|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Si Cui Boyi na ika-73 taong gulang at kaniyang asawa na si Yang Xinqiao na ika-68 taong gulang ay nakatira sa Yongle Komunidad sa Rehiyong Shijingshan ng Beijing. Sa nakaraan, nagtrabaho si G.Cui sa isang pabrika ng pagkain at nagretiro siya noong 2000, dahil matamal ang negosyo ng bahay-kalakal, wala siyang pensiyon seguro sa natitilang pamumuhay niyat sagurong medikal. Wala ring kita ang kaniyang asawa. Sinabi ni Cui na:
"Walang kita ko mula noong 2000, kaya, nagtamasa ako ng minimum living security. Noong panahong iyon, may mahigit 100 yuan ako mula sa minimum living security, bukod dito, may kaunting deposito pa ako, kaya, maaaring mapanatili ang saligang pamumuhay ko."
Sapul nang itatag ang sistema ng minimum living security ng Tsina, ang istandard ng minimum living ay tumataas na tumataas ayon sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa. Sa kasalukuyan, ang pera na natamo nina Cui mula sa minimum living security ay sapat sa kanilang gastos sa pang-araw-araw na pamumuhay at hindi kailangang gumamit ng sariling deposito.
Sinabi ni G.Cui na :
"Sa kasalukuyan, unti-unting tumataas ang istandard ng minimum living security at hanggang ngayo'y, tumaas nang 3 o 4 na beses na ito, isang buwan ang napunta sa 880 yuan nila at asawa ko, sapat para sa aming mag-asawa."

Salamat sa minimum living security, may garantiya ang pang-araw-araw na pamumuhay ng pamiliya ni Cui, pero, para sa mga matatanda, may isang pang malaking paggugol, alalaong baga'y, guguling medikal. Ngini't, walang panganganba si G.Cui hinggil dito. Isinalaysay niyang nagtamasa siya at ang kaniyang asawa ng 3 uri ng seguridad segurong medikal minimum living security at tulong sa usaping mapagkawanggawa. Sinabi ni Cui na:
"Bahala ang pamahalaan sa 60% ng guguling medikal sa mga grabeng sakit, 70 libo yuan ang maisauli ang pinabamataas. Nitong ilang araw na nakalipas, malubhang ang aking asawa at 60% ng guguling medikal ang isinauli niya."

Bukod dito, dahil ang pamiliya ni Cui ay kabilang sa mga pamilyang nasa ilalim ng kategoriya ng pamiliyang may minimum living security, maaaring isauli nila ang isa pang 60% ng natitirang guguling medikal at dagdag pa, ang mag-asawa ay binigyan pa ng kanilang komunidad ng mga kard na pangkawanggawa at may dalang kard na ito, maaaring magtamasa silang mag-asawa ng ibayong medical treatment sa ospital ng komunidad.
Isinalaysay ni G.Cui na:
"Sa ospital ng komunidad, maisasauli ang bayad namin sa pagrerehistro, pagpapatingin at gamot, bawat taon, maisasauli ang mga 500 yuan. May garantiya kami sa medisina, kaya, nagkasisiya kami!"
Ukol sa G.Cui, wala siyang panganganba sa iba't ibang aspekto, kaya, nakakasiyayang-siya ang kaniyang pamumuhay, may iba't ibang interes si Cui at isa sa mga ito ay pagbabasa ng mga balita sa internet. Noong 2005, bumili siya ng isang komputer at sinabi niyang, kahit mababatid ang mga balita sa pamamagitan ng pahayagan at TV at kasunod ng pag-unlad ng lipunan, ang internet ay nagiging isang mahalagang kasangkapang para sa pamumuhay bg mga tao. Sinabi niyang:
"Gusto kong mabatid ang mga balita mula sa internet. Ang mga balita sa internet ay hindi lamang mas maaga, kundi mas marami, ang mga palagay ay sarisari bagay na mabapagpapamulat ng inyong sariling tingin sa daigdig. "
Sapul nang may sariling komputer, lagi nakiki-communicate si Gng Yang, asawa ni Cui sa kanilang mga anak sa iba pang lunsod. Sinabi ni Gng Yang na :
"Madalas na sinabi ko sa aking anak na dapat magpursigi't maingat sa trabaho. Ang anak na babae ay may sarili niyang negosyo at umuwi minsan siya nang hating-gabi. Sinabihan ko ang aking apo, na buong sikap na mag-aral at magtamo ng mabuting resulta."
Mahilig si Gng Yang sa pakikinig at pag-awit ng Beijing Opera at iba pang uri ng opera.
Si Ai Hongbo ay Direktor ng Lupon ng mga Naninirahan ng komunidad na kinaroroonan ng Pamilya ni Cui at sinabi niyang nagsisikap ang kanilang komunidad para mapayaman ang pamumuhay ng mga matatanda na bakilang sa minimum living security, upang mapaligaya sila, Sinabi niyang
"Kung papaanong mapaliligaya ang mga matatanda tulad nina Cui ay priyoridad ng mga gawain namin. Bumuo kami ng grupo ng modelo, grupo ng sayaw, grupo ng kaligarapiya at grupo ng koro para sa lahat ng naninirahan sa komunidad, lalu-lalo na para sa mga matatanda na kabilang sa minimum living secuity."
Si G. Cui ay nahihiligin sa kaligarapiya at sa kasalukuyan, siya ay nagiging tagasanay ng grupo ng kaligarapiya. Sa bawat bokasyon ng mga estudyante, nagtuturo siya ng kaligarapiya sa mga estudyante. Sinabi ni Cui na:
"Ang pagsasanay ng kaligarapiya ay katumbas ng pagsasanay sa katawan at diwa, mas marami ang pagsasanay, mas malakas ang katawan. Kung may pumupuna sa aking pagsulat-hamay, tuwang-tuwa ako."
Sinabi ni G.Cui na salamat sa mabuting patakaran ng bansa, wala silang anumang panganganiba sa kaniyang pamumuhay at maaaring lubos na makapagtamasa ng kaniyang mga interes. Kaya, kung malusog ang katawan, nakahanda siyang magbigay ng serbisyo sa lipunan. Sa kasalukuyan, Si G. Cui at ang kaniyang asawa na si Gng Yang ay kapuwa boluntaryo ng kanilang komunidad, naglilingkod sila nang maigi sa abot ng makakaya para sa komunidad.
salin:wle
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |