Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Luoyang, Henan

(GMT+08:00) 2010-09-25 17:17:38       CRI
Islogan ng lunsod: kapital ng emperador sa libong taon, lunsod ng poeny; lugar kung saan nagsimula ang Silk Road; lunsod ng bundok at tubig

Lugar ng lunsod: nasa dakong kanluran ng lalawigang Henan sa kagitnaan ng Tsina

Salaysay hinggil sa lunsod: Ang lunsod ng Luoyang ay nasa dakong kanluran ng lalawigang Henan at timog pampang ng Yellow River. Naitatag ito noong ika-12 siglo BC na isa sa walong lumang kapital ng Tsina, at ito ring tanging lunsod na tinawag na "Deity Capital" sa kasasayang Tsino. Ang rehiyon ng Heluo na may sentrong Luoyang ay mahalagang lugar na sinilangan ng Huaxia civilization. Sa kasaysayan, mayroong 13 dinastiya ang magkakasunod na nagtatag ng kapital doon na tumagal nang mahigit 1500 taon. Sapul noong sinaunang panahon, maraming literati ay nagtipun-tipon doon, kaya mayroong tawag na "Poem Capital" ang Luoyang, at dahil sa magandang poeny, mayroon pa itong magandang tawag na "Kapital ng Bulaklak".

Mayaman ang tanawing kultural ng Luoyang. Kabilang dito, ang Longmen Grotto ay isa sa tatlong malalaking grotto ng Tsina, at ang White Horse Temple ay unang buddhism temple na itinaguyod ng panig opisyal sa Tsina. Mula noong sinaunang panahon, naging mapagkaibigan at bukas ang Luoyang, at ito ang tulay ng komunikasyon sa panahong iyon. Ang "Silk Road" na bantog sa loob at labas ng bansa, ay nagsisimula sa dakong silangan ng Luoyang at nagtatapos sa silangang pampang ng mediterranean sea, abalang-abala ang linya ng transportasyon at tuluy-tuloy ang mga mamimili at mangangalakal.


1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>