Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Memorable cameos ng mga stars sa Music Videos

(GMT+08:00) 2016-12-29 18:03:10       CRI

Sa katatapos na summer vacation sa Tsina, ang pelikulang "The Legend of Tarzan" ay nakatawag ng malaking pansin, bukod sa mga magagandang tanawin ng South Africa, sa tulong ng kaakit-akit na 1, 2, 3 , 4 , 5, 6 abdominal muscle, ang 40 taong gulang, 194cm tall na leading actor na si Alexander Skarsgard ay naging isa pang "Hot Comodity" sa entertainment world. Ang well-chiselled muscles, bukod ng paggawa ng maraming body buliding at pag stick sa 8000 calorie na pagkain, kailangan din niyang pag-aralan ang kagawian ng mga monkey.

Bilang isang model at actor, bagong napiling second placer ng 100 Most Beautiful Faces of 2013 at ininominate na best supporting role ng Fangoria Chinsaw award at Academy of Science Fiction, Fantasy & Horror Films ng USA, si Alexander Skarsgard, actually, ay aktibo minsan sa music circle at naging part ng music video ng kantang Paparazzi ni Lady Gaga. Medyo hard to imagine, pero, yes, iyong beautiful boy kasama ng blinkers ay si Alexander. At sa palatuntunan ngayong gabi, titingnan natin ang mga sorpresang guest performer sa mga music video.

Kung napanood ninyo ang music video ng pinakahuling catchy song ni Carly Rae Jepsen na "I Really Like You" makikita ang dalawang super stars sa video niya na sina Tom Hanks at Justin Bieber. Partikular na, dahil sa mahusay na pagperform ni Tom Hanks, naging napakacute ng feel ng buong video clip. In the end, wala talagang ipinakitang new side si Carly. Nabuo ang video just because, close ang manager niyang si Scooter Braun kina Tom Hanks at JB.

Para sa karaniwang fans, kapag napanatili ang magandang personal relationship sa idol ay isang big honor na. Pero, mayroon isang batang lalaki, dahil sa sobrang gusto ang isang banda, boluntaryong nagpeform sa music video, bumili ng sariling tiket at lumipad sa ibang bansa para i-shoot ang music video, at pinasalamatan pa siya ng banda, that is all because siya ay si Brooklyn Joseph Beckham. Bilang eldest son ng Beckham family, napakaimpluwensiyal ng kanyang dating sa buong daigdig.

Tapos na ang Harry Potter Series, at lumaki na ang tatlong leading actor at magkakasunod na lumitaw sa iba't ibang TV at Movie projects. Noong taong 2011 sa kantang Lego House na ipinalabas ng Britanikong songwriter na si Ed Sheeran, nag-guest si Ron o Rupert Grint at naging isang stalker ni Ed Sheeran. Ang mahusay na acting skill ni Rupert, ay perpektong nagpakita ng isang fanatic sa kanyang idol, bagama't ito ay bromance, totoong magugulat kayo sa husay ni Rupert para ipakita ang kanyang damdamin sa kanyang idol.

Bagong mag-solo si Zayn Malik, noong 2014, nang gumawa ang One Direction ng kanilang music video ng kantang "Steal My Girl", inanyaya nila ang kilalang character actor ng Amerika si Danny DeVito na mag-guest bilang director ng kanilang video at gumawa ng mga funny scenes.

Pagkaraang talakayan ang mga youngsters, tingnan natin ang isa pang music video na maraming guest na superstars. Noong 2013, kapag pinatugtog ang music video ng kantang "Queenie Eye", baka makikita ninyo ang isang family party ni Paul McCartney, ang mga bisita ay kinabibilangan nina Johnny Depp, Lily Cole, Jude Law, Meryl Streep, Chris Pine, Sean Penn at ibang super star, ayon kay McCartney, hindi ito show-off, gusto lang niyang ipagunita ang panahon ng pagsisimula ng Beatles sa Liverpool. Umupo ang lahat ng kaibigan at kumanta sa saliw ng gitara.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>