Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yanshui Maodou o Boiled Salty Young Soy Beans

(GMT+08:00) 2009-07-10 18:45:19       CRI

Hello po, mga cooking fans. Ito si inyong Chef Pogi. Natapos na ba ang pinakamainit na panahon sa Maynila at iba pang lugar ng Pilipinas? Dito sa Beijing, talagang mainit na mainit ngayon. Kaya ngayong araw, ihahandog ko ang isang cold dish na paborito ng mga Tsino sa tag-init--Boiled Salty Young Soy Beans o sa wikang Tsino: Yanshui Maodou.

Ang ulam na ito ay maalat at masarap. Mayroon itong magandang kulay berde at malambot ang murang soy beans. Madalas itong nakikita sa mga kainan sa mga tabi ng kalye at madalas itong kinakain habang umiinom ng alak.

Okey, narito ang Boiled Salty Young Soy Beans.

Mga sangkap

250 gramo ng murang soy beans na di pa inaalisan ng shell
15 gramo ng asin
2 gramo ng vetsin
5 gramo ng buto ng anis
2 gramo ng fennel
1000 gramo ng tubig

Paraan ng pagluluto

Hugasan ang murang soy beans at tanggalin ang mga dulo para makapasok sa beans ang lasa habang niluluto. Pakuluin sa palayok ang tubig at pagkaraang kumulo, lagyan ng asin, buto ng anis, fennel at tapos isunod ang murang soy beans at lutuin sa loob ng 20 minuto. Lagyan ng vetsin at patayin ang apoy at pagkatapos, ibabad sa loob ng 30 minuto. Isalin sa plato at isilbi.

Kung gusto ninyong maging kaunting maanghang ang ulam na ito at mas maganda ang kulay, puwede gamitin ang siling labuyo at lutuin kasama ng murang soy beans. Btw, mayroon bang ganitong murang soy beans sa Pinas? Sasabihin sa akin! Okey, mga kaibigan, makikita tayo sa susunod na cooking show!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>