Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang mabungang araw para sa delegasyong Pilipino

(GMT+08:00) 2010-11-16 17:41:03       CRI

Ito pong muli si Andrea para sa balitang Asiad.

Hayaan niyo munang ihatid ko sa inyo ang magandang balita hinggil sa mga laro kahapon.

Nakuha kahapon ni ENGELBERTO RIVERA ang unang ginto ng delegasyong Pilipino sa Men's Singles ng Bowling sa ika-16 na Asiad. Sa Men's Singles, nakuha naman ni FREDERICK ONG ang tanso. Ito ang ika-3 tanso ng Pilipinas sa rehiyonal na paligsahang ito. Congratulations!

Sa iba pang balita na may kinalaman sa paligsahang sinalihan ng mga Pilipino,

Sa Women's 58 kg weightlifting Group B, nasa unang puwesto si DIAZ Hidilyn, 19 na taong gulang na weightlifter.

Sa Men's Carom 3 Cushion Singles Last 16, nanalo si GRANDEA Reynaldo sa kanyang kalabang Thai, 40 to 8.

Sa Women's 9-Ball Pool Singles Preliminary, nanalo si RANOLA Iris sa kanyang kalabang Kuwaiti 7 to 1.

Sa Men's Sanshou 65kg Quarterfinal, nanalo si EDDIVA Mark sa kalabang Iranian, kasi may isang fall off ang kalaban.

Sa Men's 4 x 200m Freestyle Relay Final sa s, nasa ika-4 na puwesto ang grupong Pilipino na sina LACUNA Jessie Khing, WALKER Charles William, ARABEJO Ryan Paolo at MOLINA Miguel. Pagkatapos ng paligsahan, kinapanayam ko si Ryan, pakinggan natin ang recording.

Ngayong gabi, sa Huangpu Gymnasium, maghaharap ang Smart Gilas Pilipinas at ang Iranian Basketball Team sa Men's Basketball Preliminary Round.

Sa Men's Sanshou 65kg Quarterfinal, kakaharapin naman ni EDDIVA Mark ang kanyang kalabang Tsino.

Let's wait and see what happens! Good luck, Philippine delegation!

Doon sa Main Press Center, sinalubong ko ang isang Pilipino. Siya si Francis, asistant sports editor ng Inquirer. Pakinggan natin kung ano ang kanyang expectation sa delegasyong Pilipino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>