Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sanya, Hainan

(GMT+08:00) 2010-09-25 17:40:28       CRI
Islogan ng Lunsod: Magandang Sanya, Gilid ng Langit.

Kinalalagyan ng Lunsod: Ang Sanya ay nasa pinakatimog na bahagi ng Lalawigang Hainan, tanging lalawigan ng tropikong isla ng Tsina. Mula rito, nakakaabot sa Pacific Ocean, Indian Ocean at Atlantic Ocean, kaya tinatawag ang Sanya na "South Gate" ng Tsina.

Ang Lunsod ng Sanya, nasa pinakatimog na bahagi ng Hainan Island, ay siyang tanging lunsod na panturista ng Tsina sa tropikong baybaying-dagat. Natatangi ang kapaligiran sa Sanya na may bundok, dagat at ilog at binubuo ng mga ito ang espesyal na tanawin ng lunsod. Pinakamasagana at pinakamarami ang mga yamang panturismo ng tropikong baybaying-dagat ng Sanya sa buong Tsina. May sampung mahalagang yamang panturismo doon na gaya ng sikat ng araw, dagat, aplaya, klima, gubat, hotspring, hayop, kuwebe, hardin at kaugalian at marami ang mga bantog na tanawin na kinabibilangan ng Bundok ng Nanshan, Daxiao Dongtian (Mga Kuwebe ng Engkanto), Yalong Bay, Tianya Haijiao (Dulo ng Dagat at Langit), Luhuitou Park (The Deer Turns), Isla ng Kanluran, Isla ng Wuzhizhou, Dadonghai Bay at iba pa.

Ang Sanya ay pasukan sa Tsina ng tropical zone at espesyal ang bentaheng heograpikal nito sa pagpapalagayang pandaigdig ng Tsina. Ang Sanya naman ay isa sa mga pinakabukas na lunsod na panturista ng Tsina. Nagtatamasa ng 15 araw na visa-free entry sa Sanya ang 26 na bansa na gaya ng E.U., Rusya, Alemanya, Australya, Hapon, Thailand, Pransya at iba pa at ang visa upon arrival ay naisasagawa sa mga iba pang bansa.


1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>