|
||||||||
|
||
Maligaya ang selebrasyon ng Spring Festival, pero sayang'y matatapos ito sa bandang huli. Ang darating na araw ng Linggo ay ang Yuanxiao Festival o Lantern Festival sa Tsina at ito ay itinuturing na huling araw ng selebrasyon ng Spring Festival.
Ang Yuanxiao Festival ay sa ika-15 araw ng unang buwan sa Chinese lunar calendar. Marami ang ginagawa sa araw na ito na gaya ng pagdidisplay ng paper lanterns, pagsagot sa mga bugtong na isinulat sa mga lantern, pagdadragon-dance, pagla-lion-dance at iba pa. Bukod dito, mayroon pang isa na may kinalaman sa pagkain: kumakain ng Yuanxiao o Tangyuan. Sa araw na ito, isasalaysay ko sa inyo ang pagkaing ito.
Ang pangunahing sangkap ng Yuanxiao ay glutinous rice flour at sa karaniwan, hugis bola ito, pero mayroon ding Yuanxiao na hugis itlog. Dalawang uri ang Yuanxiao na may palaman at wala. Malaki ang iyong may laman at maliit naman ang iyong wala. Iba-iba ang paraan ng paggawa at pagluluto ng dalawang uring ito ng Yuanxiao at sa susunod, magkahiwalay kong isasalaysay.
Ang Yuanxiao na may palaman ay 4 hanggang 5 sentimetro sa diyametro. Para gawin ito, haluin muna ang glutinous rice flour at tubig para gumawa ng masa na ang hugis ay parang U. Pagkatapos, lagyan ng palaman ang masa at ibalot ang palaman sa masa. Pagulungin ang masa para maging hugis bola o hugis itlog ito at heto na ang isang Yuanxiao. Sa karaniwan, matamis ang palaman na gaya ng sesame paste, red bean paste o tinadtad na peanut at ang lahat ay kasama ng asukal. Para lutuin ang ganitong Yuanxiao, pakuluin muna ang tubig at lagyan ng mga ito. Sa simula, bumaba ang Yuanxiao sa ilalim ng tubig at pagkaraang lumutang ang mga ito, bawasan ang apoy at patuloy na lutuin sa ilang minuto hanggang lumambot ang mga Yuanxiao. Isibli ang mga Yuanxiao kasama ng tubig kung saan niluto ang mga ito.
Mas maliit ang Yuanxiao na walang palaman at mga 1.5 sentimetro ang diyametro ng mga ito. Kawili-wili ang paggawa ng maliit na Yuanxiao. Una, haluin ang glutinous rice flour at tubig para gumawa ng masa. Kunin ang isang pirasa mula rito at pagulungin sa kamay para gumawa ng maliit na bola. Gumawa ng maraming bolang ito, ilagay ang mga ito sa isang sisidlan na may glutinous rice flour sa loob at wisikan ang ilang tubig sa mga bola. Takpan at kalugin ang sisidlan para dumikit sa mga bola ang glutinous rice flour. Sa prosesong ito, ilang beses pang wisikan ang tubig hanggang lumaki sa angkop na laki ang mga bola at heto ang mga maliit na Yuanxiao. Ang Yuanxiao na walang palaman ay lutuin at isilbi kasama ng sweet dessert soup na, sa kadalasan, may red bean at fermented glutinous rice.
Yuanxiao at Bilo-bilo
Malapit ba ang Yuanxiao kasama ng sweet dessert soup at ginataang bilo-bilo?
Sa palagay ko, ang Yuanxiao ay malapit sa bilo-bilo sa Pilipinas at ang maliit na Yuanxiao kasama ng sweet dessert soup naman ay maaring tawagin na Chinese version ng ginataang bilo-bilo. Kaya, mga kaibigan, kung kakain kayo ng bilo-bilo, huwag kalimutan ang Yuanxiao, isa sa mga espesyalti ng Spring Festival sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |