Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-5 2016

(GMT+08:00) 2016-02-19 18:25:33       CRI

Isang araw na lang at sasalubungin na ng lahat ng mamamayang Tsino sa loob at labas na bansa ang Chinese Lunar New Year o Spring Festival. Sa ngalan ng lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino ng China Radio International binabati ko kayo - gong xi fa cai at Happy Year of Monkey. Mula sa gabing ito, magkakasunod na babalik-tanawin natin ang mga pinakapopular na original Chinese Pop Music sa taong 2015. At sana, ang mga melody na masarap pakinggan ay puwedeng magbunga ng magandang enjoyment sa inyo.

Ang pinakapopular na original Chinese Pop Music sa Enero ng taong 2015 ay kantang "My Sunshine" na ibinibigay ng singer, actor na si Wallace Chung. Ito din ang OST ng TV series na may katulad na title "My Sunshine". isinalaysay nito ang love story ng isang pares na lover na nagkahiwalay nang sampung taon dahil sa misunderstanding. Abangan nyo po baka sa 2016 ay pwedeng ipalabas ito sa Philippines. Nauna rito, sa Timog Korea, natanggap nito ang mataas na viewwership ratings.

Ang Pebrero ang pinakamasayang panahon ng mga mamamayang Tsino dahil sa mahabang bakasyon at pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year o Spring Festival. Sa evening gala noong 2015 na inihandog ng pinakamalaking TV station ng mainland Tsina na China Central Television, naging popular ang kantang "When You Are Old", isang kantang hango ang lyrics sa kilalang poem ni William Butler Yeats na "When You Are Old", beautiful words, beautiful melody, madaling nakarelate dito ang mga listener.

Kung tatanungin kung sino ang kasalukuyang pinakapopular na idol sa Tsina, iyan ay walang iba kundi ang grupong TFBoys na binubuo ng tatlong lalaki na 16 taong gulang lamang. Noong ika-21 ng Setyembre ng taong 2014, sa bisperas ng kanyang ika 15 kaarawan, ipinalabas ni Karry Wang, lider ng boy group na Tsino na TFBoys, ang isang mensahe sa kanyang social media page. Hanggang alas-12 ng madaling araw ng ika-19 ng Hunyo ng taong 2015, umabot sa mahigit 42 milyon ang bilang ng mga repost ng mensaheng ito na naging mesaheng may pinakamaraming repost.

Ang naririnig ninyo ang kantang "Left Ear", soundtrack ng pelikulang na may katulad na pamagat "Left Ear". Parang sapul nang magkakasunod na pumasok sa kanilang 30 taong gulang, naging popular na popular ang pelikula at TV drama na nagpakita ng pamumuhay ng mga kabataang isinilang noong 1980s. Puppy love, magandang babae, guwapong lalaki, pagsariwa sa school life, ang lahat ng mga ito ay garantiya ng tagumpay sa box office ng isang pelikula. Umabot sa halos 100 milyong dolyares ang box office ng Left Ear na naging dark horse sa unang kalahating tao ng 2015.

Ang ika-8 ng Mayo ng taong 2015 ay ika-20 anibersaryo ng pagyao ni Teresa Teng, nitong 20 taong nakalipas, inanyayahan ni Teresa ang kilalang songwriter na lumikha ng kantang "Qingpingdiao" para sa kanya, pero, hindi natapos ang pagrerekord nito, yumao siya. At noong Mayo, para ipahayag ang paggalang at paggunita sa kanyang mentor sa musical life na si Teresa, pinili ni Faye Wang ang ilang classic hits ni Teresa at inilabas ang isang cover version. Isang kanta ang nagtampok sa digital collaboration nina Teresa at Faye Wang na bumasag sa barriers ng time and space.

Noong 2014, biglang naging popular na popular ang kantang Little Apple sa buong Tsina at buong Asya, at natanggap ng singer nito-grupong Chopsticks Brothers ang imbitasyon ng American Music Awards para mag-perform sa awards night at naging unang artistang Asyano na umakyat sa stage na ito. At sa taong 2015, ipinalabas nila ang isa pang kantang "Little Fruit" , bagama't kapareho ang melody nito sa "little apple" bagay na bagay ang kantang ito sa kasalukuyang atompersang pangkapistahan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>