Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impormasyon sa ika-3 araw ng ika-16 na Asiad

(GMT+08:00) 2010-11-14 16:45:59       CRI

Ito pong muli si Andrea para sa 16th Asiad.

Hayaan niyo munang ihatid ko sa inyo ang result ng mga paligsahan kahapon.

Good news para sa mga mahilig sa Tennis.

Nanalo ang Pilipinas sa Men's Team 2nd Round,Men's Team 2nd Round rubber 1, 2 at 3.

Bad news para sa apisyonado ng Wushu.

Natalo si Benjie Rivera sa Men's Sanshou 56 kg round of 16 at si Mariane Mariano sa Women's Shanshou 60kg.

Bad news din para sa billiard sports

Sa Men's English Billards Singles Last 16, Men's 8-Ball Pool Singles Preliminary,Men's Snooker Team Last 16 at Women's 6-Red Snooker Team quarterfinals,natalo ang mga manlalarong Pilipino sa kani-kanilang kalaban.

Depressed na depressed na ako, kasi, si Efren "Bata" Reyes ay natalo kahapon sa 8-Ball Pool Singles Preliminary. Ito ang unang personal na panonood ko ng paligsahang ito sa tanang buhay ko at si Reyes, master ng billiard, ang iniidolong sports personality at binabalak kong interbiyuhin later, is out.

May 3 dahilan kung bakit gusto ko siyang makapanayam:

Una, kilalang kilala siya. Siya ang iniidolong sports personality ng maraming tao. Itinuturing siyang Hero o Idol hindi lamang ng publiko kundi maging ng kapuwa niya manlalaro ng bilyar. Ang mga ito ay kinabibilangan ni Amit Rubilen, dalawang Gold medalist ng 2009 South East Asian Games at silver medalist ng WPA World 9-Ball Championships.

Ikalawa, his love for pool. Naghanap ako ng mga impormasyon hinggil sa kanya. Nakita ko sa mga report ang susunod na mga pangungusap:

"When he was young,he worked as a billiard attendant and slept on the pool table so that he could play as soon as he woke up."

sabi raw niya,"When i slept on the table, i dreamt about pool...i learned about pool from my dreams".

Ikatlo, napanood ko ang kanyang comedy, pakners. Siya ay isang billiard master din sa pelikula. Sa palagay ko, mahusay ang kanyang performance. Mayroon siyang comedy talent. Gusto kong alamin kung may balak siyang gumawa ng maraming pelikula at TV series at ano ang kanyang plano sa hinaharap.

Bago ang pagsisimula ng paligsahan kagabi,sinalubong ko si Ginoong Reyes sa pagpasok niya sa venue. Para hindi siya ma-disturb, ang tanging kong sinabi sa kanya ay magandang gabi po, nagkamayan kami at nginitian niya ako. Sa buong proseso ng paligsahan, mukhang pagod na pagod at seryoso. Ang kanyang kalaban na si Kumar Alok, Indian,ay nasa ika-5 puwesto sa 8-ball Pool Games sa 2006 Doha Asian Games.

Hindi bale, "Just do your best, help yourself", kahit natalo, siya pa rin ang hero ng mga tao at ito ang hindi magbabago. Come on, Reyes, nasa likod mo kami.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>