Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-15 2013

(GMT+08:00) 2013-05-02 11:12:41       CRI

Kumusta po, mga pogi at mga wowie~Welcome sa programang Pop China at welcome din kayong ibahagi ang inyong love and passion for someone, something kasama ni Sissi tuwing Sabado ng gabi.

Noong nakaraang episode, isinalaysay ko ang hinggil sa tatlong uri na paa, ang Egyptian type, Roman type at Greek type at sabi, ang Greek type na tao o iyong mga tao na napakahaba ng ika-2 daliri ng paa kumpara sa iba ay posibleng may mahabang braso at binti at magandang hugis ng katawan. In other words, maaring maging maganda o guwapo. Marami atang nagtanggal ng kanilang mga sapatos para tingnan kung may greek type na daliri sila, dahil punung-puno ng amoy ng paa sa aming message board…sabi ni

Vic: hindi iyan mahalaga. ang mahalaga ay naghuhugas ng paa. foot hygiene.

mato : hindi ko alam kung anong klase mga daliri ko pero hindi na mahalaga sa akin yun. ang mahalaga ay nagpapalinis ako ng kuko regularly, pedicure ba, hehehe...

super dj happy: hahaha, mahahaba ang mga daliri ng paa ko! yoopee! guwapo pala ako pero hindi ko alam!

Kate: ang mga daliri ko sa paa ay hindi greek, roman o egyptian. ang mga ito ay filipino--at very very filipino.

Rodel: alay hindi mahalaga ang hugis ng paa. ang mahalaga ay kung naghuhugas ng paa o hinde!

Ok, sa tulong ng kantang "That Power -Justin Bieber", agarang alisin ang amoy ng paa, salubingin ang ating malasang excitement para sa gabing ito.

Noong Huwebes, sinimulan ang 2013 Miss Korea Pageant sa lunsod ng Suwon, pagkaraang mai-publisize ang litrato ng 20 kandidato, nagkaroon kaagad ng usap-usapan ang mga internet users, hindi lamang dahil sa sobrang magaganda ang mga binibini kundi sobra ang kanilang pagiging look alike, liban sa magkakaibang ngiti at ayos ng buhok, ang lahat ng 20 kandidato ay parang magkakakambal-magkakaparahong mata, ilong, bibig at maging hugis ng katawan-Kaya nagtatanungan ang mga internet users kung paanong pipiliin ang pinakamaganda. At iminungkahi ng isa na magpakasal ang mga kandidato at tingan kung sino ang may pinakamagandang baby at iyon ang panalo. Actually, dapat nating ma-realize na maunlad ang Timog Korea, lalo na pagdating sa pagsasagawa ng plastic surgery, but then again, gusto ko rin ang malaking mata, a high-bridged nose at perpektong hugis ng katawan…Ok, stop daydreaming at pakinggan ang malamig na boses ni Vlync at kanyang bagong obra hangg't may pagkakataon.

Noong ika-18 ng buwang ito, sa ngalan ng United Arab Emirates, habang ipino-promote ng tatlong lalaki ang produkto ng kanilang bansa sa Jenadrivah Heritage and Cultural Festival na idinaos sa Riyadh, punong lunsod ng Saudi Arabia, biglang tinanggal sila sa exhibition hall ng ilang pulis at hiniling sa kanila na umalis ng bansa. Makaraan, isiniwalat ng tagapag-organisa na, dahil sa sobrang kaguwapuhan nila, ikinabalisa ng mga official na baka hindi ma-resist ng mga babaeng turista ang kanilang charm at posibleng magkaroon ng ilang problema. Sa simula, pagkaraang napanood ang balitang ito, tulad ng nakararaming tao, inisip ko na sobrang exaggerated ang Saudi Arabia hanggang sa nakita ko ang litrado ng isa sa tatlong pinauwing mga lalaki. Scream and shout~ 1 milyon decibel!~ Ayon sa pagsusuri, ang pangalan ng lalaking ito ay Omar Borkan Al Gala, taga-dubai, isang model at photographer. Once again scream and shout 1 milyon decibel!

Susunod, isa pang istorya na may kinalaman pa rin sa guwapong lalaki, Noong isang linggo naman, malawakang kumalat ang isang balita sa internet, "naghahanap ng isang guwapong lalaking traffic police officer, bawat araw, be on duty mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga sa silangang rehiyon, xiaoguan street. Noong una, inakala ng mga warm-hearted natizen nab aka may kung anong nangyayari; pero, makaraan, lumantad ang message sender-isang babae, na in love sa pulis na ito at gustong ipahayag ang kanilang nararamdaman, at sa pamamagitan ng mensaheng ito, malaman ang contact number ng pulis na ito. At talaga naming masuwerte siya. Single naman iyong lalaki, at sa tulong ng mass media, nagtagpo ang dalawang kabataan, guwapong lalaki, gandang babae, masayang nagchat at sana mayroon isang happy ending.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>