![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Matatagpuan ang Lhasa sa dakong timog-silangan ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, dakong gitna ng Talampas ng Tibet, dakong hilaga ng Mt. Himalayas o Everest at hilagang pampang ng ILog Lhasa, sangay ng Yarlung Zangbo River.
Islogan ng Siyudad:
Banal na Lunsod sa Talampas
Namtso Lake
Name Card ng Lunsod:
Bilang punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, ang Lhasa ay isang kilalang siyudad na pangkasaysaysan at pangkultura ng Tsina. Sa wikang Tibetano, ang Lhasa ay nangangahulugan ng "banal na lugar" o "pinanggagalingan ng Budismong Tibetano". Sapul noong sinaunang panahon, ang syudad ng Lhasa ay nagsisilbi nang sentrong pumpulitika, pangkabuhayan, pangkultura at panrehiyon ng Tibet. Ang Potala Palace na nakatirik sa kalunsuran ng Lhasa ay simbolo hindi lamang ng siyudad na ito, kundi maging ng buong Qinghai-Tibet Plateau. Ito rin ang siyang palasyong pinakamataas mula sa lebel ng dagat at pinakakahima-himalang hitsura na sumasagisag sa pinakaesensiya ng kulturang Tibetano.
Katangi-tangi ang kultura at tanawin sa Lhasa at bunga nito, maraming turista ang naaakit na pumaroon. Ang mga arkitektura sa kalunsuran ay pinaghalong istilong tradisyonal at istilong moderno. Maraming residenteng lokal ang naka-tradisyonal-na-katutubong-kasuutan at ang kanilang laging-hawak-sa-kamay na prayer wheel at beads ay nagpapahiwatig na bahagi ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal ang Budismong Tibetano.
Kilalang kilala rin ang Lhasa bilang siyang tanging lunsod sa Tsina na may pinakakasiya-siyang kapaligiran at pinakakonting polusyon at dalisay ang tubig at atmospera roon. Katangi-tangi at kahanga-hanga ang operang Tibetano at ang sayaw at kanta ay kapuwa nagpapakita ng istilong katutubo. Kagila-gilalas din ang pag-uukit at paglililok ng etnikong Tibetano. May sariling wika at titik ang mga Tibetano.
Pasikat nang pasikat ang Lhasa. Lakip ito sa mga pinakapaboritong siyudad ng mga turistang Europeo at ang Potala Palace naman ay nakahanay sa mga pinakapaboritong scenic spot ng mga turistang Europeo. Itinuturing din itong isa sa 30 lunsod na Tsino na pinakakaaya-ayang puntahan sa tag-init. Natatangi ang karanasan ng pagpapalipas ng Tibetan New Year, pagbisita sa glaciers at pagtatamasa ng tanawin ng niyebe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |