Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-44 2013

(GMT+08:00) 2013-11-25 18:30:14       CRI

Sa pakikipagtulungan ng Liwayway Marketing Corporation China, idinaos ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) ang isang charity bazaar para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Samar, Leyte, Cebu, at Bohol. Sa dalawang araw na baratilyo, lumampas sa 10 libo RMB ang kabuuang kita ng aktibidad na ito. kung dagdagan ang pera nakolekta natin sa aktibidad ng dictionary for chairty, mayroon tayo halos 15 libong RMB at ang lahat ng nakalap na pera sa nasabing dalawang aktibidad ay iaabuloy sa Gawad Kalinga sa Pilipinas para suportahan ang mapagkawanggawang aktibidad nito para sa mga biktima ni Yolanda sa Samar at Leyte. Maraming salamat sa mga kaibigang pinoy dito sa Beijing at mga katrabaho natin dito sa CRI. Muli, Sana mapagtagumpayan ng mga kaibigang Pilipino ang kanilang pinagdadaanan, at muling maitayo ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon.

1. Lugar na pinakamatanda: nitong ilang tanong nakalipas, magkakasunod na nakita ng mga siyentista ang mga sinaunang bato sa Greenland, South Africa at Australya; pero, ang Nuvvuagittuq na nakita sa Quebec, Canada ay walang duda na pinakamatandang kapatid ng lahat ng mga ito. Isinilang ang Nuvvuagittuq nitong 42 libong taong nakalipas, panahon ng Hadean,panahong kasisilang lang ng mundo at madalas ang pag-ulan ng mga kometa.

2. Lugar na may pinakamaraming ulan: Baka isipin niyo na ang lugar na may pinakamaraming ulan ay jungle. Tama kayo. Ang probinsyang Chocó sa Columbia nasa paligid ng Panama Canal ang tinaguriang pinakamaalinsangang lugar sa buong daigdig. Ayon sa estadistika, noong 1974, umbot sa 26,303 milimetro o 26.303 metro ang kabuuang bolyum ng ulan sa Chocó at lumampas naman sa 11.77 metro bawat taon ang karaniwang ulan doon.

3. Lugar na may pinakamaraming pagbuhos ng niyebe-- Sa nakararaming panahon, ang madalas na pagbuhos ng niyebe ay nangyayari sa mga bundok. Ang maalinsangang hangin ay nagiging niyebe kapag umakyat ng budok. At ayon sa record, ang Cascade Mountains sa hilagang kanlurang Estados Unidos ay lugar na may pinakamaraming pagbuhos ng niyebe. Noong taglamig sa taong 1971, umabot sa 95 inches o halos 29 metro ang kabuuang bolyum ng snowfall doon.

4. Lugar na pinakatuyo - Sa Atacama Desert ng Chile, kung tag-ulan, kaunti lang ang ulan, at may panahon pa ngang walang ulan. Minsan, mula Oktubre ng taong 1903 hanggang Enero ng taong 1918, hindi umulan sa loob ng mahigit 14 na taon sa lugar na ito na naging rekord sa kasaysayan. At dahil kulang na kulang sa tubig, ang tanawin sa Atacama ay parang litrato ng Mars.

5, Lugar na pinakamalakas ang hangin - Noong 1912, nagtayo ang explorer na si Douglas Mawson ng isang base sa Cape Denison ng Federation Gulf sa Antarctica. Ayon sa pagtaya, masuwerteng masuwerte siya dahil naranasan niya ang paglitaw ng araw dahil kung hindi, hindi niya maitatayo ang base dahil ayon sa mga may kinalamang pagsusuri, nananatiling malakas ang hangin sa Federation Gulf araw at gabi at umaabot ito sa 240 kilometro bawat oras. Para sa mga hayop at halaman doon, araw-araw ay dinadalaw sila ng super typhoon.

6. Lugar na pinakapatag- pagkaraang matuyo ang ilang prehistoric lakes, nag-iwan ang mga ito ng dangkal-dangkal na kapal ng asin at nagmistula itong iniwan ng mga ito ang ilang inches kapal na salt at naging isang kapatagan ng asin na umabot sa 10,582 kilometro kubiko -iyan ang lawa ng Salar de Uyuni sa katimugan ng Polivia. Mayroon ito ng 70% na yaman ng lithium sa buong daigdig at hindi puwedeng mabuhay dito ang mga halaman at hayop at ito ay itinuring na pinakapatag na lugar.

7. Lugar na may pinakamalalim na kuweba-ang kuweba ng Voronya sa Abkhazia ng Grogia ay tinaguriang pinakamalalim na kuweba sa buong daigdig. Actually, mula noong unang matuklasan ang kuwebang ito hanggang ngayon, walang tao na nakaabot sa pusod nito. Noong taong 2004, noong makaabot sa 2000 metro ng kuweba ang isang exploration group ng Ukraine, nalikha ng Voronya ang bagong world record bilang pinakamalalim na kuweba. At baka magbabago ang estadistikang ito kasunod ng ibayo pang paggalugad sa lugar na ito.

8, Pinakamalayong lupa- Ang South Pole ang ipinalalagay na pinakamalayong lupa na hindi puwedeng marating ng sangkatauhan. Noong taong 1958, sinubok minsan ng Soviet Union na magtayo ng isang base sa South Pole pero agarang itinigil din nila ito dahil sa sobrang masamang kalagayang pangkalikasan doon. Pero, bago umalis, itinayo niya ang isang golden statue ni Lenin. Actually, ito ay plastic para lang ipakitang nakadalaw sila minsan sa ganoon kalayong lugar. Nakaharap sa direksyon ng Moscow ang statue ni Lenin at nag-iwan pa sila ng isang registration book para sa iba pang bisita pagkaraan.

9, Pinakamalayong isla - Ang pinakamalayong isla sa lupa na pinaninirahan ng sangkatauhan ay ang Tristan da Cunha ng Britanya. Mga 2800 kilometro ang layo nito sa pinakamalapit na lupa- Cape of Good Hope ng Timog Aprika. Naninirahan doon ang 270 residente at bawat taon, iisang mail liner lamang ang bumibisita sa isla. Nabubuhay ang mga residente sa pangingisda at pagbebenta ng stamp. At bawat taon, isang eye doctor at isang dentist ang ipinapadala sa isla mula sa England.

10, lugar na may pinakamaraming kidlat – Sa katotohanan, pinakaaktibo ang kidlat sa mga rehiyong nasa paligid ng equator na kinabibilangan ng kontinente ng Aprika, ng Timog Amerika at ng Indonesiya. Kabilang dito, ang Tampa Bay sa Rwanda ay lugar na may pinakamaraming kidlat na puwedeng irekord ang 50 milyon hanggang 70 milyong kidlat bawat taon o 80 kidlat bawat kilometro kubiko.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>