|
||||||||
|
||
Kinunan ko ang larawang ito sa aking komunidad nang matakpan ang Beijing ng unang niyebe sa taglamig na ito. Gusto ko pong pasalamatan ang unknown artist na gumawa ng snow bear na ito. :)
Ilang taon na ang nakakaraan, noong araw na nasa high school pa ako, isa sa aking pinakapaborito awitin ang awiting ito ni Su Rui o Julie Su (isang kilalang mang-aawit mula sa Taiwan), na kung sa literal na salin, ang pamagat ay "Aginaldo".
Sa aking alaala, parang sa saliw ng awiting ito, nagsisimulang maghanda ako ng mga regalong pambagong taon para sa mga kaklase at kaibigan at nagsisimula ring magpalamuti ng silid-aralan ang iba't ibang klase para sa New Year Party…Enjoy na enjoy kaming lahat sa paghahanda at sa party mismo na maski ngayon ay parang naririnig ko pa rin ang pagtatawanan at nakikita ang masasayang mukha…Kung masasabing ang Spring Festival ay para sa maligayang pagtitipun-tipon ng pamilya at kamag-anakan, ang Bagong Taon naman ay isang okasyon ng pagdama ng init ng pagkakaibigan…
Totoo iyon na katulad ng sinabi ng isang linya ng liriko ng awiting ito-noong araw, kung taglamig, kadalasang pumapagaypay sa kalangitan ang napalaking snow flake at naroon lagi at parang hindi matunaw-tunaw ang yelo na nakatabon sa lupa…
Gayunpaman, sa kalagitnaan ng sobrang kaginawan, pinaiinit ang aking kalooban ng taos-pusong pagbabatian at mainit na pagkakaibigan…at dahil yata sa kaginawan, lalo pang tumitindi ang magandang damdamin…
Kung hindi papatak ang niyebe sa kapaskuhang ito, hayaan nating mapuno at lumutang sa kalangitan ang ating pagbabatian…
Masayang Pasko at Masaganang Bagong Taon, Taon ng Tigre!
Awiting "Aginaldo", nakapamamanglaw man, maganda naman ang himig…
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |