Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chiyou Ji o Sizzling Chicken

(GMT+08:00) 2010-01-08 18:02:40       CRI
Helo po, mga cooking fans! Ito po si Chef Pogi. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Noong isang araw, natutuhan ko ang isang kasabihang Pilipino na "isang kahig, isang tuka". May kinalaman ang kasabihang ito sa manok at sabi, ito raw ang dahilan kaya naging paboritong pagkain ang manok sa Media Noche. Pero hindi ko talagang malaman kung ano ang koneksiyon ng "isang kahig, isang tuka" sa bagong taon, kaya, kung alam ninyo, ipaalam niyo agad sa akin. Salamat!

Ayon sa kaugaliang Tsino, ang manok ay espesyal ding pagkain sa mga lugar sa kagitnaan at katimugan ng bansa para sa bagong taon at ang Sizzling Chicken ay isa sa mga putaheng-manok na paborito sa okasyong ito, dahil ang sagitsit nito ay sumasagisag sa suwerte at kaligayahan sa bagong taon. Ngayong araw, ihahatid ko sa inyo ang recipe ng Sizzling Chicken o sa wikang Tsino "Chiyou Ji".

Mga sangkap

1 manok (bata pa) na tumitimbang ng mga 600 gramo
1500 gramo ng mantika (1/15 lamang ang makukunsumo)
30 gramo ng toyo
30 gramo ng spicy soy sauce
1 gramo ng vetsin
1 gramo ng pamintang durog
5 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino
5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa
5 gramo ng bawang, hiniwa-hiwa
50 gramo ng shaoxing wine
15 gramo ng asukal
50 gramo ng tubig

Paraan ng pagluluto

Buksan ang likod ng manok at baliin ang mga buto sa likod, dibdib at mga paa. Lagyan ng hiwa ang makapal na karne ng manok para makapasok ang seasonings. Imarinate ang manok sa toyo sa loob ng 15 minuto.

Maglagay ng mantika sa kawali at initin sa temperaturang 180 hanggang 220 degree centigrade. Igisa ang manok hanggang sa maging kulay-dalandan ang balat. Bawasan ang apoy at ilaga ang manok hanggang sa maluto. Hanguin at hiwa-hiwain nang maliliit, tapos isalin sa plato.

Maglagay ng 25 gramo ng mantika sa kawali at igisa ang scallion, luya at bawang hanggang lumutang ang bango. Buhusan ng shaoxing wine, maanghang na toyo at tubig at lagyan ng pamintang durog, asukal at vetsin, tapos pakuluin. Ito ang gamiting pang-sarsa sa manok bago isilbi.

May isang mixture ng lasa ng Sizzling Chicken na matamis-tamis, maalat at maanghang nang kaunti. Makintab at maganda ang pagkakulay-kayumanggi nito. Malutong sa labas at malambot sa loob.

Habang malayo pa mula sa putahe, naririnig ninyo ang sagitsit ng Sizzling Chicken at naaamoy na rin ang bango nito. Nangangahulugan itong sa pagsisimula pa lamang ng bagong taon, nakikita na ninyo ang suwerte at kaligayahan sa taong ito. Iyan ang bati ko sa inyo sa Bagong Taon. Mga cooking fans, hanggang sa susunod!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>