|
||||||||
|
||
Siyempre, hindi natin patuloy na tatalakyin natin ang daliri sa susunod na labing limang minuto, Siguro…pamilyar na pamilyar kami sa three-pointed star ng mercedes-Benz at maliit na itim na kabayon ng Ferrari, pero, alam ba ninyo ang istroya o katuturan ng simpleng pattern ng logo ng mga top brand, Ok, sa gabing ito, sundan si Sissi at malalaman ninyo ang kuwento sa likod ng mga logo.
Tingan muna natin ang logo ng mga maluhong motor, ang mercedes-Benz na itinatag noong taong 1900 nina karl benz at gottlieb daimler, at ang logo nito, isang three-pointed star ay kumakatawan sa domination ng lupa, dagat, at langit, ito raw ay unang umiiral sa sulat ni Daimler sa kanyang asawa, nananalig si Daimler na ang symbol na pinatura sa kanyang bahay puwedeng magdulot ng magandang suwerte sa kanya. Tapos, ang logo ng BMW ay isang blue and white na propeller na nagpapahayag ng kanilang masaganang kasaysayan sa paggawa ng makina ng eroplano. Ang kulay na asul ay palatandaan ng langit at ang kulay na puti ay palatandaan ng ulap at ang propeller ay tumutukoy sa walang humpay na pag-angat ng BMW. Ito ay palatandaan rin ng diwa at layon ng kompanya. Sa malawakang espasyo, sa pamamagitan ng mahusay na teknik, pinakamaunlad na ideya, makakatugon sa pinakamalaking hangarin ng mga mamimili. I love the guitar na tinugtog sa Kantang "Sama-Sama" inawit ng Rocksteddy, Parang sunshine, nagpapaliwanag sa ngayon'y maulap na gabi.
Mula racing car hanggang tractor, SUV hanggang RV, ipinoprodyus ng Chevrolet sa ilalim ng General Motors ng E.U. ang halos lahat ng motor na kinakailangan ng mga mamimili Noong sa kanyang paglalakbay sa Pransya, nakita ni William Durant, founder ng Chevrolet ang isang kawili-wiling pattern sa wall paper ng hotel na tinutuluyan niya at ipinalalagay niya puwedeng gamitin ito bilang logo ng bagong kotse at it turned out na ang golden bow tie na nakita niya ay mainit na tinangggap ng mga mamimili at naging kilala-kialalang sa buong daigdig. Ang Cadillac ay isinilang sa lunsod ng Detroit noong taong 1902, ang logo na ginamit nito, Corolla at Shield ay clan badge ni Antoine Nothe Cadillac, isang nobleman ng pransya at explorer at founder ng lunsod ng Detroit. Iba iba ang kahulugan ng mga kulay sa shield. Halimbawa, ang kulay ginto at itim ay palatandaan ng talino at yaman; kulay pula ay kumantawan sa katapatan, ang kulay pilak ay palatandaan ng purity, mercifulness at high morality. Ok relaks relaks, pakinggan natin ang kantang song of my heart na ibinibigay ni.Summer.
Tulad ng Cadillac, ang logo ng Maserati ay may kinalaman sa kanyang lupang-tinubuan. Ang logo nito ay badge ng lunsod ng Bologna, ang Trident sa logo ay sandata ni Neptune sa Rome myth na palatandaang almighty power ng the god of the sea. Gayon man isang brand na Italyano, may glamourous appearance, katakang-takang motivation at kaakit-akit na kulay, ang logo ng Ferrari, meron din isang malungkot na istorya. Ang kabayong ginamit ng ferrari, ay dating symbolo na ipininta sa combat plane na pinalipad ni Francesco Baracca, hero pilot ng Italya sa World War I. Siya rin ang best friends ng elder brother ng founder ng Ferrari na si Enzo Ferrari. Noong mamatay ang elder brother ni Enzo Ferrari sa isang labanan, nagalit si Baracca at pinalipad ang kanyang plane, sumugod sa kalaban at namatay rin. Ilang taong nakalipas, tumanggap si Enzo Ferrari ng mungkahi mula sa mga magulang ni Francesco Baracca at ginamit ang kabayo bilang logo ng Ferrari motor bilang pagbibigay-galang sa dalawang hero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |