Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Si Hua Tuo at ang kanyang "Wu Qin Xi"

(GMT+08:00) 2009-09-14 17:15:21       CRI

Sa kasaysayan ng tradisyonal na medisina ng Tsina, 4 na manggagamot ay itinuturing na di-mahahalinhang pioneer. Sila ay Bian Que, Hua Tuo, Zhang Zhongjing at Li Shizhen. Sa artikulong ito, unang ipapakilala ko sa inyo si Hua Tuo at ang kanyang nilikhang paraan sa pag-eehersisyo na tinatawag na "Wu Qin Xi" o frolics of five animals.

Si Hua Tuo ay isinilang noong Han Dynasty. Ayon sa rekord ng "Hou Han Shu", sa mahigit 100 taong gulang ay kamukha pa ni Hua Tuo ang kabataan at may nagsasabi noon na siya'y nagmukhang sa mahigit 60 taong gulang, at sa katunayan, siya'y mahigit na 160.

Hindi bahala si Hua Tuo sa kaniyang sariling katanyagan at kayamanan at buong buhay siyang pumalaot sa pananaliksik sa medisina. Sinulat niya ang akdang medikal "Qing Nang Jing" batay sa sariling karanasan, ngunit, hindi ito naipagpatuloy. Sayang! Ngunit, isinalin ng kanyang mga disiplo ang kanyang karanasan.

Itinatangkilik ni Hua Tuo ang paggamot sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang Wu Qin Xi o frolics of five animals ay kanyang imbensyon. Sa pagsasanay na ito, ginagaya ang aksyon ng limang hayop: tigre, usa, uso, ape at ibon para sa pagbabanat-puto at pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo. Napag-alaman, nagsasanay si Wu Pu, kanyang disiplo, bawat araw at hanggang mahigit 90 taong gulang ay mahayap pa ang kanyang patingin at pandinig. Sa susunod na video, makikita ninyo ang pagsasanay ng Wu Qin Xi.

 

Napakahusay ng medical skill ni Hua Tuo. Siya'y itinuturing na tagapa-una ng pag-opera ng Tsina. Siya ang unang taong gumamit ng anastesya sa buong katawan sa operasyon. Bukod dito, mahusay siya sa acupuncture. Siya rin ang isang "Psychologist". Dati, kumonsulta ang isang prefecture chief sa kanya. Ipinalalagay ni Hua Tuo na kung magpuputok ang butse, magagaling agad siya. Kaya, humingi si Hua Tuo ng maraming regalo at pera, pero hindi niyang ginamot ang puno at higit pa'y iniwan pa niya ang isang liham para pahiyain ang puno. Nang bumasa ng liham ang puno, gayong lamang ang sidhi ng kanyang galit na bumuga siya ng maraming itim na dugo, sa gayo'y magaling siya agad.

Blog ni Andrea

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>