Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-21 2013

(GMT+08:00) 2013-06-17 16:34:47       CRI
Ang buwan ng Hunyo ay pagsisimula ng bagong semestre sa Philippines, pero, dito sa Tsina, ito ay pagsisimula ng summer vacation at maraming kabataan ang nagpaplanong maglakabay sa labas. Kung mababanggit ang travel, bilang isang pangunahing bahagi, habang nananatili kayo sa isang hotel, nasisiguro ko na umaasa kayo ng komplimentaryong agahan, room service o iyong mga maliit na shampoo bottles at soaps. Pero, dapat din nating ma-realize na tayo ay nagbabayad hindi lamang dahil kailangan, kundi gusto rin nating magkaroon ng karanasang more restful than rest itself. Halimbawa, iyong mga taong gustong matulog sa The Tree House sa Pasonanca Park ng Zamboanga, ay hindi umaasang makakapagpahinga lang, kundi magkaroon din ng isang unforgettable experience. At sa ating programa sa gabing ito, tinipon na ni Sissi ang top ten weirdest and most unique hotels sa iba't ibang sulok ng daigdig at sana, maranasan natin kung paano tumigil sa mga ito.

Sa listhang tinipon ko, ang ika-10 pinakaweirdo at pinaka-unique na hotel ay mula sa Nairobi, Kenya-The Giraffe Manor. Ang Giraffe Manor ay itinatag ni Sir David Duncan noong taong 1932. Itinayo niya ito base sa isang hunting lodge ng Scotland. Nagsimula itong tumanggap ng mga bisita mula noong taong 1984 and what makes it quite unusual is the giraffes. Pagkaraang mawalan ang kanilang habitat, inilipat ng mga Rothschild giraffes na namumuhay doon sa yard ng hotel na ito. At kung titira sa gusaling ito, puwede ninyong pakainin ang mga giraffe sa bintana.

At kung ikaw ay isang dog lover, tiyak na magugustuhan ninyo ang The Dog Bark Park Inn sa Cottonwood, Idaho. Bilang ika-9 na pinakaweirdo at pinaka-unique na hotel na inihalal ng isang travel magazine, ito ang idinisenyo at ini-hugis sa isang beagle, at kung papasok sa loob, puwede ninyong makita ang lahat ng fixtures at decorations na may kinalaman sa aso. At one thing na dapat banggitin dito, ang pinakaweirdong bahagi ng hotel na ito ay ang pasukan nito ay iyong anus ng dog-shaped na bahay.

Kumpara sa nasabing dog shaped na hotel, nananalig ako, hindi cute at comfortable ang susunod na hotel para sa nakararaming tao. That is…ang Karostas Cietums Hotel sa Liepaja, Latvia. Ang Karostas Cietums ay isang bilangguan ng dating Soviet Union at hindi binago pagkaraang ihinto ang paggamit bilang bilangguan. Kung titira rito, kayo ay poposasan at ipapadala sa inyong hotel room o inyong selda. Ang lahat ng inyong mga gamit ay pansamantalang sasamsamin at ang ibibigay ng doorman sa inyo ay dried bread and tasteless na water. Bukod dito, kailangang matulog kayo sa itaas ng baka o punong kahoy na tulugan. Binubuksan ang hotel tuwing unang araw ng hanggang Oktubre Una bawat taon. At sabi ng ilang bisita na ang hotel na ito ay pinagmumultuhan at puwedeng marinig ang ingay sa silid at nakita ang ghost ng dating nabilanggo.

Pagkaraang mag-check out mula sa Karostas Cietums, tingan natin ang dalawang hotel o more exactly, obra ng modern art. Kung gusto ninyo malaman ang pakiramdam ng pagpapanatili sa isang can of soda. Puwedeng pumunta kayo sa The Drain Pipe Hotel sa Australya, tulad ng pangalan nito, ang lahat ng silid sa hotel na ito ay made out of drain pipes. At ipinangako ng may-ari ng hotel na hindi matatangay ng hangin ang silid ninyo kung may hurricane, dahil sobrang bigat ito! At kung ikaw ay big fan ng mga Vampire Series, dapat subukin ninyo ang The Propeller Island City Lodge sa Berlin, Germany. Iba iba ang theme ng bawat silid sa hotel na ito. Halimbawa, isa sa mga kuwarto ay nakatiwarik kaya lahat ng furniture ay nasa kisame.

Kung tatanungin kayo, ano ang puwede ninyong nagawa sa isang hindi na puwedeng lumipad na airplane, baka ang isagot ninyo ay puwedeng sirain at i-recycle, muling pagandahin at ilagay sa museo o iba pa. Pero, sa isang lugar na hindi sa international airport ng Sweden, kung magbayad ng 350 Sweden Koruna o mga 40 US Dollars, puwede kayong tumira kayo sa isang may 25 kuwartong hotel na gawa sa isang abandonadong jumbo jet. Bagama't kailangang ibahagi ang restroom sa iba pang 70 roommates, ma-e-enjoy naman ninyo ang room service ng mga waiter na nakasuot ng kasuotan ng stewardess at pilot at para sa mga bagong bride at groom, puwedeng gawin ang katangi-tanging wedding ceremony sa pakpak ng eroplano at tumira sa maluhong suite na inilagay sa cockpit. Medyong nagsisisi ako na bakit hindi ninyo narinig ang balitang ito nang mas maaga, meron sana kayong bagong honey moon destination.

Tiyak na love na love ninyo ang pagpunta sa beach. Pero, kung punong-puno ng basura ang beach, magustuhan pa bakya ninyo? Noong taong 2010, sa kalunsuran ng Madrid, Espanya, binuksan ang isang hotel na nakatawag ng malaking pansin mula sa mga mamamayan, kasi, ang nasabing hotel na pinangalanang Save Beach ay pawing yari sa mga basurang nakolekta mga beach sa Europa. Puwedeng makita ninyo ang sadiscarded musical instruments, plastic bottles, tire, aklat at even, isang binti ng manikin. Sa pamamagitan ng hotel na ito, gustong ipaalala ng nagdisenyo na, habang kinasisiyahan ang excitement na kaloob na kaliksan, dapat ding pangalagaan ang ating planetang mundo. At Kung ikaw ay isang Car enthusiast, kahit, walang bread na pambili ng isang carl-benze o Cadillac, tiyak naming kawiwilihan mo ang pananatili sa V8 Hotel sa Stuttgart, Germany. Nakolekta ng may-ari nito ang halos lahat ng bagay na may kinalaman sa motor, habang natutulog ka sa tulungan na gawa sa pulang Cadillac, puwedeng pagmasdan ang asul na langit o maglaro ng forceps, spanners at iba pang kagamitan sa kuwarto. Bagama't mangangailangan ng mahigit 100 USD bawat araw, natitiyak kong magugustuhan ninyong mag-stay.

Nakapunta na ba kayo sa Zero Degree Manila Ice Bar? Actually, noong unang malaman kong binuksan ang isang bar na nagtatampok ng yelo sa mainit na Antipolo, ipinalagay kong "wow, it is so cool" at inilakip ko ito sa mga lugar na dapat bisitahin kung pupunta ako sa Philippines- hanggang sa malaman ko mula sa maraming kaibigan na ito ay horrible, maliit ang saklaw, masama ang serbisyo, tasteless ang mga pagkain at hindi worth your money. Pero, pangako ko, The Hotel de Glace sa Kanada will not disappointed you, hindi tulad ng zero degree na pinapanatili ang low tempature sa tulong ng dry ice, ang Hotel de Glace ay yari sa totoong thick layers of ice. Ang mga kuwarto ay nananatiling below zero at kailangang matulog kayo sa tulugang gawa sa yelo, at ang tanging pinakamainit na lugar sa kuwarto ay ang bathroom. Pero, puwede ninyo itong subukin mula unang linggo ng Enero hanggang last week ng Marso o winter season ng Kanada.

Long long time ago, mayroon isang castle at naninirahan doon ang isang powerful witch. Ginawa niyang batong istatuwa ang mga nagdarang babae…. Ang salitang "Hang Nga" ay nangangahulugang crazy house sa linguaheng Biyetnames. At ang Hang Nga hotel na itinayo sa mountain town of Da Lat Biyetnam ay itinuturing na isa sa mga pinakaweirdo na akitektura sa Biyetnam. Malaking ugat ng punong kahoy, spider net at mushroom na made of cement at cubbyholes at rooms na pinag-uugnay ng tulay na parang isang mazes. Ang hotel na ito ay idinisenyo ni Mrs Nga, anak ng dating Pangulong Biyetnames na si Truong Chinh. Nagugustuhan daw niya ang damit ng noong 1960s at pagsusunog ng incense at ang kanyang buhay ay parang isang mysterious na witch, kung masuwerte ka, puwedeng siyang makita sa ticket box.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>