Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina at sa seremonya ng pagbubukas, babasahin ni premyer Wen Jiabao ang government work report. Isinagawa ng Serbisyo Filipino ng China Radio International ang live coverage online ng aktibidad na ito sa pamamagitan ng teksto sa wikang Filipino at audio sa wikang Ingles.

Sa harapan ng Great Hall of the People, lugar na pinagdausan ng seremonya ng pagbubukas

Sa loob ng Great Hall of the People
Ayon sa agenda ng sesyon, binuksan ito ngayong araw at ipipinid sa ika-14 ng buwang ito. Sa 9 at kalahating araw, pakikinggan at susuriin ng halos 3000 kinatawan ng NPC mula sa iba't ibang lugar ng Tsina ang mga ulat sa gawain ng pamahalaan, Kataas-taasang Hukumang Bayan, Kataas-taasang Prokuraturang Bayan at pirmihang lupon ng NPC at susuriin at pagtibayin ang plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa taong 2010 at badyet ng pamahalaang sentral. Bukod dito, nakakatawag din ng malaking pansin ang pagpapatibay sa kasalukuyang sesyon ng rebisadong burador ng Batas sa Halalan na naglalayong mas mabuting magpakita ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan, lugar at etniko.
Pagkaraang ipinid ang sesyon sa ika-14 ng buwang ito, idaraos ni premyer Wen Jiabao ang preskong lalahukan ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.

Nangulo sa seremonya si Wu Bangguo
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng partido at estado ng Tsina na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang, Zhou Yongkang at iba pa. Nangulo sa seremonya si Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng NPC.
Ipinatalastas ni Wu Bangguo ang bilang ng mga kalahok sa sesyon at ang pagbubukas ng sesyong ito.

Binasa ni Wen Jiabao ang government work report
Binasa ni premyer Wen Jiabao ang government work report. Narito ang mga napiling nilalaman ng kanyang ulat.
Abstract ng Ulat sa mga Gawain ng Pamahalaang Tsino
Inilahad ni Premyer Wen Jiabao ng Konseho ng Estado sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ika-5 ng Buwan ng Marso, taong 2010
Unang Bahagi: Pagbabalik-tanaw sa mga Gawain noong 2009
Ang taong 2009 ay ang pinakamahirap na taon ng Tsina sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan pagpasok ng ika-21 siglo. Apektado ng pandaigdigang krisis na pinansyal, ang kabuhayang pandaigdig ay grabeng umurong at maging ang kabuhayan ng Tsina ay matindi ring naapektuhan. Sa kabila ng mga negatibong elemento, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa, at sa pagbubuklod-buklod at pagpupunyagi ng sambayanang Tsino, buong-tatag na naharap ng Tsina ang mga kahirapan at nanguna pa ito sa daigdig sa muling pagpapaahon ng kabuhayan. Ayon sa datos, nong taong 2009, umabot sa 33.5 trilyong Yuan RMB o mahigit 4.8 trilyong dolyares ang GDP ng Tsina na mas mataas ng 8.7% kumpara sa taong 2008; umabot naman sa 6.85 trilyong Yuan o 1 trilyong dolyares ang kitang piskal na mas mataas ng 11.7% kumpara sa taong 2008; 6 na taong singkad na lumaki ang produksyon ng pagkain-butil na umabot sa 531 milyong tonelada noong taong 2009; umabot sa 11.02 milyon ang karagdagang bilang ng mga taong nagkakahanap-buhay sa mga rehiyong urban; lumampas sa 17.175 libong Yuan o mahigit 2.45 libong dolyares ang karaniwang disposable income bawat mamamayang urban samantalang umabot naman sa 5153 Yuan o 736 na dolyares ang karaniwang netong kita bawat mamamayang rural na tumaas ng 9.8% at 8.5% ayon sa pagkakasunod.

Mga kinatawan ng NPC
Ang mga pangunahing ginawa ng Pamahalaang Tsino noong taong 2009:
1. Pinalakas at pinabuti ang macro-control para mapasulong ang matatag at may kabilisang pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Noong 2009, pinairal ng Pamahalaang Tsino ang proaktibong patakarang piskal at maluwang-luwang na patakaran sa salapi at komprehensibong isinagawa at patuloy na pinabuti ang economic stimulus package bilang tugon sa krisis na pinansyal. Malakihang dinagdagan ang laang piskal at isinagawa ang estruktural na pagbabawas sa buwis, pinatili ang mabilis na pagtaas ng pagpapautang ng mga institusyong pinansyal, pinasulong ang pagiging sustenable ng mga patakaran sa salapi, pinalaki ang saklaw ng tuwirang pangongolekta ng pondo para matugunan ang pangangailangan sa pondo sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Sa gayon, napalawak ang pangangailangang panloob at naiwasto ang pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng pambansang kabuhayan.

Sa ilalim ng pagkatig ng mga patakarang preperensyal ng pamahalaan, bumili ang maraming magsasaka ng mga bagong electric appliance
Una: puspusang pinalawak ang konsumo ng mga mamamayan. Noong 2009, naisagawa ng Pamahalaang Tsino ang mga patakaran sa pagpapasigla sa konsumo na may pinakamalawak na saklaw, pinakamalakas na epekto at pinakamalaking preperensiya. Halimbawa, nailaan ng Pamahalaang Sentral ang 45 bilyong Yuan o mahigit 6.4 na bilyong dolyares na subsidy bilang suporta sa pamimili ng mga residente ng kanayunan sa mga home electrical appliances at mga motorsiklo at iba pang sasakyang-de-motor. Nabawasan din ang buwis ng mga mamamayan sa pagbili ng small-displacement sasakyang-de-motor at bahay. Salamat dito, tumingkad ang papel ng konsumo sa pagpapasigla ng kabuhayan.
Ikalawa: pinasulong ang mabilis na paglaki ng pamumuhunan. Nanguna ang Pamahalaang Sentral sa pamumuhunan para mapasigla ang pumumuhunang di-pampamahalaan. Ipinalabas ng Tsina ang
2. Puspusang isinaayos ang estrukturang pangkabuhayan para mapatibay ang pundasyon ng pangmatagalang pag-unlad. Itinugma ng Pamahalaang Tsino ang pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan at ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan para malutas ang mga estruktural na kontradiksyon na humahadlang sa pag-unlad ng kabuhayan.

Nagsagawa ang pamahalaan ng mga patakaran para mapalakas ang kasiglahan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng pagkaing-butil
Una: ibayo pang pinasulong ang mga gawain na may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka.
Noong taong 2009, ang laang-gugulin ng Pamahalaang Sentral sa nasabing mga gawain ay umabot sa 725.3bilyong Yuan o mahigit 103 bilyong dolyares na lumaki ng 21.8% kumpara sa 2008. Pagdating sa mga konkretong hakbangin, malakihang pinataas ng Pamahalaan ang presyo ng pagbili ng mga butil ng mga magsasaka. Patuloy na pinasulong ang kalagayan ng pamumuhay ng mga magsasaka na gaya ng paglulunsad ng pambansang proyekto ng ligtas at malinis na tubig na maiinom na napapakinabangan ng mahigit 60.69 milyong magsasaka, pagdaragdag ng 5.1 milyong methane gas users, paglalatag at pagkukumpuni ng 380 libong kilometrong lansangan at 266 libong kilometrong electric power lines sa kanayunan, pagkukumpuni ng mga sira-sirang bahay ng 800 libong pamilyang rural at pagtatayo ng permanenteng bahay para sa 92 libong nomadic families.
Ikalawa: pinag-ibayo ang pagsasaayos ng estrukturang industriyal.
Binalangkas at pinairal ang
Ikatlo: matatag na pinasulong ang pagtitipid sa enerhiya, pagbabawas ng emisyon at pangangalaga sa kapaligiran.
Bilang tugon sa pagbabago ng klima, buong-linaw na binalangkas ng Pamahalaang Tsino ang target at konkretong hakbangin sa pagkontrol sa pagbuga ng greenhouse gas para sa taong 2020.
3. Nanangan sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas at walang-humpay na pinasulong ang mga institusyon at mekanismo na nakakatulong sa siyentipikong pag-unlad. Itinuturing ng Pamahalaang Tsino ang pagpapalalim ng reporma't pagbubukas bilang malaking puwersa sa pagtugon sa pandaigdigang krisis na pinansyal.

Para makapagbigay-ginhawa sa financing ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal, binuksan ng Tsina ang ChiNext stock market
Una: pinabilis ng Pamahalaang Tsino ang reporma sa mga pangunahing larangan at links. Halimbawa, komprehensibong pinairal ang VAT reform. Maalwang pinasulong ang reporma sa presyo ng mga refined oil products at mga kaukulang buwis at bayarin at tumakbo nang maayos ang bagong mekanismo ng pagpepresyo sa mga ito. Matibay na pinasulong ang komersyalisasyon ng China Development Bank at pagsasagawa ng joint stock system sa Agricultural Bank of
Ikalawa: patuloy na pinataas ang lebel ng bukas na ekonomiya. Noong 2009, umabot sa 2.2 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Umabot sa 90 bilyong dolyares ang halaga ng aktuwal na nagamit ng Tsina na direktang puhunang dayuhan (FDI). Ang non-financial na direktang puhunan ng Tsina sa ibayong dagat ay umabot sa 43.3 bilyong dolyares at umabot naman sa 77.7 bilyong dolyares ang halaga ng nakontratang proyekto sa ibayong dagat. Noong 2009, aktibong nakilahok ang Tsina sa mga pandaigdig na diyalogo at koordinasyon sa mga patakaran sa macro-economy at sa mga pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan at pampinansya, at gumanap ang konstruktibong papel sa pagtugon sa pandaigdigang krisis na pinansyal.

Puspusang isinagawa ng Tsina ang pagsasanay sa mga manggagawa
4. Buong sikap na pinabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at pinabilis ang pag-unlad ng mga usaping panlipunan. Para rito, pinairal ng Pamahalaang Tsino ang higit pang proaktibong patakaran sa hanap-buhay, pinabilis ang pagsasakumpleto ng social security system, ibayo pang pinasulong ang pantay na edukasyon at buong-tatag na pinasulong ang reporma at pag-unlad ng mga proyektong pharmaceutical at healthcare.
Ikalawang Bahagi: Mga Pangunahing Tungkulin sa 2010
Kahit may posibilidad na maging mas mabuti ang kapaligiran ng pag-unlad sa kasalukuyang taon kumpara sa taong 2009, masalimuot na masalimuot pa rin ang kinakaharap na situwasyon. Pagdating sa kalagayang pandaigdig, may pag-asang manumbalik at unti-unting tumatag ang pandaigdigang pamilihang pinansyal at hindi nagbabago ang panlahat na tunguhin ng paglalim ng globalisasyong pangkabuhayan. Sa kabila ng mga ito, nananatili pa ring mahina ang pundasyon ng pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig at hindi lubusang nawawala ang mga panganib sa larangang pinansyal; lumalala pa rin ang trade protectionism at nananatiling masalimuot ang mga pandaigdigang isyu na
Ang mga pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan para sa taong 2010 ay ang mga sumusunod: lalaki ng humigit-kumulang 8% ang paglaki ng GDP; makakalikha ng trabaho para sa mahigit 9 milyong mamamayang urban, kokontrolin sa loob ng 4.6% ang rehistradong unemployment rate na urban; kokontrolin sa humigit-kumulang 3% ang paglaki ng consumer prices at pabubutihin ang balance of payments.
Ang mga pinakamahalagang tungkulin ng Pamahalaang Tsino para sa 2010 ay sumasaklaw sa sumusunod na walong aspekto.

Kasunod ng pag-unlad ng kabuhayan, naging mas madali at mabilis ang foreign currency settlement sa Tsina
1. Pataasin ang lebel ng macro-control at panatilihin ang matatag at may kabilisang pag-unlad ng kabuhayan.
Una, patuloy na isasagawa ang proaktibong patakarang piskal.
Ikawala, patuloy na paiiralin ang maluwang-luwang na patakaran sa salapi.
Makakatiyak ang Pamahalaang Tsino na may makatuwiran at sapat na suplay ng salapi at pautang. Pabubutihin ang estruktura ng pagpapautang at para rito, pag-iibayuhin ang suporta sa mahahalagang sektor at mahihinang links upang malutas ang kahirapan ng mga magsasaka at maliliit na bahay-kalakal sa pangongolekta ng pondo. Aktibong palalawakin ang direktang pangongolekta ng pondo. Palalakasin ang pangangasiwa sa mga panganib para mapataas ang episyensiya ng superbisyong pinansyal at sa aspektong ito, patuloy na pabubutihin ang mekanismo ng pagbuo ng renminbi exchange rate at pananatilihin itong matibay sa kabuuan sa tumpak at balanseng lebel.

Mga kinatawan ng NPC
Ikatlo, aktibong palawakin ang pangangailangan sa konsumo ng mga mamamayan.
Patuloy na itataas ang kita ng mga magsasaka, ang saligang pension ng mga retirado ng mga bahay-kalakal at ang minimum subsistence allowances para sa mga residente ng lunsod at nayon at palalakasin ang kakayahan sa konsumo ng mga mamamayan, lalung lalo ng mga mamamayan na katamtaman lamang o mababa ang kita. Kasabay ng pagpapalawak ng tradisyonal na konsumo, aktibong lilinangin din ang konsumo sa information, turismo, kultura, ehersisyong piskal, pagsasanay, serbisyo para sa mga nakakatanda at household services para mapasulong ang pagpapahusay ng estruktura ng konsumo.
Ikaapat, puspusang pabutihin ang estruktura ng puhunan.
Sa aspektong ito, buong-higpit na paiiralin ang mga istandard ng pagpasok sa pamilihan at mga patakarang industriyal na may kinalaman sa paggamit ng lupa, pagtitipid sa likas na yaman, pangangalaga sa kapaligiran at seguridad, at aktuwal na pipigilin ang di-kinakailangang konstruksyon.

Puspusang pinaunlad ng Tsina ang mga teknolohiya hinggil sa pagtitipid sa enerhiya
2. Pabilisin ang pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pabutihin ang estrukturang pangkabuhayan
Una, patuloy na pasusulungin ang pagsasaayos at pagpapasigla sa mga pangunahing industriya.
Ikalawa, puspusang lilinangin ang mga emerging industry na may katuturang estratehiko
Ikatlo, ibayo pang pasusulingin ang pag-unlad ng mga katatamang laki at maliliit na bahay-kalakal
Ikaapat, pabibilisin ang pag-unlad ng service sector
Ikalima, buong sikap na titipirin ang likas na yaman at babawasan ang emisyon
Dapat buong-sikap na itatag ang sistemang industriyal at modelo ng konsumo na may katangian ng low-carbon emissions. Aktibong makikilahok sa pandaigdigang pagtutulungan sa harap ng pagbabago ng klima para mapasulong ang pagtatamo ng bagong progresong pandaigdig sa pagtugon sa pagbabago ng klima.
Ikaanim, pasusulungin ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang rehiyon ng bansa
Patuloy na palalalimin ang paggagalugad sa dakong kanluran ng bansa, komprehensibong pasisiglahin ang mga lumang baseng industriyal sa dakong hilaga-silangan at iba pang bahagi ng bansa, puspusang pasusulungin ang pag-ahon ng dakong gitna at kakatigan ang dakong silangan na manguna sa buong bansa sa pag-unlad. Bibigyan ng priyoridad ang pagbalangkas at pagpapairal ng mga patakaran ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang, Tibet at mga lugar na pinaninirahan ng mga etnikong Tibetano sa mga lalawigan ng Sichuan, Yunnan, Gansu at Qinghai.

Ang patakaran sa konstruksyon ng sosyalistang bagong kanayunan ay nagpasulong sa kaunlaran ng kanayunan ng Tsina
3. Pag-ibayuhin ang pagpapasulong ng pagiging balanse sa pagitan ng pag-unlad mga lunsod at nayon at palakasin ang pundasyon ng pag-unlad ng agrikultura at kanayunan
Una, pasusulungin ang matatag na pag-unlad ng agrikultura at patuloy na pagtaas ng kita ng mga magsasaka
Patuloy na patatatagin ang produksyon ng butil. Patuloy na bibigyan ng direktang subsidy ang mga magsasaka na nagtatanim ng butil. Ibayo pang itataas ang minimum grain purchase prices. Pasusulungin ang paghahanap-buhay at pagsisimula ng sariling negosyo ng mga magsasaka at patataasin ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng iba't ibang tsanel.
Ikalawa, ibayo pang pasusulungin ang konstruksyon ng mga pasilidad na agrikultural
Sa 2010, nagbabalak ang Pamahalaang Sentral na maglaan ng 818.3 bilyong Yuan o 117 bilyong dolyares para sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka na mas malaki ng 93 bilyong Yuan o mahigit 13 bilyong dolyares kumpara sa taong 2009.
Ikatlo, palalalimin ang repormang rural
Ikaapat, kooridanong pasusulungin ang urbanisasyon at ang konstruksyon ng bagong kanayunan
Magbibigay ng patnubay ang Pamahalaang Tsino para maayos na magtungo sa maliliit na bayan ang non-agricultural industries at mga residenteng rural. Sa konstruksyong panlunsod at pangkanayunan, dapat manangan sa pinakamahigpit na hakbangin ng pangangalaga sa bukirin at ng pagtitipid sa paggamit ng lupa at dapat ding pangalagaan ang interes ng mga magsasaka. Pasusulungin ang reporma ng household registration system at paluluwagin ang kondisyon ng household registration sa mga bayan at katatamang-laki at maliliit na lungsod. Lulutasin nang maayos at unti-unti ang pagtatrabaho at pamumuhay sa mga lungsod at bayan ng migrant workers at yugtu-yugtong titiyakin na makatanggap sila ng pantay na trato, tulad ng mga residente ng lunsod, sa suweldo, edukasyon ng anak, healthcare, pabahay at social security.

Binabasa ng isang bata ng etnikong Tibet ang teksbuk sa wikang Tibetano
4. Komprehensibong pairalin ang estratehiya ng pagpapasigla ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng siyensiya't teknolohiya, edukasyon at human resources
Una, pauunahin ang pagpapaunlad ng edukasyon
Dapat agarang pairalin ang Outline hinggil sa Medium at Long Term na Pambansang Programa ng Reporma't Kaunlarang Pang-edukasyon at para rito, dapat pasulungin ang repormang pang-edukasyon, pasulungin ang balanseng pag-unlad ng kompulsaryong edukasyon para makapagtamasa rin ng kalidad na education resources ang mga bata mula sa kanayunan at mga liblib na rehiyon, isagawa ang iba't ibang hakbangin para maakit ang mahuhusay na tauhan na maging guro at sa gayon, mapalakas at mapagaling ang hanay ng mga guro.
Ikalawa, puspusang pauunlarin ang siyensiya't teknolohiya
Dapat seryosohang pairalin ang prinsipyo ng sariling inobasyon para komprehensibong mapasulong ang konstruksyon ng inobatibong bansa.
Ikatlo, pabibilisin ang pagdedebelop ng human resources
Bibigyan ng priyoridad ang paghuhubog ng mga innovative scientist at engineer, at mga dalubhasa at propesyonal sa mga mahalagang sektor na may mahigpit na kaugnayan sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan at aktibong aakit ng mga talento mula sa ibayong dagat.

Palabas ng mga monghe ng Tsina sa ibang bansa
5. Aktibong pasulungin ang progresong kultural
Dapat buong-husay na tupdin ng Pamahalaang Tsino ang tungkulin ng pagpapaunlad ng mga walang-tubong programang pangkultura at pangalagaan ang saligang pangangailangan at interes ng madla. Dapat ding aktibong pasulungin ang pakikipagpalitang kultural sa iba pang panig para mapalakas ang impluwensyang pandaigdig ng kulturang Tsino. Dapat ding pasulungin ang recreational sports, ilunsad ang malawak na kampanyang pampubliko ng pagpapalakas ng katawan, at pabutihin ang kalusugan ng mga mamamayan.

Binabakunahan nang walang-bayad ang mga construction workers
6. Puspusang tiyakin at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan at pasusulungin ang harmonya at progreso ng lipunan
Una, gagawin ang lahat ng magagawa para mapag-ibayo ang hanap-buhay
Para rito, dapat patuloy na pairalin ang proaktibong patakaran sa hanap-buhay at tinatayang aabot sa 43.3 bilyong Yuan o 6.2 bilyong dolyares sa taong ito ang ilalaan dito ng Pamahalaang Tsino.
Ikalawa, pabibilisin ang pagpapakumpleto ng social security system na sumasaklaw sa mga residenteng urban at rural
Dapat buong-tatag na pasulungin ang pilot program ng bagong rural na pension system na sasaklaw hanggang sa 23% ng lahat ng mga counties. Aktibong pasusulungin ang pagtanggap ng mga migrant workers ng mga seguro at ang minimum susbsistence allowance para sa mga residente ng lunsod at nayon. Daragdagan pa ng 10% ang saligang pension ng mga retirado ng bahay-kalakal. Dapat pag-ibayuhin ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang laang-gugulin sa social security at ang Pamahalaang Sentral ay maglalaan ng 318.5 bilyong Yuan o 45.5 bilyong dolyares para rito.
Ikatlo, rerepormahin ang mekanismo ng pamamahagi ng kita
Dapat agarang balangkasin ang patakaran at hakbangin para maisaayos ang kayarian ng distribusyon ng pambansang kita, itaas ang proporsyon ng kita ng mga indibiduwal sa kabuuang pambansang kita at ang proporsyon ng suweldo at sahod sa primary distribution ng kita. Dapat palalimin ang pagrereporma sa sistema ng pagbabahagi ng kita ng monopoly industries at kumpletuhin ang pagsasaayos at pagkontrol sa kabuuang payroll at wage scale ng mga industriyang ito. Dapat ibayo pang isapamantayan ang kaayusan ng income distribution at ganap na ibaligtad ang lumalawak na income gap.
Ikaapat, pasusulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng pamilihan ng real estate
Dapat lubusang pigilin ang tunguhin sa ilang lungsod kung saan labis na mabilis ang pagtaas ng presyo ng pabahay. Patuloy na malawakang ilulunsad ang low-income housing projects at ilalaan ng Pamahalaang Sentral ang 63.2 bilyong Yuan o 9 na bilyong dolyares na subsidy rito na mas mataas ng 8.1 bilyong Yuan o 1.16 na bilyong dolyares kumpara sa taong 2009. Pinaplanong itayo ang 3 milyong housing units para sa pamilyang mababa ang kita. Patuloy na kakagtigan ang mga mamamayan sa pagbili ng bahay bilang sariling tirahan. Daragdagan ang suplay ng lupa para sa pagtatayo ng katamtamang laki at maliliit na pabahay na ibebenta sa mababa at katamtamang presyo. Hihikayatin ang pag-upa ng bahay. Dapat ipagbawal ang speculative housing purchases.
Ikalima, pabibilisin ang reporma at pag-unlad ng larangang pharmaceutical at healthcare
Ikaanim, pahuhusayin ang gawaing may kinalaman sa populasyon at family planning
Sa aspektong ito, patuloy na pananatilihin ang mababang birthrate. Palalakasin ang estratehikong pananaliksik bilang tugon sa pagtanda ng populasyon at pabibilisin ang pagtatatag at pagpapabuti ng serbisyo para sa nakakatanda.

Noong 2009, lumampas sa 2.2 trilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina
7. Buong-tatag na pasulungin ang reporma at ibayo pang palawakin ang pagbubukas sa labas
Patuloy na pasusulungin ang estratehikong pagsasaayos sa kayarian at estruktura ng pambansang kabuhayan. Pabibilisin ang reporma ng malalaking bahay-kalakal na ari ng estado at pasusulungin ang pagiging iba-iba ng pag-aari ng mga ito. Pabibilisin ang pagrereporma sa mga monopoly industries; pasusulungin ang reporma ng mga public utilities; epektibong paluluwagin ang market access at aktibong papapasukin ang mekanismong kompetetibo. Puspusang lilikha ng market environment ng pantay na kompetisyon ng mga economic entities na may iba't ibang porma at ownership at higit pang pasusulungin ang pag-unlad ng mga sektor na di-pampubliko.
Patuloy na pabubutihin ang pangangasiwa sa mga institusyong pinansyal na kung saan may controlling stake ang estado at pasusulungin din ang kanilang operasyon at palalakasin ang kanilang kakayahan sa pangangasiwa at pagkontrol sa panganib. Pasusulungin ang pilot program ng renmenbi settlement sa cross-border trade at unti-unting idedebelop ang financial activities sa ibayong dagat na gamit ang renminbi.
Komprehensibo ang reproma ng Tsina na kinabibilangan ng repormang pangkabuhayan at repormang pampulitika at ng reestruktura ng iba pang mga larangan. Hindi magtatagumpay ang repormang pangkabuhayan at modernisasyon hangga't hindi naisasagawa ang repormang pulitikal. Dapat pasulungin ang sosyalistang demokrasya at aktuwal na tiyakin ang demokratikong karapatan ng mga mamamayan sa pagiging panginoon ng bansa, lalung lalo na ang kanilang karapatan sa halalan, karapatan sa pag-alam, karapatan sa paglahok, karapatan sa pagpapahayag ng palagay at karapatan sa superbisyon sa mga suliranin ng pamahalaan.
Dapat palawakin at palalimin ang pagbubukas sa labas. Dapat ding pasulungin ang pagiging balanse ng pag-aangkat at pagluluwas at kabilang dito, dapat palawakin, pangunahin na, ang pag-aangkat ng mga sulong na kagamitan at teknolohiya, mahahalagang piyesa, at mga materyal at produkto na kulang ang suplay sa loob ng bansa. Hihimukin ang mga maunlad na bansa na paluwagin ang kanilang paglilimita sa pagluluwas ng mga produktong hay-tek sa Tsina.
Hihikayatin ang mga puhunang dayuhan na mamuhunan sa high-end manufacturing, industriyang hay-tek, sektor ng modernong serbisyo, industriya ng bagong enerhiya at industriya ng pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran. Hihikayatin din ang mga multi-nasyonal na bahay-kalakal na magtayo sa Tsina ng kanilang rehiyonal na punong himpilan at iba pang functional agencies at eenkorahehin ang pagtutulungan sa R&D ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan.

Mga diplomatang dayuhan, inayayahan sa seremonya ng pagbubukas bilang tagamasid
Hihikayatin ang paggamit ng puhunang dayuhan sa reestruktura, pag-upgrade, merger at pagrereorganisa ng mga bahay-kalakal na Tsino at pabibilisiin ang pagbuo ng security review system para sa mergers at acquisitions na may puhunang dayuhan. Papatnubayan ang mga mamumuhunang dayuhan na ilipat at dagdagan ang kanilang puhunan sa dakong sentral at kanluran ng bansa. Hihikayatin ang mga industriyang Tsino na katanggap-tanggap sa pamilihang dayuhan na maayos na ilipat ang kanilang production capacity sa ibayong dagat; kakatigan ang mga kuwalipikadong bahay-kalakal na Tsino na magsagawa ng mergers at acquisitions sa ibayong dagat; palalalimin ang may mutuwal na kapakinabangang pagtutulungan na may kaugnayan sa yamang dayuhan; at patataasin ang kalidad ng mga nakakontratang proyekto sa ibayong dagat at ng kooperasyon sa labor service.
Palalalimin ang bilateral at multilateral na pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan. Pabibilisin ang pagtatatag ng mga malayang sonang pangkalakalan. Patuloy na aktibong makikilahok sa
Upang maitaguyod ang Shanghai World Expo tungo sa pagiging matagumpay, katangi-tangi at di-makakalimutan, dapat palakasin ng Tsina ang pakikipagtulungan nito sa lahat ng mga lalahok na bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig.
8. Buong-sikap na itatag ang kasiya-siyang service-oriented na pamahalaan
Patuloy na magpupunyagi ang pamahalaan para buong-husay na mapaglingkuran ang mga mamamayan, makalikha ng pantay na kapaligiran ng pag-unlad para sa iba't ibang market entities at mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at pagiging makatwiran ng lipunan.
Upang mapangalagaan ang interes ng mga mamamayan, dapat seryosohang lutasin ang mga problemang nakakapinsala sa interes at karapatan ng madla na dulot ng reorganisasyon ng mga bahay-kalakal, land expropriation, pagpapagiba ng mga bahay at relokasyon ng mga residente, pangangalaga sa kapaligiran, labor disputes, at legal and litigation issues.
Dapat pahalagahan ang paglaban sa korupsyon at pagtataguyod sa integridad. Kabilang dito, dapat ipagpauna ang imbestigasyon at pagpapataw ng kaparusahan doon sa mga lumalabag sa batas at disiplina. Dapat patakbuhin nang masipag at matipid ang pamahalaan, tutulan ang pagkabulagsak at pag-aaksaya at walang-tigil na bawasan ang halagang administratibo. Dapat palalimin ang pagbubukas ng pangangasiwa at pagiging transparent ng mga suliraning administratibo, lumikha ng kondisyon para sa mga mamamayan na magpahayag ng pagpuna at magbigay ng superbisyon sa pamahalaan, patingkarin ang papel ng news media sa pagsusuperbisa sa pamahalaan, at bukas na magsagawa ng kapangyarihan ang pamahalaan.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para lamang maging higit na maligaya at higit na kapita-pitagan ang pamumuhay ng mga mamamayan at maging higit na pantay at tugma ang lipunan.

Mabuting napangalagaan ang ekolohiya at kultura sa mga lugar na pinaninirahan ng mga pambansang minorya
Dapat patatagin at paunlarin ang sosyalistang ugnayang etniko na nagtatampok sa pagkakapantay-pantay, pagbubuklod, pagtutulungan at harmonya. Dapat paunahin ang pagsuporta sa mga rehiyon na pinaninirahan ng mga grupong etniko sa hanggahan at pahalagahan ang pangangalaga sa pamanang kultural ng mga grupong etniko at ang ecosystems ng kanilang lupang-tinubuan. Kasabay nito, dapat palakasin ang national consciousness at sense of citizenship at dapat ding buong-linaw na tutulan ang mga tangkang naglalayong paghiwalayin ang bansa, at pangalagaan ang pambansang pagkakaisa.

Mas masiglang umuunlad ang Hong Kong sapul nang bumalik sa inangbayan

Sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaang sentral, malaking napaunlad ang iba't ibang aspekto ng Macao
Di-nagbabagong paiiralin rin ang "isang bansa, dalawang sistema" at batay rito, ang mga taga-Hong Kong ay namamahala sa Hong Kong at ang mga taga-Macao naman ay namamahala sa Macao, na kapuwa ay may awtonomiya sa mataas na antas, at puspusang susuportahan ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao. Patuloy na kakatigan ang
Patuloy na mananangan tayo sa prinsipyo ng pagpapaunlad ng relasyon ng mainland at

Ang pormal na konstruksyon ng CAFTA ay ibayo pang nagpapalakas sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN
Patuloy na sasamantalahin natin ang G20 financial summit at iba pang pangunahing multilateral na aktibidad para masiglang makilahok sa proseso ng pagbabago ng pandaigdigang sistema at maprotektahan ang interes ng mga umuunlad na bansa. Patuloy na pasusulungin ang komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at malalakas na bansa, mga kapitbansa at kapuwa umuunlad na bansa. Dapat hawakan ang pagkakataon na dulot ng pagtatatag ng CAFTA (China-Asean Free Trade Area) at pagdaraos ng Shanghai Cooperation Organization Summit para mapasulong ang pagtutulungang rehiyonal. Patuloy na pahuhusayin ang mga gawaing diplomatiko na may kinalaman sa pagbabago ng klima, pagtutulungan sa enerhiya't yaman at gagampanan ang konstruktibong papel sa tumpak na paglutas sa mga nagbabagang isyu at isyung pandaigdig. Nakahanda ang Pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina na magsikap, kasama ang komunidad ng daigdig, para magkakasamang matugunan ang mga panganib at hamon, makapagbahaginan ng mga pagkakataon ng pag-unlad at makapagbigay ng bagong ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig!
Natapos ni Wen Jiabao ang pagbasa sa ulat.
Ipinatalastas ni Wu Bangguo ang ika-2 at ika-3 ahenda ng sesyon.
Ipinatalastas ni Wu Bangguo ang pagtapos ng seremonya ng pagbubukas.
Natapos ang live coverage online ng seremonya ng pagbubukas ng sesyon ng NPC.