Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-27 2014

(GMT+08:00) 2014-10-17 10:43:31       CRI

Bilang isang awtoridad at pinakasikat na music chart sa buong daigdig, tiyak na pamilyar na pamilyar ang lahat ng music fans sa Billboard music charts na ipinalalabas ng Billboard Magazine. Dahil ang benta o record sales at pag-download ng isang album ay pangunahing elemento sa pagpapasiya ng puwesto, ibig sabihin, kung maging winner sa chart na ito, tiyak na malaki ang sales isang album at ay tinatangkilik rin ito sa Internet. Ang naririnig ninyo ay ang kantang You Are So Perfect na mula sa 5 Seconds of Summer, bandang galing sa Australya. Ang kanilang album ay bagong winner ng Billboard Best selling album at ang music video nila sa YouTube ay nakatawag ng mahigit 15 milyong clicks.

Masuwerte ang banda dahil sa kabilang ng pagiging new comers sa music industry nakuha na nila agad Billboard award. Kumpara sa ibang mga singers na naghihintay ng mahigit ilampung taon para magtagumpay sa industriya.

Mula noong 1970s si Tom Petty at ang kanyang bandang Heartbreakers ay nananatiling isa sa mga pinaka established rock & roll group sa Amerika. Noong 2002, napasama sila sa Hall of Fame. At noong taong 2005, ang lead vocalist na si Tom Petty ay nagtamo ng pinakamataas na ibinigay ng Billboard sa isang artist, walang iba kundi ang Billboard Century Award.

Isa pang sikat na singer ang nakakuha ng Billboard Century Award matapos ang 54 taong paghihintay.

Kamakailan, napaka popular ng kantang Anything Goes na collaboration ni Tony Bennet at Lady Gaga. Pero, higit kalahating siglo ang hinintay ng living legend bago siya kinilala ng Billboard. 2011, 85 taong gulang na si Bennet, sa tulong ng kanyang album na Duets II, nagtamo siya ng Billboard Century Award.

Si David Bowie ay isang music icon ng Britanya. Siya, kasama ng Beatles at Queen ay tinaguriang pinakaimportanteng musician sa ika-21 siglo. Pero, walang pa siyang nakukuhang Billboard recognition sa buong buhay niya. Ang pinakamagandang performance ng kanyang album sa Billboard ay ika-3 puwesto. Bagama't hindi ito kailangan para patunayan ang kasikatan at impluwensiya niya sa musika, ito ay isang bagay na ikinalulungkot niya.

Kung babanggitin ang regrets, baka maging embrassing ang kalagayan ni Sheryl Crow. Kasi hanggang second place lang siya sa Billboard. Bilang isa sa mga pinakapopular na babaeng rock singer, pinaghalo niya ang lahat ng magkakaibang istilo ng musika sa tradisyonal na rock & roll ng Amerika at naitatag ang kanyang nagtatanging istilo. Hanggang sa kasalukuyan, naglabas na siya ng walong album na umabot na sa 50 milyong kopya ang sales. Sa edad na 52 anyos, hindi pa matiyak kung kaya niyang abuting ang elusive number one spot ng Billboard charts.

 

Samantala, ang great singer na nagsisisi dahil hindi siya naging Billboard hit ay walang iba kundi si Bob Marley. Siya ang tinatawag na Father of Reggae, musika na galing sa Jamaica. Sa maikling 36 na taon na kanyang buhay, kinilala siya ng Grammy Awards pero, iisang album lang niya ang pumasok sa Top 10 Billboard Chart. At pagkaraang sumakabilang buhay, ang "Legend of Bob Marly" ay naging best selling album sa Reggae genre hanggang sa kasalukuyan.

Ok, pagkaraang mapakinggan ang mga kantang kaloob ng mga kilalang singer na hindi nakakuha ng pagkilala sa Billboard Chart, congrats kay Taylor Swift, ang kanyang bagong kantang Shake It Off naipinalabas noong ika-18 ng Agosto ay mabilis na umakyat sa Billboard Charts at kinilala bilang No.1 Single . Ito ay isang milestone para kay Tylor, kasi ito ang unang hakbang mula nang magbago siya ng istilo mula sa pagiging isang folk singer at naging isang pop singer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>