Slogan: Venice sa silangan
Address: Nasa dakong hilaga ng lalawigang Zhejiang ng silangang Tsina, kabisera ng Zhejiang. Ang Hangzhou ay ika-2 pinakamalaking lunsod na pangkabuhayan sa Yangtze River delta.
Ang Hangzhou ay isa sa mga pinakakilalang lunsod na panturita ng Tsina. Ang bukambibig--"just as there is paradise in heaven, there are Suzhou and Hangzhou on earth" ay buong husay na naglalarawan ng ganda nito. Ang Hangzhou ay isa sa 8 matandang kapital ng Tsina, at kabilang sa unang grupo na kilalang lunsod na kultural at pangkasaysayan sa antas ng estado na kinumpirma ng bansa.
Ang Hangzhou ay sagana sa bundok at tubig. Mahigpit 130 ilog ang dumadaloy sa loob ng lunsod kaya tinatawag itong "Venice sa Silangan". Sa Hangzhou, mayroon dalawang bantog na matulaing purok sa antas ng estado: Lawa ng Xihu, at "dalawang ilog at isang lawa" (Fuchun River--Xin'an River--Qiandao Lake). Dalawang pambansang natural reserve zones: natural reserve zone ng Tianmu Mountain at Qingliang Peak. 6 na pambansang parke ng gubat--Qiandao Lake, Bundok ng Daqi, Bundok ng Wuchao, Ilog ng Fuchun, Qingshan Lake at pambansang parke ng gubat ng Yaolin. Ang unang national wetland park ng bansa: Xixi national wetland park ay nasa Hangzhou rin.
1 2 3 4