![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga sangkap
200 gramo ng tinadtad na karne ng baka
100 gramo ng tofu o bean curd
50 gramo ng scallion
50 gramo ng cilantro
1 puti ng itlog
600 gramo ng sabaw ng karne ng baka
400 gramo ng tubig
1 kutsara ng tuyong cornstach
3 kutsara ng durog na paminta
1 kutsara ng asin
2 kutsara ng sesame oil
10 gramo ng mixture of cornstarch and water
Kaugnay ng mga sangkap:
Ang papel ng bean curd ay para maging mas maganda ang kulay at dagdagan ng sarap ang sabaw, kaya ok naman kung wala. Ok din kung walang scallion at huwag gamitin ang sibuyas bilang kahalili. Kung walang sabaw ng karne ng baka, halinhan ng karaniwang tubig at sa gayo'y ihanda ang 1000 gramo ng tubig lahat-lahat. Maaring gamitin ang straw mushroom sa sabaw na ito at ang papel nito ay pareho ng bean curd.
Btw, umano'y ang scallion ay tinatawag na Chinese sibuyas sa Pinas, tama ba? Kung tama, gagamitin ko ang tawag na ito sa hinaharap.
Paraan ng pagluluto
Linisan ang tinadtad na karne ng baka at lagyan ng 1 kutsara ng tuyong cornstach, 1 kutsara ng durog na paminta, 1/2 kutsara ng asin at 1 kutsara ng sesame oil at haluin nang mabuti para i-marinate sa loob ng 10 minuto.
Sa panahong ito, hugasan ang scallion at cilantro at hiwa-hiwain sa maliliit na piraso. Hiwa-hiwain din sa maliliit na piraso ang bean curd o straw mushroom kung gagamitin mo. Batihin ang puti ng itlog.
Mag-init ng 300 gramo ng tubig sa kawali. Pagkaraang kumulo, lagyan ng karne ng baka at initin sa loob ng maikling tagal para magbago ang kulay. Alisin at patuluin ang karne.
Buhusan ng lahat ng sabaw ng karne ng baka, nalalabing tubig at scallion ang basyong kawali. Initin sa malaking apoy. Pagkaraang kumulo, lagyan ng bean curd at haluin nang kaunti. Kung gagamitin ang straw mushroon, ilagay muna at initin sa mas mahabang panahon. Pagkatapos, lagyan ng karne ng baka at buhusan ng binating itlog. Pagkaraang kumulo muli, lagyan ng nalalabing durog na paminta at asin, buhusan ng mixture of cornstarch and water at haluin nang mabuti. Bago isilbi, lagyan ng cilantro at buhusan ng sesame oil.
Ang West Lake Beef Soup o sa wikang Tsino "Xihu Niurou Geng" ay kilalang kilala sa buong Tsina, lalung lalo na sa dakong timog. Ang West Lake ay isang bantog na lawa sa silangang Tsina at maganda ang tanawin doon. Pinangangalanan ng West Lake ang sabaw na ito dahil katulad ng lawang ito ang sabaw, marami ang mga kulay at maganda. May mga larawan sa ibaba, ihahambing mo ang dalawa.
Sa tapos, sagutin ang mga tanong ng ilang cooking fans.
Para sa bearer ng 00417878820XX: sa kabuuan, walang pagkakaiba ang mga chopsticks sa Tsina at Hapon. Ang mga chopsticks ay unang ginamit sa Tsina at pagkatapos, ini-introduce sa Hapon.
Para kay La Trixia: mayroon bang relasyon ang pagluluto at pagkanta? Susubukin ko.
Para kay Mato: inihahanda namin ang chopsticks at ipapadala sa iyo. Pakiiwan ang address mo at hintay. Sa karaniwan, ang paglalagay ng mga pagkain sa plato ay para sa maging maganda. Gagawin ko ang mga research para tingnan kung mayroon ba iba pang meaning.
Para kay Claire: tulad ng sinabi ko noong dati, hindi akong magaling sa paggamit ng chopsticks. Kaunting mahirap para sa akin na hawakan ng chopsticks ang butil ng mani o bola ng karne. Pero, maaring gamitin ang kutsara. Very convenient, ha?
Para kay Eden Lim: sa palagay ko, ang sili na ginagamit sa Sichuan restaurants ay karaniwan naman. Ang mga ito ay nagiging madilim na pula dahil ini-init sa mantika sa mahabang tagal.
Para kay Azon: hindi ako sadyang natuto sa pagluluto. Sa karaniwan, nanonood ako ng mga cooking shows sa telebisyon at sumasanggi sa mga recipes sa internet. At ang praktis ay talagang mahalaga.
Para kay Kate A.: marami ang mga specialty sa Beijing. Halimbawa, ang Roasted Duck ay unang-una na lumitaw sa aking ulo.
At salamat din sa lahat ng mga cooking fans na nag-iwan ng comments sa akin!
Balik sa aking blog>>
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |