Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-21 2015

(GMT+08:00) 2015-06-26 20:03:59       CRI

Noong unang araw ng Hunyo, sa kanyang ika-30 birthday party at sa harap ng mga kapamilya at kaibigan, nag-propose si Nick Young, Shooting Guard at Forward ng L.A. Lakers kay Iggy Azalea, kasalukuyang pinakapopular na female rapper sa ng Amerika. Ang buong proseso ay inirekord at ibinahagi sa social media. Tapos, ipinakita naman ni Iggy ang kanyang 10 carat na engagement ring sa Instagram na nakatawag ng maraming pagbati mula sa mga fans.

Nakilala sina Iggy at Nick sa Twitter at noong panahong iyon, ini-post ni Nick ang isang litrato ni Iggy at initag na" Women Crush Wednesday. Bago maging girlfriend ni Nick, sikat na si Iggy, pero, dahil sa malaking impluwensiya ni Nick Young, natanggap ang malaking pansin ni Iggy mula sa mga basketball fans at ang taong 2014 ay totally naging year of Iggy, magkakasunod na ipinalabas ang ilang hottest hits at nakipagcollaborate sa maraming big names.

Actually, bukod kina Iggy at Nick, sa sirkulo ng entertainment, may napamakatagumpay na couple na binubuo ng singer at sports star. Kabilang dito, ang pinakasikat at pinakamagandang couple na walang iba kundi sina David Beckham at Victoria Beckham. Pagkaraang ikasal sila, naging ibayo pang famous silang dalawa, bagama't lumisan ng kanyang group na -Spice Girls, naging designer, businessman at nanay ng limang bata si Victoria at nagretiro mula sa football field si David Beckham at naging fashion icon, ambassador ng UN, VJ at pribadong babysitter ng kanyang cute na cute na baby girl na si Harper Seven.

Isang perfect couple naman sina Shakira at kanyang asawa na si Gerard Piqué Bernabéu, pagkaraang mag-fall-in-love silang dalawa noong taong 2010, natamo ni Pique ang 8 kampeonado. At sinabi minsan ni Pique na si Shakira ang buong buhay niya. Samantala, dahil sa relasyon nila ni Pique, si Shakira ay naging napakapopular sa mga football fans, lalong lalo na pagkaraang umawit siya ng theme song na "Wakawaka" ng 2010 World Cup South Africa. Sa kasalukuyan, mayroon silang dalawang anak at ayon sa kaugalian ng pamilya ni Pique, inirehistro na sila bilang miyembro ng Barcelona football Club.

Pagkaraang itsismis ko ang mga western perfect couples, punta naman tayo sa Timog Korea at tingnan ang kasalukuyang pinakamainit na school love story na School 2015: Who Are You. Noong Martes, natapos na ang sikat na KBS TV drama series na "Who Are You" . Pumunta sa bansang dayuhan ang elder sister at bumalik ang magandang pangangatawan ang leading male actor at naging champeon. Samantala ang little sister naman ay naging bahagi ng isang pamilya at nagpatuloy sa pag-aaral.

Pero, ang karanasan ng the second lead na ginampanan ni Ook Sung-Jae ay nakatawag ng malawakang pakikiramay, actually, ang drama na ito ay ini-ere at ini-shot nang sabay sabay at dahil sa malaking popularidad ng the artistang ito , binago na ng writer ang plot nang ilang beses at dinagdagan ang relevance ng kanyang role.

Sa Timog Korea, ang TV drama na may kinalaman sa buhay eskwela ay pinakamagandang plataporma para sa mga batang star, halos lahat ng super star na kilala natin sa kasalukuyang sirkulong entertaimnet ay gumanap minsan sa school series. Halimbawa, noong "School 2013", nakita natin sina Lee Jongsuk at Kim Woo Bin, sina Kim Soo Hyun at Lee MinHo ay gumanap sa mga school TV series. Kaya, walang sorpresa, nakatanggap ng mainit na suporta si Ook Sung-Jae na kagagraduate sa university noong isang taon dahil sa kanyang magaling na pagpapakita sa School 2015.

Sumikat si Ook Sung-Jae hindi lamang dahil sa kanyang pagperform sa TV drama, kundi sa isa pang artistic pursuit niya - siya ay miyembro ng K-Pop Group na BTOB. Noong taong 2012, pormal na pumasok sa sirkulong musikal ng Timog Korea at agarang isinapubliko ang dalawang mini album sa loob ng isang taon at natamo ang Next Generation Award sa 2013 Golden Disc Music awards ng Timog Korea. Ayon sa pinakahuling balita, lalahok pa siya sa TV show na "We Got Married" kasama ni Joy galing sa isa pang bagong girl' group na Red Velvet. Hanggang dito, abangan natin ang ang isang rising super star, di ba?

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-20 2015 2015-06-19 22:59:12
v Pop China Ika-19 2015 2015-06-05 19:12:38
v Pop China Ika-18 2015 2015-05-29 18:59:58
v Pop China Ika-17 2015 2015-05-23 16:42:53
v Pop china ika-16 2015 2015-05-15 17:08:42
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>