Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-47 2013

(GMT+08:00) 2014-02-10 19:30:30       CRI
Papalapit na talaga ang Pasko. Naaamoy ito sa bawat ihip ng hanging amihan. Nakikita ito sa matitimyas na ngiti at nararamdaman sa pagkutitap ng mga makukulay na ilaw ng Christmas tree at mga parol.

Habang ipagdiriwang ninyo ang inyong pinakamasayang panahon ng taon, huwag ninyong kalilimutang mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Serbisyo Filipino na "Sing for Love and Sing for Hope: Pinoy X'mas Song Singing Contest". Sumali na ba kayo? Kung hindi pa, sali na. It is never too late…

Ngayong gabi, pumili ako ng ilang napaka-exciting na song entries mula sa mga kaibigang Pinoy. Habang kinasisiyahan ang kanilang mga awitin, please feel free na iboto ang pinakanagugustuhan ninyong mang-aawit o grupo ng mga mang-aawit. Paanong bumoto? Iklik lamang ang "like" button sa espesyal na voting page ng music contest sa filipino.cri.cn o mag-text sa 09212572397.

Alam ba ninyo na napakahalaga ng inyong boto sa kanila? Ang inyong boto ang magpapasiya kung mapapasakanila ang 5000 rmb na gantimpala para sa magwawagi.

Para sa mga tagapakinig na hindi pa sumasali sa aming Christmas and New Year activity, come on-- Sissy is here waiting for you pati na iyong mga aginaldo.

Ang unang talent na aakyat sa ating stage para sa gabing ito ay walang iba kundi ang napakagandang si Rowena Nuyda o Weng, isang tubong-Bicol, propesyonal na guro at mang-aawit. Ang pamagat ng kanta niya ay "Merry Christmas Darling, Darling."

Very touching ang boses ni Weng, di ba? Kung nagustuhan ninyo ang kanyang pagkanta, huwag kalimutang ipakita ang inyong pagkatig sa kanya sa pamamagitan ng pagkiklik ng "like" button sa espesyal na pahina ng pagboto sa ating singing contest sa filipino.cri.cn o mag-text sa 09212572397.

Tapos, allow me to scream for a while, kasi ang susunod na band ay may napakaguwapong vocalist. Iyan ang kilalang- kilalang the Hurricand band. Ang isa sa lead singers na si Joel ay naging kasamahan ko sa pagpapraktis ng martial arts. Ang naririnig ninyo ay ang kantang …Please Come Home for Christmas.

Tuwing Linggo ng gabi, napapakinggan natin ang entertainment news na hatid ni super DJ Happy. Alam ba ninyo na hindi lang siya magaling maghatid ng entertainment news kungi magaling ding mag-entertain himself? Siya ay mahusay ding kumanta at may angking gentle and magnetic voice. Ang naririnig ninyo ay tinig ni Super DJ Happy sa awiting "Pasko Na, Sinta Ko."

Si Lily Pilar, na dati ay tinaguriang "queen of jazz" ng Beijing ay nagpapatakbo ngayon ng sariling negosyo sa kanilang lugar sa Paranaque.

Last but not least, I am honored to present Max Coquia at ang kanyang kantang "Hang on the Mistletoe" …Si Max Coquia ay isang training coach sa isang kilalang call center sa Makati City. ….

Welkam na ipakita ang inyong pagkatig sa kanilang sa pamamagitan ng pagkilik ng like buton sa epsyal na pahina ng pagboto ng ating singing contest sa filipino.cri.cn o pagtek sa 09212572397. Actually, mas maganda, kung puwedeng sumali kayong mism sa pamamagitan ng pag-upload ng inyong audio o video ng pagkanta sa Youtube/Youku(for mainland China)/ Dropbox tapos, forward us the link at email: filipino_section@yahoo.com o facebook account: CRI Filipino Service. Ok, diyan ang nagtatapos ng aming progrema para sa gabing ito, huwag kalimutang bumuto o sumali, hinihintay ko kayo ha, magandang gabi.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>