|
||||||||
|
||
Nasubok na ba ninyo ang mga online auctions sa eBay? Habang nakikilala dahil sa pagbebenta ng mga idle at weirdong bagay, kilala rin ito dahil sa pag-o-auction nito ng mga pambihira at sobrang mahal na produktong tulad ng mga sumusunod. The Black Betsy-Ang Black Betsy, sa katotohanan, ay isang biraso ng punong kahoy na may laking 32 inches at bigat na 48 ounces. What made this so special is that ito ang ginamit ni Shoeless Joe Jackson noong naglaro siya sa major league baseball noong 1910s. Si Jackson ay isang baseball legend pero napatawan siya ng ban pagkaraang mapatunayan na siya ay sangkaot sa game fixing. Siya ang itinuturing isa sa mga pinakamahusay na hitter sa kasaysayan ng baseball at sinabi minsan ng baseball master Babe Ruth na he patterned his swing after Jackson's. at ang presyo para sa item na ito ay $577 libo. Kung may baseball fans diyan sa tabi ng radyo? Just come and get it!
Ang susunod ay The T206 Honus Wagner baseball card- Si Honus Wagner, isang yumaong American baseball player ay isa sa limang players na nasa baseball Hall of Fame. Ang kard na ito ay idinesenyo at inisyu ng American Tobacco Company mula noong 1909 hanggang 1911 bilang bahagi ng kanyang T206 series. Pero, tumangging si Wagner na gamitin ang kanyang imahe sa tobacco dahil ayaw ni Wagner na bumili ng sigarilyo ang mga bata para lamang makakuha ng card at ang pinakahuling presyo nito ay umabot sa 2.35 milyong dolyares.
Bukas, muling sisimulan ang auction ng pananghalian kasama ni Warren Buffett para sa taong 2013 sa EBay. Noong isang taon, ang pagkakataong ito ay naibenta ng 3.46 milyong dolyares. Mula noong taong 2000, hanggang sa kasalukuyan, sa tulong ng aktibidad na ito, nakapag-abuloy si Buffett ng 15 milyong dolyares sa Glide Foundation kung saan nagsibil minsan ang kanyang asawa. ang boses na naririnig ninyo ay mula sa ating magandang prinsesa- Janella Salvador at kanyang bagong obra- Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang –, obviously, She inherited her parent's gift for singing and acting.
Kung ano ang mas mahal kumpara sa pananghalian kasama ng sa king of stock, siyempre, walang iba kundi ang mga malaking laruan ng mga mayaman tulad ng Gulfstream II Airplane. Noong taong 2001, isang vendor ng business planes-Tyler Jet, ang nag-post ng isang Gulfstream II sa Ebay at ito ay napagwagian ng isang charter flight company galing sa Africa na handang magbayad ng $4.9 million. Kung ipinalalagay ninyong sobrang laki ng halagang 4.9 million, ang halaga ng susunod na item na aakyat sa stage ay puwedeng bumili ng mahigit 30 Gulfstream II, iyan ang Gigayacht – The Most Expensive Item Ever Sold on eBay. Actually, puwedeng direktang bumili ng yacht mula sa manufacturers sa presyo ng $196.5 million. Pero, noong unang ipost ng manufacturers ang yachat na ito sa EBay Auction, isang tao lamang ang nag-bid at ang halaga ng bid ay 10 USD. Pero, hindi nag-give up ang manufacturers at muling nag-post ito sa EBay at surprisingly, nag-bid at bumili nito sa bandang huli si Roman Abramovich, a Russian billionaire, amo ng Chelsea Football Club at isang kilalang collector ng maluhong yachts, at nagbayad siya ng 170 milyong USD.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"