|
||||||||
|
||
Sa ideya ng kanlurang medicine, ang magkabalanseng pagkain ay pangunahing nangangahulugang magkabalanseng nutritions, angkop na energy, protein, fat, Sodium, Calcium at iba pa, katulad ng susunod na pyramid.
Sa ideya ng Traditional Chinese Medicine, ang magkabalanseng pagkain ay nangangahulugan, unang una: limang butil, limang prutas, limang karne at limang gulay (alinsunod sa Huang Di nei jing su wen-an Ancient Chinese Medical Text).
Limang butil: millet, sorghum, beans, wheat at rice, bilang staple food.
Limang prutas: Chinese date, plum, apricot, chestnut at peach, puno ng vitamin, fibers, sugar at organic acid para tumulong sa pagkatunaw sa staple food.
Limang karne: beef, dogmeat, lamb, pork at chicken, bilang suplemento sa limang staple food.
Limang gulay: sunflower, Chinese chives, Chinese onion, pulse plant o aniseed at scallion.
Bukod dito, ipinalalagay ng TCM na may "4 qi" at "5 wei" ang mga pagkain. "4 qi": cold, hot, warm at cool. "5 wei": pungent, sweet, acid, bitter at salty. Ang "4 qi" ay nahahati alinsunod sa iba't ibang pukasyong panggamot ng mga pagkain. Ang "5 wei" ay nahahati alinsunod sa lasa ng mga ito. Ang mahusay na paggamit ng pagkain ayon sa lagay ng katawan ay makakabuti sa pagbawas ng sakit at sa pagpapahaba ng buhay.
Lagi kong iniisip na walang ganitong karaming butil, prutas, karne o gulay ang aming ninuno kaysa sa ngayon. Ang mga taga-Beijing noon ay hindi makatikim ng mangga sa Pilipinas, kasi walang maihahatid na sasakyang pantransporte at hindi makakatubo ang mangga sa malamig na lugar. Bakit wala silang ganitong karaming uri ng sakit na tulad ngayon. Mayroon pa silang sekreto? Heto ba ang sagot?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |