Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-26 2014

(GMT+08:00) 2014-09-15 18:25:44       CRI
Bawat taon, inaanyayahan ng Teen Choice Award ang mga kabataan mula 13 hanggang 19 taong gulang na bumuto para sa kanilang paboritong artists sa musika at screen. At noong ika-11 ng Agosto, ipinakilala ang ilang bagong winners ngTeen Choice Award para sa taong 2014,kilalanin natin sila pagkaraang mapakinggan natin ang kantang "Ain't It Fun" ng bandang Paramore.

Noong ika-11 ngAgosto, ipininid ang ika-15 awarding ceremony ng Teen Choice Awards ng Amerika sa Los Angles. Bilang awards ng mga kabataan, siyempre, puno-puno ng creativity at enegetic elements ang awarding ceremony,halimbawa, ang trophy, ay hindi tulad ng ibang awards na may isang maliit na cup, kundi isang 182 cm  na taas na surfboard. Mayroon isang itinagong punksyon ang surfboard, para sa mga artista, lalong lalo sa mga lalaking artista na maling inulat ang kanilang taas, ito ay naging isang Height measuring instrument, kapag tumabi sila sa surfboard, madidiskubre ang tunay na height nila.

Para sa Teen Choice Award, mayroon isa pang pangyayari dapat malaman ninyo.Sa 15 taong kasaysayan ng awards naito, mayroon isang artist na nakatamo ng pinakamaraming surfboards … siya ay walang iba kundi si Justin Timberlake na may hawak na 22 awards. At sapul nang itatag ang Ultimate Choice award, pinakaimportanteng award ng TCA, si Britney Spears ay 15 beses nang nakatanggap ng award na ito. Coincidence ba or not na sina Justin Timberlake at Britney Spears ay dating sweet na boyfriend at girlfriend noong kabataan nila.

Muli, here comes One Direction, halos sa lahat ng awarding giving body ay laging may award na inuuwi ang groupo. Bagama't abalang-abala sa kanilang tour at hindi puwedeng dumalo sa awarding ceremony, natanggap na nila ang Choice Music Group, Choice Summer Tour, Choice Fanatic Fans at iba pang limang awards.Napag-alamang, mayroon silang super loyal fans na inaanalisa ang nagdaang rekord sa stage ng Teen Choice Award, kung ininominate ang One Direksyon, makakakuha sila ng awards at umabot sa 100% ang accuracy rate ng sikat na boy band from Britain.

Bukod sa One Direction, sa stage ng TCA, mayroon pang super star na hindi dapat ma-miss, iyan ang dating child star ng Disney Channel na si Selena Gomez. Bagama't hindi tulad ng One Direction na may 100% winning rate, siya ang winner ng pinakaimportanteng prize-Ultimate Choice award ng TCA. Opisyal na pumasok sa industriya ng musika nang mahigit 5 taon, bawat beses, siya ang kabaliktaran ng kanyang girlfriend na si Tylor Swift. This time, natanggap ang pagkilala ng mga music fans na naging paborito nilang idol si Selena Gomez tulad ni Britney Spears.

Bagamat Child star din ng Disney Channel tulad ni Selena Gomez, hindi naman kasing swerte si Demi Lavato sa Teen Choice Awards. Bukod sa Choice Summer Music Star at best summer song, dalawang maliit na prize, walang ibang sorpresa para kay Demi. Alam ba ninyo mula noong taong 2009, bawat taon, tinatanggap ni Demi ang di-kukulangin sa 4 na minor na awards. Mukhang kailangan pa ang ibayong pagsisikap ni Demi sa susunod na awards season.

Sumikat ang ilang artista dahil sa magandang palataporma at mayroong ilan pang artista na sumikat dahil sa walang humpay na pagsisikap. Kung insteresado kayo sa industriya ng musika ng Amerika at Europa, siguradong pamilyar kayo kayAlianna Grande, isang female artist na may hairstyle ng prinsesa, big eyes at matamis na ngiti. Magandang appearance, at may boses na pambirit. Bago lumabas ang album, ang kanyang single na"problem" ay naging winner sa iba't ibang music chart sa maraming bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>