![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ang Kayabukiya Tavern-isang tradisyonal na liquor room na matatagpuan sa Lunsod ng Utsunomiya sa gawaing hilaga ng Tokyo. May dalawang espesyal macaque monkey waiters na naglilinkod doon. Ang isa ay iyong 12-taong-gulang na yat chan na namamahala sa paghahatid ng inumin at ang isa naman ay iyong nakababatang macaque na tinatawag na fuku chan ay siya namang namamahala sa pagbigay ng hot towel sa customers bago umorder ang mga ito. Tumatanggap naman ang dalawang macaque ng pinakuluang soya mula sa customers bilang tips.
Müvbox Fast Food Shipping Container Restaurant- Sa isang panulukan ng old port ng Montreal, Canada may isang restaurant na puwedeng mag-transform. Nababago ang porma nito sa pamamagitan lamang ng pagdiin sa buton. Puwedeng umurong ang lahat ng shadings, floorings, windows at cooking area sa loob lamang ng 1.5 minuto. Puwede nitong ma-accomodate ang 28 panauhin at nagbebenta ito ng sariwang pagkaing lokal tulad ng Brome Lake duck, Bilboquet ice cream.
Cardboard Restaurant – Kung hindi pa kayo nakakapunta sa Lunsod ng Taichung sa Taiwan, siguradong hindi pa ninyo nakikita ang predominantly cardboard resto na Carton King Restaurant. Liban sa pagkain, mga weyter at ilang kutsilyo, ang lahat ng bagay dito ay yari sa cardboard at papel. Mauupo ka sa cardboard chairs, iinom ng drinks mula sa carboard cans at kakain ng pagkain na nakalagay sa cardboard bowl nakapatong naman sa isang cardboard table. Pero, ayon sa ilang customers, lasang cardboard din ang mga pagkain at medyo mahal. SOLO PER DUE o just for two. Siguro ito na ang pinakamaliit na restaurant sa buong daigdig. Mayroon lamang itong isang mesa at para sa dalawang tao lamang. Hindi kailangang hintayin ang weyter. Lagi siyang naghihintay. Tatawagin lang ninyo siya sa pamamagitan ng pagpapatunog sa kampanilya. Nagsisilbi sila ng Italian food at nagkakaloob ng serbisyo na tulad ng fireworks display at magin serbisyo ng tsuper. Kung nakahanda kayong magbayad ng 250 Euro bawat tao, ito ay isang ideal na lugar kung kayo ay magpo-propose, di ba?
Ali Barbour - Ano ang pakiramdam ng pagda-dine sa isang kuweba na may 1-milyong-taong kasaysayan kung saan may stalactites na nakabitin sa itaas at napapalibutan ng pader na punong-puno ng fossil shells? Parang kawili-wili, di ba? Puwedeng subukin ang mga ito sa Ali Barbours Cave Restarant sa Diani Beach, South Mombasa. In particular, walang kisame ang dalawa sa mga kuweba kaya puwedeng pagmasdan ang kumukutikutitap na butuin ng Aprika. Bagay na bagay ito sa mga mamamayang Tsino sa panahon ng Mooncake Festival.
The Broker Restaurant - Binuksan sa dating gusali ng Denver National Bank, kumakain ang mga customer sa mesang ginamit ng bank customers para suriin ang kanilang safety deposite box. At puwedeng bumaba nang 35 feet sa ilalim at pumasok sa dating cash vault at pumili ng isang magandang appetizer sa wine cellar doon. A la Carte Restaurant-sa inyong isip, ang airline food ay iyong matatabang na pagkain na isinisilbi sa maliliit na plastic tray; pero, iginagarantiya ko, ibang-iba ang pagkaing matitikman ninyo sa A la Carte Restaurant na nasa isang converted na Douglas DC6 aircraft sa Coventry airport ng UK. Bukod sa masarap pero napakamurang pagkain, puwedeng bisitahin ang cockpit at puwedeng tawagin ang weyter sa pamamagitan ng pagdiin sa buton na tulad ng ginagawa sa eroplano.
Hindi na bagong balita ang pagsusuot ng safety belt bago kumain sa eyre sa taas na 50 metro sa Brussels; pero, noong taong 2012, sa bayang Lohjia, Finland, binuksan ang isang restaurant sa isang mine shaft na 380 metro ang lalim. Bagama't dapat magbayad ng $160 para sa isang four-course set meal, kailangang maghintay ng isang buwan para sa isang hapunan. Ayon sa chef napakagandang magtrabaho ditto. Puwedeng magluto nang walang abala.
The Salt & Sill Restaurant & Hotel Sweden-ito ay isang gabara na may 23 kuwardor, Ito ay isa ring de-kalidad na seafood restaurant na nagkakaloob ng sariwang pagkaing lokal. Mayroon kanilang sariling outdoor seating area ang lahat ng 23 kuwardor. At may isang pribadong jaczzi sa palupuhan. By the way, tumatakbo ang bapor sa isang lawa at walang iba pang residente sa mga rehiyong nasa paligid.
Last but not least, punta tayo sa No 1 espesyal na restaurant sa ating listahan—ang Waterfall Restaurant sa Villa Escudero, Quzon province. Doon, habang nag-e-enjoy kayo ng popular na pagkaing Pilipino sa paanan ng isang maliit na waterfall, umaagos ang tubig sa ibabaw ng inyong mga paa at ini-enkorahe kayo na hugasan ang iyong mga sapatos at lumapit sa waterfall hangga't maaari.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |