Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kinasiyahan Ko ang Panonood ng Opening Ceremony ng 16th Asiad

(GMT+08:00) 2010-11-13 17:56:59       CRI

Magandang gabi po, mga giliw na tagasubaybay. Ito pong muli si Andrea, field reporter ng Filipino Service para sa kasalukuyang Asian Games.

Idinaos kagabi sa Guangzhou ang seremonya ng pagbubukas ng ika-16 na Asian Games. Ang tatlong oras na seremonya ay kinabilangan ng mga palabas, pagmamartsa papasok ng mga manlalaro, pagpapatalastas ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ng pagbubukas ng Asiad, pagsisindi ng Asian Games Flame at fire works. I am pretty sure, napanood ninyo ito sa inyong TV sets o kung hindi naman ay nakita ninyo ang makukulay na kuhang larawan sa mga pahayagan at magazine o mga website.

Pero, poor Andrea, kahit malapit sa lugar na kinaroroonan ng seremonya, hindi rin niya napanood nang personal ang opening ceremony. Nakuntento na lamang siya sa panonood sa close-circuit TV ng hotel na kanyang tinutuluyan. Sayang, wika niya. Pero hindi bale, maraming reporter sa Media Village ang nasa katulad ding katayuan. Maraming reporters ang naroroon para magkober ng ceremony.

Ngayong umaga, sinalubong ko ang mga tao mula sa iba't ibang bansa at pinag-usapan namin ang hinggil sa mga palabas kagabi. Katulad ko rin, mataas ang kanilang pagtasa sa seremonya.Narito ang recording ng panayam ko.Pakinggan ninyo at alamin kung aling bahagi ng seremonya ang nag-iwan sa kanila ng malalim na impresyon.

At diyan nagtatapos ang ating programa sa gabing ito.Para sa mga iba pang detalye ng programang ito, mag-log-on sa aming website na Filipino.cri.cn. Doon, makakakita kayo ng maraming makukulay na kuhang-larawan at makakabasa ng mga mas detalyadong balita hinggil sa Asiad. Happy listening sa inyong lahat!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>