Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guangzhou Asian Games, magiging isang low-carbon palaro

(GMT+08:00) 2010-11-08 18:36:17       CRI

Sa proseso ng paghahanda para sa Guangzhou Asian Games, lubos na ipinakikita ang ideya ng low-carbon, pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang bagong teknolohiya na gaya ng utility tunnel, solar energy, water heat pump, energy efficient building at green traffic, nabawasan nang malaki ang gastos ng pagpapatakbo ng mga gymnasiums. Isinasakatuparan ng Guangzhou ang solemnang pangako nito sa pagtataguyod ng "green Asian Games" sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Sa kasalukuyang Asian Games, gagamitin ang 53 lugar na pagdarausan ng laro, kabilang dito, 12 lamang ang mga bagong itinatag na gym. Ipinahayag ni Ginoong Xu Ruisheng, pangalawang mayor ng Guangzhou, na sa proseso ng pagpaplano, pagdidisenyo at pagtatatag ng mga gym, lubos na ipinakikita ang katangian ng pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran.

"Lubos na isinaalang-alang ng konstruksyon ng mga lugar na pagdarausan ng laro ang katangian ng klima ng Guangzhou at gagamitin ng mga gym ang enerhiya ng likas na hangin at sikat ng araw. Bukod dito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong materyal, isinasakatuparan ang target ng low-carbon at energy efficient building."

Ipinahayag naman ni Yin Jie, tagapagsalita ng Athletes' Village ng Guangzhou Asian Games Town, na ginamit sa Asian Games Town ang maraming bagong teknolohiya ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon.

"Alang-alang sa pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, ginamit namin ang maraming bagong teknolohiya. Halimbawa, idinisenyo namin ang utility tunnel at inilagay sa naturang utility tunnel ang iba't ibang uri ng linya na gaya ng telephone line at telecommunication line para maiwasan ang paulit-ulit na paghuhukay ng lupa. Bukod dito, ginamit ang tubig ng ulan para sa pagdidilig at iba pa."

Upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa panahon ng Asian Games, pinag-iibayo ng pamahalaan ng Guangzhou ang pagsasaayos sa hangin. Sapul noong 2004, sunud-sunod na itinakda at isinagawa ng Guangzhou ang serye ng regulasyong lokal, pabatid ng pamahalaan at plano, bagay na nagkaloob ng pundasyong pambatas at pangmatagalang mekanismo para sa paggarantiya sa kalidad ng hangin sa panahon ng Asian Games at tuluy-tuloy na pagpapabuti ng kalidad ng hangin pagkatapos ng palaro.

Ipinahayag ni Yang Liu, pangalawang direktor ng Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Guangzhou, na sa panahon ng Asian Games, may garantiya ang kalidad ng hangin ng Guangzhou.

"Sa panahon ng Asian Games, sa kalagayan ng pagbabawas nang hangga't maaari ng di-regular na hakbangin, buong sikap na maisasakatuparan ang target na mas mabuti kaysa itinakdang ika-2 pamantayan ng estado ang concentration ng sulfur dioxide, nitrogen dioxide at PM10 bawat araw sa mga lugar na isinailalim sa pagsusuperbisa ng estado at lugar na isinailalim sa pagsusuperbisa ng mga pangunahing gymnasium ng Asian Games."

Kasabay nito, noong isang taon, komprehensibong isinagawa ng Guangzhou ang mark management sa mga sasakyang de motor at ginawaran ng marka ang 1.52 milyong sasakyang de motor. Sa aspekto ng trapikong pampubliko, malawakang nagpalaganap ng LPG-run buses.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>