamumuhay, kapaligiran at trabaho. Halimbawa, paglikas, pagpunta sa bansang dayuhan, paglalakbay, paglilipat atbp. Sa taong ito, hindi mabuti para sa ang mga rabbit na bisitahin ang may-sakit, patay, hindi mabuti kung dalawin ang cemetery, dapat manatiling masaya at pag-ukulan ng pansin sa kalunsugan ng mga kapamilya.

Para sa mga Dragon, birth year nila noong isang taon, sasalubungin ng mga tao na isinilang sa taon ng dragon ang tuluy-tuloy na magandang pangyayari sa taon ng water snake, kay ganda ng suwerte nila, matutupad ang lahat ng hangarin nila at magiging matagumpay ang lahat ng gawain nila. Partikular na, ang taong ito ay mas mabuti para sa mga lalaki kaysa mga babae. At mga female dragon, dapat pag-ingatan ang dagok at kapinsalaang dinulot ng lalaki. Pero, generally speaking, maganda ang taon ito, kung lilitaw ang anumang problema, hindi grabe ang pinsala.

Para sa mga kaibigan na isinilang sa taon ng Snake, birth year nila ang 2013, nakasuot ba kayo ng pulang sinturon, pulang damit na panloob at pulang medyas? Ayon sa tradisyonal na teorya ng fengshui ng Tsina, hindi maganda ang suwerte ng mga tao sa kanilang birth year, dahil lapitin silang masamang bagay o pangyayari. Kaya pala, nagsusuot ang mga tao ng pulang sinturon, pulang damit na panloob at pulang medyas para pangkontra sa malas. Sa palagay ng mga mamamayang Tsino, puwedeng labanan ng kulay na pula ang evil sprits. Pero, huwag gamitin ang pulang wallet, kung ganoon, baka medaling maubos ang inyong pera.

Ang susunod na sign ay Horse, o kabayo. Sa year of the snake, dapat pag-ukulan ng pansin ng mga kabayo ang pagkakataong dinulot ng pagbabago sa pamahalaan, kompanya at balangkas ng awtoridad. Matatamo ninyo ang tulong mula sa ibang tao kapag mahaharap sa kahirapan, lalong lalo na tulong mula sa ibang kasarian, no matter sa pag-aaral, trabaho o sa pinansiya. Namumukod ang papel na ginagampanan ng inyong friends of the opposite sex. Um…samantalahin ninyo ang pagkakataong ito para mahanap ang inyong Mr Right at Miss Confidante.

Ang suwerte ng mga kaibigang isinilang sa taon ng Goat, puwedeng gamitin ang isang salita na "Matatag." Ang taon ng snake para sa mga goat ay hindi isang magandang taon para magsimula ng negosyo o isagawa ang ang anumang target. Kung mananatiling masipag at matipid, matatamo ng mga goat ang postibong bunga.

At para sa mga Monkey, dahil kasundo sa snake sa teorya ng fengshui, kasunod ninyo ang suwerte. Everthing will go well at magiging masaya ang inyong buhay pamilya.

Para sa mga kaibigang isinilang sa taon ng Rooster o manok, bagama't makita ang masamang bagay sa inyong destiny, pero, kayo ay napapangalagaan ng maraming diyos na palatandaang bagama't haharapin ninyo ang hadlang pa minsan minsan, kung tuluy-tuloy na magsisikap kayo, tiyak na magtatagumpay kayo sa bandang huli. Parang si Huang Bo na super masuwerte sa kanyang career ngayon. Siya ang pinakapopular na actor ngayon sa Tsina. Bago siya naging artista, siya ay isang vocalist sa isang bar. Ang naririnig niyo ay ang kanyang bagong kantang "Lasing", Nalasing ba kayo noong bakasyon ng Spring Festival?

Ang mga Dog ay napapangalagaan ng maraming masuwerteng bituin. Ang mga amo, mataas na opisyal, congressman, maganda ang suwerte, matalino ang desesiyon, maimpluwensiya ay mawawala ang lahat ng bad luck noong isang taon. Pero, tulad ng mga taong isinilang sa taon ng rabbit, ang mga aso ay nananatiling abalang-abalang araw at gabi sa pagharap sa pagbabago. At ang pagbabago dito ay tumutukoy sa pagbabago ng pamumuhay, kapaligiran at trabaho. Halimbawa, paglikas, pagpunta sa ibang bansa , paglalakbay, paglilipat atbp.

Hindi maganda ang suwerte ng mga Boar sa taon ng snake, kasi, ang naghaharing hayop sa taong ito ay snake, at ang snake ay hindi kasundo ng pig. Kaya, ang suwerte ng mga baboy ay hindi maganda at punung puno ng krisis. Ang krisis ay nagkatago, hindi malinaw. Baka hindi nyo mapansin at biglang lilitaw o sisiklab ito. Tiyak makukulong kayo. Kaya, dapat mag-ingat at dapat maghanda at magkaroon ng kakayahan sa pagharap at paghawak ng krisis. Pero itong Korean girl group na ito walang kakrisis krisis sa career nila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>